Chapter 2

103 15 20
                                    

Kyla's Point of view...

"I know Gwyn, just give me a chance para bumawi sayo. Mali ako oo, alam ko iyon," imbis na sumagot ay tinalikuran lang niya ako at sumakay na sa sasakyan kaya naiwan akong mag isa.

Bumuntong hininga ako at akmang babalik na sana kila Yasmin nang may bigla akong natanaw na lalaki. Tumatakbo siya sa direction ko kaya agad akong nag panic at tatakbo na rin sana nang magkabanggaan kami.

"Ouch!!"

Napaupo kaming pareho at napailing iling ako dahil sa sakit ng puwet ko. Ba't ba kasi siya tumatakbo?!

"Miss, okay ka lang? I'm really sorry," pag hingi niya saakin ng pasensya habang tinutulungan niya akong tumayo.

"It's okay," tugon ko at pinagpag ko ang aking puwet.

"Sorry talaga miss, babawi sana ako pero I really need to go, by the way my name is..."

"Bro! Let's go!" Naputol ang kanyang sinasabi nang may tumawag sakanya kaya nag sorry nalang ulit siya saakin at umalis na.

"Uuh so, naka hanap ka na ba ng ipapalit kay Frame? Hahaha." Napalingon ako kay Yasmin na kanina pa pala naka tingin. Hindi pa ako move on kay Frame at hindi ganon kadali iyon dahil sa 10 years na pinag samahan namin.

"Ulol," saad ko at nag middle finger sakanya kaya tumawa ito at sumakay na sa sasakyan.

After a long ride, sa wakas ay nakarating na rin kami sa Ilocos Norte kung saan nangyari ang masakit na nakaraan. Agad kaming hinila ni Lola papasok sa loob ng bahay.

I looked around. It seems like nothing has changed. Ang malaking chandelier na naka sabit sa taas, ang malalaking bintana, at of course ang malaking family picture na nasa  pagitan ng double stairs.

"I still remember noong mga bata pa kayong tatlo. You often run naked inside the house," saad ni Lola at lumapit saamin nila Gwyn.

"Yeah, mga panahong hindi pa nagiging ahas ang isa saamin." Agad na umalis si Gwyn papuntang kusina. Tatangapin ko lahat ng sasabihin niya saakin dahil deserve ko naman lahat ng iyon.

"Mapapatawad ka rin niya, just give her time," sambit ni Lola at tinapik ang aking balikat.

"What if, mag beach tayo tomorrow? Malapit lang naman ang Pagudpud dito hindi ba Lola?" Sabay na napatingin kami ni Lola kay Yasmin habang naka upo sa sofa.

"Ilang years din nating hindi naka bonding si Gwyn, malay mo ito na yong chance to make it up to her," saad pa niya. Actually, that's a good idea.

"That's a great idea apo," pagsang-ayon ni Lola. "Don't worry ipapahatid ko kayo kay Romer bukas," dagdag pa ni Lola. Romer is her driver ata, Im not sure.

"Pipilitin ko si Gwyn na sumama saatin bukas," saad ni Yasmin at nag tungo na rin sa kusina habang naiwan kami ni Lola dito sa sala.

"Alam kong mahirap ibalik ang tiwala ni Gwyn dahil sa mga nangyari but, I know you can do it." Tinapik ni Lola ang aking balikat at iniwan na rin ako dito sa sala.

Napag desisyonan kong pumunta na sa kwarto dahil nakaramdam din ako ng hilo. Alam kong iniiwasan rin ako nila Tita at Tito.

"Oh saan ka pupunta Kyla?" Napatingin ako kila mama nang magsalita ito. Nandito sila sa kusina kasama sila Yasmin at paakyat na rin ako sa kwarto.

"Nakaramdam po ako ng hilo kaya matutulog nalang po muna ako," saad ko kaya tumango ang mga ito.

"Sige na kasi, sumama ka na saamin!"

"Ayoko!" Ani Gwyn.

"Ililibre kita promise!" I smiled nang makita kong kinukulit ni Yasmin si Gwyn habang naka akbay ito dito. I miss Gwyn, miss ko na yong bonding namin.

Thanatophobia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon