[ Analyn's POV:]
Light Force, Monday 10:09 a.m.
Haay buhay. Nakakaantok kaya dito na kakahintay. Hindi kasi iniintindi ang oras ng iba kainis.
"Hoy may balak pa ba kayong matapos?" Tanong ko sa kanila at bored na humiga sa kama ko ulit. Nakakainis itong mga ito. Si Nicah nagpapatuyo ng buhok, si Lea naliligo pa. Si Jophnel naman pabalik balik lang at hindi ko alam kung ano ba ang gagawin nya.
"Sandali lang. May hinahanap kasi ako,"sabi ni Jophnel at naglakad ulit ng pabalik balik. Titingin sa ilalim ng kama, titignan yung muka sa salamin at iikot ulit sya.
"E ank ba kasi yung hinahanap mo?" Tanong ko sa kanya.
"Yung tali ko," sabi nya at kinamot yung ulo nya sa inis. Haay nako, ang bulag bylag ni Jophnel.
"Ayan o nasa wrist mo. Ay nako Jophnel Noa Bagolor Gagarin," Sabi ko sa kanya at humikab.
"Ayy, hehe sorry!" Sabi nya at humarap ulit sa salamin.
Mga ilang minuto pa ang lumipas, lumabas na rin si Lea sa cr haay ang tagal.
-
"Hey all of you please settle down," sabi nung isang teacher na pagkakaalam ko e PE teacher. Nanahimik naman kaming lahat kasi sabi ng marami, terror daw sya at wag na wag mong subukan magkamali, may paglalagyan ka."4 versus 4 lang ang laban and I'll be the one who'll choose your partners. Everyone, go to your group levels!"
Nagising naman ang kaluluwa ko sa pagsigaw nya kaya napapila ako kung asaan ang mga classmates ko. Mamaya sigawan pa nya ako e.
*
Pagkatapos nya kaming ipag grupo grupo, pinasunod nya kami sa gym na open air. Seriously?
"Analyn hindi ito gym. Stadium ito lol, "Sabi ni Sharyl na ka grupo ko. Ako, si Sharyl, Yvonne at si Shmi ang ka grupo ko. Teka, paano nya nalaman na yun ang nasa isip ko? Ganun ba ako ka-obvious?
Groupings:
Analyn, Sharyl, Yvonne, Shmi
Jaden, Liam, Casey, Rej
Stephanie, Kyra, Nadine, Bea
Anika, Justine, Faith, Jamaela
Jaica, Nicole, Rianne, Karizza
Lea, Jophnel, Nicah, JonahDiba ang duga nung kanila Jaden? Hindi ba alam nung teacher na yun na magkakaibigan sila? Tsk tsk.
"Hey Analyn you are spacing out," sabi ni Sharyl kaya bumalik ako sa reality." Tayo ang una."
"First group, come over here! "Sigaw na naman nung teacher kaya napalapit nalang kami. Ang daming taong nanonood. Tirik na tirik yung araw pero bakit hindi naman ako naiinitan? Tch.
Napaharap nalang ako sa mga kalaban namin. 2 lalaki,2 babae at muka silang nakakatakot, para sakin.
Yung girl 1 nakatayo lang pero parang ang angas at ang taray sarap tirisin. Naka yellow syang damit tapos may nakatali na grey jacket sa waist nya at may kagat kagat syang toothpick. May hawak na bakal haha baliw yata si ate e. In fairness maganda buhok nya. Kulot yung dulo tapos color dark brown.
Yung girl 2 naman mukang maamo yung muka. Maputi sya at red yung buhok. Naka color black syang dress. Ayon sa aking mga napagtanungan, mahirap malaman ang special ability ng students dito kung black ang suot. Kaya pakialam ko kung ano powers nya.
Yung isang lalaki mukang handa na makipag basagan ulo. Gwapo sya. Paano ko nakita? Ewan basta pogi, tanaw ko agad lol. Maputi si kuya na parang taga ibang bansa, white ang hair nya at naka dark blue syang shirt underneath his blue jacket. So alam ko na agad ang powers nya.