CHAPTER 11

26 5 10
                                    

[NADINE'S POV:]

"Jaden isa pa!!" Sigaw ni Shmi habang hinihila hila yung jacket ni Jaden kaya mahilo hilo na sya.

Andito kami ngayon sa park. Wala ngang laban ngayon eh. Ewan ko kung bakit pero nakita kasi namin kanina sa stadium nakapaskil sa labas"maintenance break" taray ano 'to coc?

Ang sarap nga dito sa park eh, mahangin kasi maraming mayabang--I mean maraming puno at halaman. Maraming nagsisidaanan na estudyante, may pond at fountain. Yun nga. Kaninang umaga na weirdohan kami kasi may nakaiwan na ID sa labas, may mga pangalan namin. And yung background ng card na yun,foods. Ayon sa nakalap naming kaalaman, ibibigay namin yun sa nagtitinda ng pagkain dito kung bibili kami. Is'scan nila tapos pag bumalik ka pa at makitang nakapunta ka na dun, next time na ulit ang balik mo.

By the way I am Nadine Bajas. Best friend ko si Shmi. Meron akong curly hair na maikli. Kasing ikli ko lol. Anong ginagawa ni Shmi? Ayun pagtapos pagsawaan sila Liam at Rej sa abilities nila, kay Jaden naman sya. Naks ang daming options. Well, gagamitin nya lang naman yun sa pangti trip eh. Makulit yan si Shmi, hyper sobra. Pero dahil kaibigan ko sya, napagt'tyagaan ko pa.

"Ayoko na! Pagtapos mong pagsawaan sila Rej sakin ka naman?! Di ako option. Palibhasa hindi mo alam kung anong feeling ng maging option eh!" Sabi ni Jaden. Nagsitawanan naman kami."Dahil napahugot ako, o ayan na." Binigyan nya ng fireball ulit si Shmi. Hindi sya napapaso kasi nga may magic sya. And then binati nya sa hood ng lalaki. Nagapoy iyon pero nawala rin dahil hinawakan nya ng kamay nya. In short, hydrokinetic sya. Mukang nagalit si kuya kasi nagturn sya 180 degrees. Naglakad sya papunta samin na mukang naghahamon ng sapakan.

"Freshmen. Anong kalokohan ang ginagawa ninyo?! Alam nyo bang pwede ko kayong isumbong sa principal?" Sabi nya sabay hawak sa kwelyo ni Liam na walang kamalay malay sa nangyayari kasi nagk'kwentuhan lang sila ni Rej kanina pa hahahahaha.

"Hoy bakit ako?! Ano, naakit ka na naman ng beauty ko?" Sabi ni Liam kaya diring diri na hinagis sya ni kuya sa may damuhan.

"Kadiri kang bakla ka," sabi nung lalaki at pinagpag yung kamay nya.

"Sya yung may gawa nun, anong problema mo?" Tanong ni Shmi at tinuro pa si Jaden.

"Hoy bakit ako? Ikaw ang may gusto nun eh. Ako na yung ginamit mo, ako parin mali sa huli?! Diba Nadine sya yung may gusto nun?" Yung tingin sakin ni Jaden parang pinipilit akong umoo.

"Uhm sige oo nalang. Shmi ikaw may gust---"

"Stooop!" Sigaw ng lalaki. Nakita ko sa nametag nya na maliit na naka pin sa left ng chest nya, Mike yung name nya.

"O ano? Na beast mode ka na?" Tumawa si Rej. Pinadyak ni Mike yung paa nya sa inis.

"Hindi nyo ba alam na bawal yung ginawa nyo? Nag break kayo ng rule. Alam nyo ang parusa nyo?! Kalabanin nyo ang strongest gang dito,"he smirked. Eh duwag pala 'to eh!

"Ano? Magsusumbong ka?! May pinagmamalaki ka na ha?" Sabi ni Shmi at tinulungang tumayo si Liam."Eh ikaw yung bakla!"

"Hoy Mike,bakit mo inaaway ang mga estudyante ko?" Sigaw ni Sir Ao at may bitbit na paper bag na puno ng pagkain. Naka hoodie si Sir. Ang cute talaga nya lol.

"Sir nantrip po sila. Diba masama yun?" Sabi ni Mike. Napaisip ng malalim si sir habang lumalapit samin.

"Yes. Naglabag sila ng rule ang parusa, kailangan nyong maglaban sa mga palaruan dito sa school,"sabi ni Sir.

"So? Palaruan ba ang strongest gang, Mr Mike?" Sabi ko ng tumatawa. Napayuko si Mike.

"No. Kapag nangtrip kayo ng teacher, dun lang ipapalaban kayo dito sa strongest gang,"sabi ni Sir."So dahil lumabag kayo, maglalaban laban kayo ni Mike. Ikaw lalaki, tawagin mo yung mga kaibigan mo.4 lang."

Mortem UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon