Chapter 13

79 12 0
                                    

Sandro's point of view...
.
.

"Marco is your son." Lumaki ang aking mga mata at hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. He's my son? But how?,

"What?!" Naguguluhang tanong ko sakanya.

"Nag hiwalay kami ni Jonas dahil nalaman kong buntis ako at alam ko sa sarili ko na ikaw ang tatay!" Nanatili akong naka tingin sakanya.

"Say something Sandro," saad ni Barbara dahilan para matauhan ako sa pag titig sakanya.

"Kakausapin ko si Doc. Lloyd. Kailangan kong malaman kung totoo ang mga sinasabi mo, gusto kong ipa-DNA test ang bata," saad ko na ikinalaki ng kanyang mga mata.

"What?! No! You can clearly tell he's your son, you look the same!" Agad akong natawa nang sabihin niya iyon.

"Why? Natatakot ka ba na baka hindi ko siya anak? Gusto mo bang pag layuin kami ni Gwyn kaya mo 'to ginagawa?" Tanong ko sakanya. Lumapit siya saakin at hinawakan niya ang aking kamay.

"Fine, kung gusto mo ng DNA test, sige payag ako." Napa tango ako sakanya at inalis ang kamay niya sa pagkahawak saakin.

"I'll call you tomorrow," saad ko at iniwan na siya doon.

.

.

.

.

Gwyn's point of view...

Lumapit ako kay Nanon na ngayon ay naka tulog na sa sofa. Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha at makikita mo parin na ang lungkot ng mukha niya. Ilang weeks palang ang lumipas simula nang mawala sakanya si Kyla at Force. Alam kong mahirap, gaya niya nawalan din ako ng dalawang pinsan na tinuturing ko na rin na kapatid.

Gabi na at wala parin si Sandro. Ano kayang sinabi sakanya ni Barbara at hanggang ngayon ay wala pa siya? Alam niyang galit ako sakanya at hindi ko siya papatawarin.

"Gwyn?" Napa lingon ako sa pintuan nang dahan-dahan itong bumukas at pumasok dito si Sandro. Agad akong bumalik sa higaan ko at hindi ko siya pinansin.

"I'm sorry-"

"Matutulog na ako, bukas na tayo mag usap," saad ko at nag kumot na. Wala ako sa mood makipag away sakanya ngayon maslalo na't naaantok na ako.

Hindi naman na siya nag salita kaya natulog na ako.
.
.
.
.
Maaga akong nagising nang makarinig ako ng malakas na sigaw. Mabilis na tumayo ako at naabutan ko si Nanon na busy sa kanyang phone habang naka upo sa sofa kung saan siya natulog kagabi.

"Ano yon?" Tanong ko kay Nanon kaya napa tingin siya saakin.

"Diyan ata sa kabilang kwarto," tipid na saad niya at lumapit saakin.

"I need to tell you something." Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay ang kanyang sasabihin.

"Sinabi saakin ni Sandro na wag ko munang ipaalam sayo dahil wala pa yong result ng DNA test ngunit, kailangan mo talagang malaman." Binigyan ko siya ng what-do-you-mean look at hinintay siyang mag salita.

"Sinabi daw kahapon ni Barbara na anak ni Sandro si Marco," saad niya na ikinalaki ng mga mata ko. What!?

"Ano?!" Gulat na tanong ko sakanya. Nararamdaman kong sumisikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga dahil sa sinabi niya.

"Don't worry, habang wala pa ang resulta ng DNA test, may pag-asa parin na hindi talaga anak ni Sandro yong bata," sambit niya saakin oara pakalmahin ako.

"Pero, what if anak niya nga talaga?" Malungkot na sabi ko habang may namumuong luha sa mga mata ko.

"Umaabot ng dalawang araw o higit pa bago makita ang resulta ng DNA test kaya mag hintay nalang tayo," saad niya kaya napatango ako at napa punas sa aking mata.

Thanatophobia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon