CHAPTER 1

102 8 30
                                    

[JADEN'S POV:]

"Class, next week na pala magsisimula yung laban nyo sa mga sophomores para malaman kung sino ang ilalaban sa dark force since naturuan na naman namin kayo tungkol sa special abilities nyo," sabi ni Sir Ao. Yeh, Ao ang surname nya. Parang asong tumatahol lol. Pero mabait yan at parang isip bata. Sabagay, 20 plus palang sya e.

"Sir may m...mamamatay po ba jan? "Tanong ni Liam, former best friend ko (naks) Yeah, it's a long story at sikretong malupet ko na yun. Pero okay na kami at friends na ulit, pero hindi na katulad ng dati.

"Sa laban nyo sa 2nd year wala pero sa Dark Force, meron at tingin ko, wala nang matitira,"sabi ni Sir.

"Shems. Sir, pwede ba mag back out? "Tanong ni Faith with matching kamay sa bibig at nakatayo. Sya yung class president namin.

"Ngayon pa Faith? Ngayon pa kung kailan andito ka na sa Mortem Universit?" Tanong ni Sir Ao at umupo sa table at gumawa na naman ng ice at tinapat sa aircon. "Bakit ang init parin?"

Mortem University. Yan ang name ng school namin. Natuwa lang ako kasi pagtingin ko sa form, MU yung nakalagay. Kala ko malanding unggoy, mabahong utot, mag un, misunderstanding at muling umasa (naks)
Katulad ng sabi ni Sir Ao, mahirap talaga makapasok sa school na ito. Pagkakaalam ko, 10000 kami pero 100+ lang ang kinuha at nakapasa. Marami kasi may gusto dito kasi high-tech sila at mahahasa daw ang mga bata pero sa una, maraming papagawin sayo...

*flashback*

"Opo eto na hihipan na, "sabi ko at umihip. Mahina lang pero inisip ko na namatay yung apoy dun sa kandila 10 meters away from us. Nagulat ako nung sumigaw si Kuya na nagaasikaso sakin.

"Woah nice. O sunod ka na ulit sakin,"sabi nya at sumunod ako. Pumunta kami dun sa pinakahuling part ng room. Malaki kasi itong room. Black and red lang makikita mo tapos may mga apoy sa gilid pero di kami nasusunog. Actually parang ang lamig nga dito. Pero wala kami sa Hell no? Diba sa hell nasusunog ka? Dito hindi.

"Ngayon, isipin mo na umaangat yung apoy,"inabot nya sakin yung kandila na may tumutulo pa. Yung parang mainit tas mapapaso ka pero hindi ako napaso nung inabot nya sakin. Actually nasiyahan pa nga ako e. Mahilig kasi ako maglaro ng apoy nung bata ako kaya palaging naha high blood mama ko lol.

" Hindi ka man lang ba napaso? "Tanong nya. Umiling ako at tumingin na sa kandila.

Iniisip ko na umaangat yung apoy tapos sinasayaw yung sayaw sa commercial ng Ariel lol. Finally!!

"Woah sabi na e. O eto ipakita mo sa office at ipasa yang form mo, "sabi nya at inabot yung card na kakagawa nya lang. Color black at red at nakasulat "Pyrokinetic" Kinuha ko nalang yun pero nagtataka ako.

"Di naman po kayo mahilig sa red at black ano...Sabi ko nga aalis na,"sabi ko at lumabas na ng room. Nagapoy kasi yung kamay nya.

*end of flashback*

"Class dismiss!" Pagkasabi nun ni Sir, nagsilabasan yung mga classmates ko. 25 lang kami dito, 1 lang ang lalaki at yun si Liam. Ewan ko kung bakit andito ito e. Nga naman, bakla pala sya. Shh, secret lang natin yun.

"Uwi na tayo? " Tanong ko sa kanila. Tumango naman silang apat. Sa dorm lang naman kami pupunta. Bawal kasi lumabas ng school kung hindi pa sem break, Christmas break, toilet bre-I mean summer vacation. Kaya nagpagawa sila ng dorm. Sa kasamaang palad, kasama namin si Liam sa room. Okay lang, bakla naman sya e. 5 kami sa room. Ako, si Liam, Rej, Casey at Jamaela.
Pagpasok na pagpasok namin sa room, binagsak ko yung sarili ko sa kama. Tumayo rin ako at niligpit gamit ko. Napansin ko naman yung papers na binigay ng school.

"Bakit kaya pinayagan ako nila mama at papa pumasok sa school na ito? E alam naman nilang pwede ako mamatay. Ayaw na nila sakin? Uwaah, "sabi ko pero di ako umiyak. Di ako basta basta iiyak. Sabi kasi ni mama umiiyak lang pag may patay.

Mortem UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon