[ Sharyl's POV:]
"Woah! Go author! Good luck!" Sigaw ko. Andito ulit kami sa park pero 10 am ngayon, pinaaga namin para makapag laban laban ulit yung mga nanalo.
"Shut up Nerd!" Sigaw nya sakin. Yeh, nerd ang tawag nya sakin, how sweet-_-
Nagsimula na sila. Ako naman tutok na tutok lang. Nanalo kasi sila Analyn laban kila mommy Justine kaya kung sino ang manalo dito kila Jaden, yun ang makakalaban namin. Sana manalo sila Bea, kasi pag nanalo sila Jaden, naku last day ko na nito sa Earth lol.
May dala dala pa nga si Faith na popcorn para daw feel na feel. Andito kami sa pinakaunahan. Kasama ko si Anika, Shmi at Nadine.
Ang sama ng tingin ni Jaden kay Yvonne, woah what's happening? Alam ko hindi sila magk--I better keep my mouth shut kasi kung malaman ni Jaden na pinagsasabi ko yun sa inyo na hindi sila magkasundo ni Yvonne, magagalit sya kaya hindi ko talaga sasabihin sa inyo. Oops.
*
"Please please, "naka cross na yung daliri ko at nagwi wish na sila Bea yung manalo kahit obvious na kung sino.
"Anong ginagawa mo? Wala talo sila Bea bleeh! Sila Casey yung makakalaban natin," Nagdila sakin si Anika. Nakakainis naman e!
"CASEY AND JADEN!" Sigaw ni Kyra. Yeh, any last words Sharyl Yao Dela Cruz?
Nakita ko naman si Jaden na tumingin sa direction namin at nag loser sign sabay rock and roll sign.
Lumapit na ulit sila samin. Lumapit sakin si Jaden saka ako binigyan ng death glare.
"Good luck nerd. Good luck dude, "sabi nya saming dalawa saka lumakad paalis.
"We're going to win this thing! Ooh yeh," sabi ni Anika at mukang tuwang tuwa pa na sila yung makakalaban namin.
"Abnoy! Last day ko na sa Earth ngayon bakit ang saya mo parin? "Sabi ko sa kanya.
"Duh Sharyl. Bawal magpatayan dito satin kaya puh-lease umayos ka. Wag mo sila sasaktan ha? Walang seryosohan," Sabi nya.
"Bakit naman? E--"tinakpan nya ng kamay nya yung bibig ko.
Sumunod na sila Rej at Liam pati si Faith at Kyra. Binigay sakin ni Faith yung microphone kaya umupo kami ni Anika dun sa taas para makita sila ng buong buo. Kami magju judge ngayon. Bawal hindi patas.
"Go!!" Sigaw ko.
Humangin ng malakas at alam kong gawa ni Rej yun. Si Liam naman bato langng bato ng tubig kila Faith. Kung sino man ang manalo dito, makakalaban sila Analyn.
*
"Rej and Liam!" Sigaw ko. Ang galing lang kasi nag match yung air at water kaya nanalo sila. Kahit na kotse na ang naibabato nila Faith, nade defense-sahan nila Rej kaya ito na ang oras na mamamatay ako lol I'll miss you all.
"Sharyl kayo na, "Sabi ni Faith at tinuturo yung lugar kung saan kami maglalaban. Andun na kasi kanina pa sila Jaden at Casey, iniintay nalang ako ni Anika.
"Hoy ano na Sharyl? Tara na bilis!" Hinila nya yung kamay ko papasok. Wala na akong magawa kundi sumunod. Andun kami sa left at ako katapat si Jaden na nakangiti at mukang natatawa pa sakin ampp.
"15 minutes na ha?! Napag tanungan ko yung isang sophomore dito, matagal daw ang laban! Go na!" Sigaw ni Faith. Napatingin ako kay Anika.
"Paano natin sila made defense-sahan kung pareho tayong ice? Anika hindi natin kaya--" tumakbo na sya palayo kaya sinundan ko sya. Inangat naman ni Casey yung lupa kaya nabagsak ako pati si Anika. Lumapit silang 2 samin.
"Ano ka ba? Easy lang Casey pag napatay mo yang dalawang yan patay ka rin," sabi ni Jaden, "Dapat ganito lang."
Pinalibutan nya kami ng fire tsaka pinataas yun. Ang init grabe. Nakita ko naman si Anika na ginawang yelo yung apoy tsaka kami tumayo. Nakita ko tumatakbo si Jaden palayo kaya finreeze ko sya. Nagulat ako nung nakawala sya. Patay tayo nito, apoy nga pala itong si author nakakainis. Pinataas na naman ni Casey yung lupa na tinatayuan namin ni Anika sobrang taas nakakalula. Nilagyan ni Jaden ng apoy yung ilalim tsaka binagsak ulit ni Casey yung lupa.
Nung pagbagsak ko, hindi naman mainit. Malamig nga e, actually. Nakahawak pala ako sa lapag kaya naging snow."Sharyl ano ba?! Wag ka nga kabahan," sabi ni Anika at tinulungan ako tumayo." Gawin nating yelo yung ground tsaka sila tamaan bilis!" Sabi ni Anika kaya sumunod nalang ako. Ginawa nga naming yelo yung lapag kaya madulas dulas na sila Casey. Tinamaan ko naman si Jaden sa likod ng yelo at nakita ko syang bumagsak.
"Ampupu ka!" Sigaw ni Casey at sinubukan ipaangat yung lapag pero hindi kaya siguro kasi sobrang kapal na ng yelo na ginawa namin ni Anika." Hoy Jaden gising! Inaantok ka na naman?! Wag mo ko iwan mag isa nakikipag laban dito!" Inalog alog ni Casey si Jaden.
"Hoy anong nangyayari?!" Tanong ni Faith habang kumakain pa sa taas.
"Faith surrender na kami!" Sigaw ni Casey na ikinagulat ko. Edi, panalo kami? Pero pano si author? Lagot ako nito.
"Ha? Bakit? Ano ba nangyari? "Tanong nila saka isa isa pumasok sa loob. Buti nalang at walang tao sa park, pinagbawalan sila ni sir Ao.
"Hoy Jaden wag ka nga magbiro ng ganyan! Hindi nakakatawa!" Hinampas hampas na ni Rej si Jaden. Chineck naman ni Nadine yung heartbeat nya.
"Isugod nyo na sya sa clinic bilis!" Pagkasabi nya nun, tumulong ako sa pagbuhat kay Jaden
*
"Anong meron? "Tanong nung nagbabantay ng clinic. Halata na pinabantay lang muna sa kanya. Ang arte ni ate, nagba bubble gum pa tsaka ang sama ng tingin.
"Ate syempre sinugod sya. Tulungan nyo nalang kami please daming alam, "sabi ni Anika. Marami kami sumama dito.
"Number 2 turn right, "sabi nya at tumaray saka tinuro yung pinto. Nakita ko namang niyukom ni Liam yung kamay nya nung lumabas na yung babae.
"Aba loko k--"hinarangan naman ni Rej si Liam nung susugurin na nya yung babae. Pumasok nalang kami sa loob yung number two chuchu na sinabi nung babae.
"Sino ang patient? "Tanong ng doctor na babae. Nakakatakot nga kasi may hawak pa syang syringe na halatang matulis yung dulo.
"Wala na--" tinakpan ko yung bibig ni Casey nung pagkasabi nya nun. Wag na wag daw kasi naming pipilosopohin si Doctora sabi ni Nadine.
"Eto po, "tinuro ni Faith si Jaden na buhat buhat namin. Nilapag namin sya dun sa kama tsaka kami pinalabas nung doctora para tanungin kami.
"Anong nangyari bakit namumutla sya? "Tanong ni Doc nung lumabas kami."Ako si Doctora Liezel."
"Ang pagkaka alam ko, natamaan ni Sharyl si bespren kaya bigla na lang sya nabagsak," sabi ni Jophnel.
"Sige ako na bahala. Dito lang muna kayo mabilis lang ito, "sabi ni Doc Liezel saka pumasok sa kwarto.
*
"Bakit ako asa clinic? Rej diba sabi ko sayo ayokong sinusugod ako dito? Ano nangyari? "Tanong ni Jaden. Okay na daw sya sabi ni Doc. Nagulat nga ako after 15 minutes okay na daw sya.
"Loko ka kala ko mamamatay ka na. Pinagalala mo ako!" Hinampas ni Casey si Jaden saka umupo sa gilid ng kama.
"Sharyl let's go," aya sakin ni Anika saka hinila yung kamay ko palabas ng kwarto. Aray ko, ang higpit ng pagkakahawak sakin ni Anika at ang bilis pa nya tumakbo.
Pabalik na pala kami ng dorm. 6 p.m. na rin pero hindi pa ako nakakapag luto. Ako yung cook sa dorm namin, mababait kasi yung mga roommates ko e.
"Ano nangyari? Okay na ba sya?" Tanong ni Nadine nung pagpasok na pagpasok namin sa room. Nahiga nalang ako sa kama at sinapak sapak yung unan ko.
"Oo okay na sya. Ang galing nga nung doc e, naayos nya agad. 15 minutes lang, "sabi ni Anika. 4 lang kami dito sa room.
"Good luck guys para bukas. Sharyl magluto ka na," sabi ni Shmi kaya sumunod nalang ako.
Haay. Sana naman okay kami bukas. Sana makapasok kami lahat. Kasi kapag nakapasa ka, mataas ang tingin sayo sa school kapag nailaban ka sa dark force e. May award pa at secret daw yun tsk.