CHAPTER 4

32 5 0
                                    

[ Gideon's POV:]

"Ayusin mo nga! Kayang kaya ka mapatay ng light force sa ginagawa mo e! Ang hina mo!!" Sigaw sakin nung 4th year student na na assign sakin. Kanina nya pa ako sinisigawan kahit na natalo ko na yung dolls na parang may powers tapos gumagalaw. Yung may lalabas na ice, fire, kung ano ano sa kamay nila tapos kinakalaban ako. Ginawa yun ng school namin.

Kanina pa ako andito sa gym, mga 6 am tapos 9 na ngayon. At kanina ko parin kino-control yung galit ko kasi naman ang yabang yabang nito ang sarap ingudngod.

"Ano ba?! E kanina pa tayo, lagpas 20 na rin yung natalo kong doll, mahina parin ako?! Ano ba gusto mo?!" Tanong ko sa kanya.

"Mahina ka! Wala kang laba--" sinapak ko sya at kinuryente pero tumawa lang sya at pinunasan yung dugo sa gilid ng bibig nya.

"Tignan mo, yun lang ang kaya mong gawin tapos titigil ka na?! E talo ka sa kanila. Kailangang may masktan at syempre, kailangan mo ring masaktan!" Nilagyan nya ako ng sugat sa pisngi gamit yung kuko nya na tumulis at bumalik ulit sa dati. Hindi naman masakit, mahapdi lang lalo na mahangin dito at may isa pang mahangin sa harap ko."O? Sugat lang yan Andin. Pano pa kapag naglaban kayo ng light force? Lumaban ka!" Pagkasabi nya nun, binuhat ko sya tsaka hinagis sa may pader. Nagtinginan naman yung mga tao sa gym samin.

Tumayo sya at tumawa saka sinapak ako. Nagulat nga ako nung naging metal yung kamay nya at bumalik ulit sa dati. Ang sakit ng pisngi ko, magkakapasa yata ako nito. Nagulat ako nung tinulungan nya akong tumayo kaya tinanggap ko nalang.

"Lumaban ka. Wag na wag kang maaawa sa kalaban mo at wag kang magpapa apekto sa sakit. Sanayin mo yung sarili mo. That's it for today. Bukas gusto ko galingan mo na. Defeat me," Sabi nya and patted my shoulder. Lumabas na ako ng gym bitbit yung mga gamit ko. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod.

Papunta ako sa may park para magpahangin at magpahinga bago ako maligo. Dito kasi ako tumatambay every morning. Nakita ko naman si Jasper na nakaupo sa may bench tapos nakapikit.

"Hoy! Umalis ka jan!" Sigaw ko sa kanya nung nakalapit na ako sa kanya. Bigla naman syang nawala kaya umupo ako dun sa dulo ng bench at pinunasan yung pawis ko.

"Subukan nyo pa daw akong i-bully, lagot kayo kay Nick!" Sabi nya. Muntik na akong mapatalon nung nagsalita sya. Andito lang pala ito sa kabilang gilid, kala ko nawala na.

"Sinong Nick?" Tanong ko sa kanya.

"Yung naka-black kahapon, yung nangsita sa inyo. Kinausap nya ako nung umalis kayo, "sabi nya. Ahh yun. Yun yung natatandaan ko na nagabot sakin ng form para sa school na ito. At asa death list ko sya.

"Sino ba kasi nagsabi sayo na binu bully ka namin? "Tanong ko sa kanya.

"E ano ba yung ginagawa nyo? Pinagti tripan ako?" Tanong nya. Oo, araw araw namin syang inaaway.

"Sinasanay lang kita. Pano kung makalaban ka na ng light force? Edi hindi ka sanay? Sorry nga pala dun," napakamot nalang ako sa ulo.

"Ahh ganun ba? Sige, salamat. Pano ba yan? Una na ako ha? Bye Gids, "sabi nya at bigla nalang nawala.

*

"Game?" Tanong ni Cezreel at nakangisi pa ang loko. Andito kami ulit sa gym para mag practice para matalo namin yung mga na assign samin. At para ipakain sa kanila yung mga sinabi nila.

"Game!" Pagkasabi ko nun, sinipa ko agad sya sa muka. Turo kasi ng teacher namin, hindi lang dapat yung special ability yung ginagamit, makipag basag ulo rin daw.

"Wala pa akong sinasabi na go ha? Ang bilis mo, may lakad ka ba-" sinapak ko sya nung nakalapit sya sakin.

"Hoy Gideon, easy lang!" Sigaw ni Ariss. Nakaupo lang sya sa sahig at pinapanood kami, ganun din yung iba ko pa na kaibigan.

"Oo nga, easy lang. Bakit ba kasi agad agad kang nananapak?!" Tanong ni Cezreel at hinawakan yung pisngi nya.

"Sinabihan akong weak nung 4th year kanina nung nagti training kami," sabi ko. Tumawa naman sya at naiyak na. Inangat ko yung kamay ko pero ni-freeze nya yun tapos tumigil sa pagtawa.

"O ayan ka na naman e. Yung mayabang ba yung tinutukoy mo?" Tanong ni Cezreel at in-unfreeze yung kamay ko. Tumango naman ako at ni-shake yung kamay ko. Grabe ang sakit sa sobrang lamig.

"Sinusubukan ka lang nun Gids," sabi ni Patrick at hinila yung kamay ko at tumakbo ng sobrang bilis at bumalik ulit sa kanina naming tinatayuan."Ano? Malamig pa ba yung kamay mo? "Umiling na lang ako nung tinanong nya yun.

"Tama sya. Gusto ka lang nya masanay para hindi ka maging talunan," umihip naman si Matthew sa harap ko, alam ko na yan. Nag-freeze na naman ako. Nag vibrate ng sobrang lakas at nag crack yung yelo. Si Gospel yun sigurado ako.

"Pero," sabi ko. Pinadyak naman ni Melvin yung paa nya sa harap ko kaya nalipad ako pataas. Sinalo nila ako 8.

"PINAGTI TRIPAN NYO BA AKO?!" Naka yukom na yung kamay ko at ramdam ko na may kuryente sa paligid ng braso ko.

"Woah Gideon teka lang nagiiba aura mo bro. Sinusubukan ka lang nam--" Tinutok ko yung kamay ko kay Cezreel kaya napatalsik sya sa may pader at nakapikit.

"Hoy Gideon--Aray, "sabi ni Melvin nung hinawakan nya ako. Umiling ako at naramdaman ko na normal na ulit ako. Ano ba yung nangyari? Nakakatakot ha?
Nalapitan na pala ni Patrick si Cezreel. Tumakbo sya pabalik samin na buhat buhat si Cezreel sa likod nya.

"Ayaw gumising, Gideon lagot ka kapag ito, wag naman sana," Sabi ni Patrick. "Samahan nyo ako sa clinic bilis!" Tumakbo sya hanggang sa hindi ko na sya natanaw. Sumunod kaming 6.
Nakita namin si Cezreel sa loob ng isang kwarto sa clinic. Nakatayo si Patrick kausap yung isang doctor.

"Kamusta daw? "Tanong ni Gospel kay Patrick. Tinignan ko naman si Cezreel, ang daming naka-attached sa kanya na wires wires ewan ko ba!

"I'm sad to tell you that-" naputol yung sasabihin nung doctor nung nagsalita si Melvin.

"Doc? BUHAY PA SYA DIBA?! SABIHIN MONG BUHAY SYA!!" Pagkasabi nya nun, binatukan sya ni Ariss.

"OA mo!" Sabi ni Ariss at umupo sa upuan katabi ng kama ni Cezreel.

"Comatose ang kaibigan nyo. Hindi ko alam kung kailan pa sya magigising pero ginagawa na namin ang lahat para maayos ang mga damaged part sa internal organs nya. Bumalik nalang ulit kayo dito bukas, "sabi ni Doc at inayos yung salamin nya. Natagpuan nalang namin na nakatayo kami sa labas ng clinic.

"Teka pano nangyari yun? "Tanong ni Shaun sa sarili nya at hinawakan pa yung muka nya.

*

Paano kung hindi magising si Cezreel? Ako may kasalanan e. Kung na-control ko ang galit ko, edi sana wala kaming problema ngayon. Stupid!

"Wag mo sisihin ang sarili mo Samuel Gideon Andin. You did well, "sabi nung katabi ko sa bench. Paglingon ko, yung 4th year pala.

"Ang dami mo na nasabi sakin, sino ka ba? "Tanong ko sa kanya at inakbayan yung bench, hindi sya lol.

"I'm Shred," Sabi nya pero nakatingin lang sa pond." Gigising yang kaibigan mo, "sabi nya.

"Pano mo nalaman? Bakit mo nasabing wag ko sisihin ang sarili ko? "Tanong ko sa kanya.

"I can predict the future. Wag mo sisihin ang sarili mo. Nagalit ka lang kaya nagawa mo yun. Pero sa susunod mag ingat ingat ka kasi makakapatay ka na, "sabi nya.

"Pero sabi mo-"Tumayo sya at pinagpag yung pants nya tsaka humarap sa akin.

"Ihanda mo yung sarili mo para bukas. Nice to meet you. Tandaan mo, wag mong inaabuso yang special ability mo at wag mong gagamitin para maka take advantage at makasakit sa iba. Mauna na ako, "sabi nya at umalis na ng park. Weird.

---

Mortem UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon