Chapter 12

77 11 0
                                    

Gwyn's point of view...

.
.
.
Napa kunot ang aking noo nang yayain ni Sandro yong babae na makisalo saamin nila Nanon. Sino ba siya at kung maka dikit naman siya kay Sandro wagas! May kasama itong bata at mukhang anak niya ata. Napaka landi!

"This is Barbara, and this is?" Pakilala ni Sandro at tumingin ito sa batang kasama nong babae.

"Marco, he's my son," saad nung babae tiyaka umupo sa bakanteng upuan dito sa table natin.

"This is Gwyn, my girlfriend," ngumiti ako at tumango sa babae. Agad na umiba ang timpla ng mukha ng babae at pilit na ngumiti ito saakin.

"Gwyn, this is Barbara, my ex," napatingin ako ng masama kay Sandro nang sabihin niya iyon. Nanatili namang tahimik si Nanon sa tabi niya.

"Hi Marco, where is your dad?" Tanong ni Sandro sa bata. Dumating na yong mga pagkain namin kaya agad akong kumuha ng kutsara at tinidor para mag simula ng kumain.

"He's not here," saad nong bata. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Gusto kong kiligin dahil ang cute ni Sandro habang kausap niya yong bata ngunit, nag part saakin na hindi mapakali dahil nandito ang ex niya.

"Kakain ba kayo o hindi?" Inis na tanong ko sakanila dahil malapit ko ng makalahati itong pagkain ko tapos sila nag uusap parin.

Tumigil si Sandro sa pakikipag usap kay Barbara at kumuha na rin ng kutsara at tinidor. Naiinis ako! Hindi ko alam kung bakit.

"Here Sandro, naaalala kong favorite mo pala ang fried chicken." Nag tinginan kami ni Nanon nang biglang ilagay ni Barbara ang fried chicken niya sa plato ni Sandro.

"No, it's okay ibigay mo nalang kay Marco," pag tanggi ni Sandro at inilagay naman yong fried chicken sa plato nong bata. Napa buntong hininga ako at binitawan na yong kutsara at tinidor.

"Nawalan na ako ng gana, Nanon babalik ka pa ba sa cementeryo?" Tanong ko kay Nanon. Napatingin naman saakin si Sandro.

"Hindi na, bukas nalang ako ulit bibisita, bakit?" Tugon naman ni Nanon at tinaasan ako ng dalawang kilay.

"Tapos ka na ba kumain? Tara na, hatid mo na ako sa hospital," saad ko kay Nanon. Napatingin ito kay Sandro tiyaka tumango saakin.

"Yep, tara na." Tumayo si Nanon kaya tumayo na din ako. Sabay na sana kaming aalis ni Nanon nang mag salita si Sandro.

"Mag ingat kayo, susunod nalang ako," saad ni Sandro.

"Are you kidding me!? Hay! Tara na nga Nanon," inis na saad ko at nauna nang lumabas ng restaurant.

Akala ko ba ako ang girlfriend niya? Alam niyang hindi pa ako masyadong magaling tapos ipapahatid niya ako kay Nanon? Bakit, si Nanon ba ang boyfriend ko? Mas pinili niya pang mag stay don sa babaeng bruhang iyon kesa ihatid ako sa hospital!

"Tss," saad ko at sumakay sa sasakyan ni Nanon.

Napatingin si Nanon saakin at tumawa ng kaunti dahilan para mapatigil ako at mapatingin sakanya ng masama. Ano bang nakakatawa?

"Anong nakakatawa?" Inis na sabi ko sakanya. Umiling ito at pinaandar na ang kanyang sasakyan. Humanda ka talaga saakin Sandro!

Lumipas ang tatlumput isang minuto at ligtas na nakarating kami ni Nanon sa hospital. Sinalubong ako ni Doc. Lloyd at pinaupo sa wheelchair.

"Nasan si Doc. Sandro?" He asked me habang tinutulak niya ako sa wheelchair kaya napairap ako sa kawalan.

"Ah, susunod daw po siya Doc." Napatingin ako kay Nanon nang mag salita siya. Sumusunod pa pala ang mokong akala ko umuwi na siya.

Thanatophobia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon