Chapter 11

76 12 0
                                    

Third person's point of view...

"Gising na si Gwyn,"

"Papunta na ako diyan Doc," saad ng binata at binaba na ang telepono.

Mabilis na pinaandar ni Sandro ang kanyang sasakyan at mabilis na pinatakbo iyon. Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na siya sa hospital. Tumakbo siya papunta sa room kung nasaan si Gwyn at bumungad sakanya si Gwyn na naka ngiti kasama si Doc. Lloyd at mukhang hinihintay siya.

"Sandro," halos pabulong na sabi ni Gwyn.

"Hi? Buti naman at gising ka na," bati ni Sandro sakanya at niyakap ito.

"Sabi ng doctor, pwede na daw ako makauwi next week, sila Kyla? Si Yasmin? Nasan sila?" Masayang sabi ni Gwyn dahilan para mapatigil si Sandro at mapatingin kay Doc. Lloyd.

"Oh ba't namumula mata mo? Umiyak ka ba?" Dagdag pa ni Gwyn.

"Mag pahinga ka muna, pupunta dito ang mom at dad mo mamaya kasama ang lola mo," saad ni Sandro at niyakap muli si Gwyn.

"Na miss mo nanaman ako," biro ni Gwyn at hinaplos ang likod ni Sandro habang yakap siya nito.

"Sila Yasmin? Binisita na ba nila ako? Nandito rin ba sila?" Tanong pa ni Gwyn.

"Gwyn, mag pahinga ka muna. Sila tita at tito nalang ang mag papaliwanag sayo mamaya," saad ni Sandro at lumapit kay Doctor Lloyd.

"Can I talk to you?" Saad ni Sandro sa doctor kaya tumango ito. Nag paalam sila kay Gwyn at sabay na lumabas ng room.

"Mas maganda siguro kung mag pahinga muna ang pasyente," saad ni Doc. Lloyd kay Sandro kaya napabuntong hininga ito.

"Naaawa na ako sakanya, she needs to know," saad ni Sandro.

"Doc, kailangan po munang mag pahinga ng pasyente, wag mo siyang biglain. Alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari hindi ba?" Babala ni Doc. Lloyd kay Sandro kaya huminga ito ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Okay, thank you Doc," saad ni Sandro at nag paalam na.

Pumasok muli si Sandro sa room ni Gwyn at naabutan niya itong naka tulog. Agad siyang lumapit dito at hinawi ang kanyang buhok na naka sagabal sa kanyang magandang mukha.

"Sandro? Kamusta na siya?" Napatingin ang binata nang bumukas ang pinto ng room ni Gwyn at pumasok doon ang mga magulang ng dalaga.

"Okay na po siya, at kung maaari wag niyo po muna sabihin sakanya ang mga nangyari," saad ng binata sakanila.

"Pero kailangan na niyang malaman ang lahat," saad nong mama ni Gwyn.

"Elena! Sundin nalang natin ang payo ng doctor." Hindi pagsang-ayon ng lola niya.

"Ma, Elena, wag kayong maingay baka magising si Gwyn." Lumapit ang kanyang ama sakanya at hinalikan ito sa noo.

"Pa?" Napatingin silang apat kay Gwyn nang mag salita ito. Agad siyang nilapitan ng kanyang lola at ina.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong ni Elena.

"Ma ayos lang po ako, sila Yasmin po?" Napaiwas ng tingin ang mga ito kay Gwyn.

"At bakit pala kayo naka itim? Hindi pa naman ako patay." Tumawa si Gwyn.

"So, ano? Nasan sila Kyla? Naka ligtas ba sila sa aksidente---"

"Gwyn, I think you should rest more," putol sakanya ni Sandro. Napakunot ang noo ni Gwyn at tinignan ng masama si Sandro. Napataas ang dalawang kilay ni Sandro at pilit itong ngumiti.

"No! Napansin ko na kanina niyo pa iniiwasan ang mga tanong ko! So, ano bang nangyari? Nasan ang mga pinsan ko?!" Saad ni Gwyn at tatayo na sana sa pag kakahiga nang pigilan siya ng kanyang ama.

Thanatophobia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon