Chapter 8

117 13 20
                                    


(May 12, 2016)

Third person's point of view...

8 am nang maagang nagising si Kyla para gisingin ang kanyang dalawang pinsan. Ngayon na ang balik nila sa Laoag kung saan nag hihintay sila Nanon sa napagusapang lugar.

Bumangon si Kyla sa pag kakahiga at agad na dumiretso sa kwarto ni Gwyn at Yasmin. Kumatok ang dalaga sa kwarto ni Gwyn dahilan para magising na rin si Gwyn.

"Maligo na tayo, malapit na daw si Kuya Romer," saad ng dalaga kay Gwyn. Isang oras at kalahati ang biyahe papunta sa Pagudpud. Kahapon ng gabi pa sila naka empake dahil nasasabik na silang maka uwi sa kanilang pamilya.

Tumango si Gwyn bilang tugon sa sinabi ni Kyla at dumiretso na sa banyo para maligo. Lumakad naman si Kyla para gisingin ang isa pa nilang pinsan na si Yasmin.

Kumatok muli si Kyla sa pintuan nito at agad na bumungad sakanya si Yasmin na kanina pa pala naka ligo.

"Naka ligo ka na?" Gulat na tanong ni Kyla. Tumango si Yasmin at ngumiti.

"Kaninang alas kwatro pa ako nagising kaya naisipan kong maligo na," saad ni Yasmin.

"O sige, hintayin mo nalang kami ni Gwyn dahil maliligo na rin kami." Tumango si Yasmin kaya agad na bumalik na si Kyla sa kanyang hotel room para maligo.

Naisip ng dalaga na mag post muna sa kanyang social media bago siya tuluyan na maligo. Huling araw na nila rito sa Pagudpud at paniguradong mamimiss nila ang magandang view at mga memories na nagyari rito.

"Ano ba tong nararamdaman ko? Biglang bumigat ang pakiramdam ko," saad ng dalaga at huminga ng malalim.

Nag madali siyang naligo upang hindi na mag hintay ng matagal ang kanilang driver lalo na't naka tanggap siya ng text mula dito na nag hihintay na siya sa labas ng resort.

Nakatanggap din siya ng text mula kay Nanon na hindi na makapag hintay na makita siya. Napangiti si Kyla at hinila na ang kanyang maleta palabas kung saan nag hihintay si Romer, ang kanilang driver.

Naabutan niya doon si Yasmin na nauna na sa loob ng sasakyan. Tumingin siya sa paligid.

"Nasan si Gwyn?" Tanong ni Kyla kay Yasmin na ngayon at nakangiting nag tatype sa kanyang telepono.

"Sabi niya saakin kanina, mag babawas lang daw siya," sagot naman ni Yasmin habang patuloy sa pag ngiti.

Kunuha ni Romer ang bagahe ni Kyla at ipinwesto na iyon sa likod ng Montero sport na siyang pag sasakyan nila pauwi.

Lumipas ang ilang minuto at natanaw na nga nila si Gwyn bitbit ang kaniyang mga bagahe. Agad din siyang tinulungan ni Romer kaya agad din silang naka sakay sa sasakyan. Nasa gitna si Gwyn samantalang si Yasmin at Kyla naman ay nasa gilid.

"Guys sumakit ba yong dibdib niyo kanina?" Tanong ni Kyla sa dalawa nang umandar na ang sasakyan paalis.

"Oo, dahil ata sa mag hapon na pag lalangoy kahapon sa dagat," singit ni Yasmin.

"Oo nga at mukhang lalagnatin pa ako," saad ni Gwyn.

"Inom nalang tayo ng gamot pag dating natin sa Laoag," saad ni Yasmin at ibinaba na ang kanyang cellphone.

"Matutulog nalang muna ako dahil napaaga ang gising ko kanina," dagdag oa ni Yasmin at ipinikit na ang yang mga mata.

"Ako rin," saad naman ni Gwyn.

"Mamaya na ako, iuuptade ko lang si Nanon na paauwi na tayo." Agad na inilabas ni Kyla ang kanyang telepono at tinawagan si Nanon.
.
.
.
Kasalukuyang naka upo sila Nanon, Force, at Sandro dito sa loob ng Vista mall kung saan nila hinihintay ang mga dalaga. Kaninang 9:15 am pa tumawag si Kyla kay Nanon para sabihin na naka alis na sila sa Pagudpud at pauwi na sila sa Laoag.

"Anong Oras na?" Tanong ni Sandro kay Force na ngayon ay nag iiscroll sa FB.

"10:50 na," sagot naman ni Force.

"Dapat kanina pa sila nandito hindi ba?" Nag aalalang tanong Sandro.

"Huminahon kayo, alam niyo namang mahirap mag biyahe diba? maslalo na't bigalang umuulan," singit ni Nanon.

"Tawagan mo kaya," utos ni Sandro kay Nanon.

Kinuha ni Nanon ang kanyang telepono sa kanyang bulsa at sinubukang tawagan si Kyla ngunit, hindi ito sumasagot.

"Hindi sumasagot, nakatulog ata," sambit ni Nanon at muling tinawagan ito.

"Mas mabuti pa mag meryenda muna tayo, kanina pa tayo nandito," Suhestiyon ni Force at itinuro ang isang ice cream shop na malapit sa kinauupuan nila.

Pumayag naman si Nanon at Sandro kaya nag madali silang lumakad papunta doon.

Matapos nilang makabili, muli silang bumalik sa kinauupuan nila kanina at nag patuloy sa pag hihintay.

"Bro, 11:32 na, pang tanghalian na wala pa sila nag aalala na ako," saad ni Sandro.

"Oo nga pre," sabat naman ni Force.

Inilabas muli ni Nanon ang kanyang telepono at muli niyang tinawagan si Kyla. Wala paring sumasagot.

"Mabuti pa kain nalang muna tayo, baka na traffic lang sila," suhestiyon ni Sandro.

"Pani kung dumating sila, pano natin sila makikita?" Tanong ni Nanon.

"Edi don tayo kumain sa food court, malapit yon sa entrance ng mall at makikita natin lahat ng papasok," paliwanag ni Sandro. Nag isip ng kaunti si Nanon at pumayag din siya kaya nag lakad ulit sila papunta sa food court.

Matapos silang maka order ng kanilang pag kain, naupo sila sa isang table malapit sa malaking TV at aircon. Medjo unti lang ang tao at mukhang ngayon lang ata nila sinindi ang TV na madalas na naka patay pag kumakain sila o napapadaan sila dito.

"Get ready for some latest updates!" Sabi sa TV.

"Babala lang po sa mga nag mamaneho at sa mga may balak mag biyahe. Mag dahan dahan po tayo sa pag mamaneho maslalo na't nakakaramdam tayo ng matinding pag ulan sa bandang Luzon at Visayas." Dag dag pa ng nag babalita dahilan para mapatingin sila Nanon sa malaking TV.

"May bagyo ba or something? Summer ngayon ah!" Saad ni Sandro.

"Nagulantang ang mga naninirahan sa Ilocos Norte nang makarinig sila ng matinding ingay na nagmumula sa pinaka-abalang highway sa lugar na tinatawag na Pan-Philippine Highway. Sa Pan-Philippine Highway, natamo ang isang Montero sport matapos mabundol ng humaharurot na tenwheeler truck. Isang lalaking nagngangalang Romer at tatlong babae na nagngangalang Kyla, Yasmin, at Gwyn ang nasa sasakyan. Dalawang babae at isang lalaki ang patay, habang nasa kritikal na kondisyon ang isang babae na nagngangalang Gwyn. Ayon sa mga pulisya, bandang alas diyes nangyari ang nakakalungkot na trahedya."
.
.
.
.
To be continued...

Thanatophobia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon