Chapter 3

99 13 18
                                    

Kyla's Point of view...

Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko kay Frame. This past few weeks gabi na siya umuuwi at ang palagi niyang palusot ay nag overtime siya sa work. Hindi niya alam na alam ko ang schedule niya kaya napag desisyonan kong sundan siya ngayong gabi.

Agad akong tumigil sa pag dridrive nang huminto ito sa isang motel, di kalayuan sa apartment na tinutuluyan namin. Simula kasi nang dumating kami rito sa America, napag desisyonan namin na mag live in nalang dahil paniguradong mahuhuli ako nila mama. Ang alam nila mama ay mag isa ko lang sa apartment na tinutuluyan ko at alam kong may tiwala naman sila saakin kaya pinayagan na rin nila akong tumira mag isa.

Bumaba ito ng kanyang kotse at nag mamadaling pumunta sa isang side ng kanyang sasakyan. Tumingin ito sa paligid bago nito binuksan ang pintuan. Lumabas doon ang isang maputi at blonde na babae at mabilis silang nag check in sa hotel.

Sumunod ako at tinanong ko ang isa sa receptionist kung anong room nag check in sila Frame, ngunit hindi niya ito sinabi saakin dahil hindi daw siya pwedeng lumabag sa rules ng hotel kaya nagpaalam ako at bumalik sa aking sasakyan.

"Hihintayin ko siya," saad ko saaking sarili at isinubsob ang mukha sa manibela ng sasakyan ko.

Nag sisisi na ako sa mga nangyayari at hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko pag umamin na siya sakin mamaya. Kaya ko ba siyang patawarin?

"I'm gonna call Yasmin," bulong ko sa aking sarili at agad na kinuha yong phone ko sa bag ko. Alam kong si Yasmin lang ang makakatulong saakin.

"Sorry I really need to answer this call. Hello?" Narinig ko siya sa kabilang linya.

"Why?" She aske me.

"I think he's cheating on me"

"Wait what??!"

~~~

"Hoy, gising na!" Iminulat ko ang aking mata at nakita ko nga si Yasmin at Gwyn na kanina pa ata ako ginigising.

"Are you crying?" Tanong ni Yasmin saakin dahilan para mapahawak ako sa aking pisngi. Oo nga ba't basa?

"What? No! Laway yan tanga!" Saad ko at ipinunas pa sakanyang braso yong luha ko.

"Yucky! Anyways, labas ka na diyan para makapag check in na tayo sa hotel." Agad akong nag inat at lumabas na rin sa sasakyan.

"Babalikan ko nalang po kayo rito next next week dahil yan naman po ang bilin saakin ng Lola niyo, ingat po kayo," paalam saamin ni kuya Romer kaya tumango kami at hinila na ang aming mga bagahe papasok ng hotel.

Mabilis kaming naka kuha ng rooms dahil wala namang masyadong tao kaya agad din kaming umakyat sa mga rooms namin. Matutulog sana ako ulit nang maka receive ako ng text kay Yasmin.

From: Yassi<3

- Tara sa baba, gusto ko ice cream! Now na!

Tignan mo kung gaano ka bossy tong babaeng to'.

Tumayo ako sa pag kakahiga at agad na nag suot ng scarf. I'm an actress, I'm not a model like Yasmin kaya kailangan kong takpan ang aking katawan dahil nakakahiya!

Ni-lock ko yong room ko at nag mamadaling sumakay sa elevator nang may sumakay din na isang lalaki doon. Agad akong sumandal sa gilit at hinintay na sumara ang elevator.

Thanatophobia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon