[ Jophnel's POV:]
Light Force, 6:00 a.m.
Maaga palang pero nagising na ako. Inunahan ko na yung mga ka roommates ko maligo kasi mamaya unahan na naman. 7:00 kasi ang umpisa ng klase namin. Yung mga kasama ko tulog mantika pa. Nakakahiya naman silang gisingin.
Nagbihis ako at sinuot yung bigay ng school na nerd ang nag abot. Weird kasi puro yellow lang ang color pero iba ang color ng pangbaba namin na damit kasi ang baduy naman siguro tignan kung pareho ng kulay.
Pumasok na ako ng classroom pero ako palang magisa. After a few minutes, dumating si sir Ao, mga 7:21 na rin nun. Weird, bakit late yung mga classmates ko at ako lang magisa dito?
"O good morning miss Gagarin. Bakit andito ka?" Tanong ni sir Ao at tsaka nilapag yung bag nya sa table. Ang stupid naman ni Sir-_-
"Sir? Ano pong klaseng tanong yan? Syempre sir may klase, "sabi ko at tumawa. Pero mas malakas naman ang tawa ni Sir.
"Haha miss Gagarin. Nagpapatawa ka ba? "Sabi ni Sir at naiyak na kakatawa. Baliw na si Sir? Kawawa naman tsk tsk.
"Muka ba akong nagpapatawa sir? "Tanong ko sa kanya at umayos ng upo. E bakit parang ang bobo ni Sir ngayon?
"Haha nako naman Miss Gagarin. Walang pasok ngayon kasi Saturday. Hahaha,"sabi ni Sir. Tinignan ko yung phone ko at nakitang Saturday nga ngayon. Ammpp, nakakahiya naman ito.
"Ahh ehh ganun ba sir? Sige una na po ako. Bye!" Sabi ko at tumakbo papalabas ng room pero finreeze nya yung paa ko.
"Miss Gagarin, pakitawag lahat ng classmates mo tapos magtipon kayo sa park at magtulong tulong kayo para ma enhance yung powers nyo. Mamayang 2 p.m. yun ha? Pati bukas. You may go now," pagkasabi nya nun, in-unfreeze nya yung paa ko.
"Sir pwede nyo naman akong tawagin. Bakit nyo ni-freeze yung paa ko? Ang lamig ho, "sabi ko at tumakbo na. Sabi kasi nila bilisan daw maglakad para mainitan ka daw.
Nagdecide ako na bumili nalang ng almusal para sa kanila since maaga palang naman. Pumunta ako sa store dito pero hindi kami nagbabayad kasi wala naman kaming pera kasi wala naman silang pinadala, bawal din umabuso. Di naman namin alam na magtatagal pala kami dito sa campus. Haish.
Pagkatapos kong bumili, dumiretso na ako sa dorm at hinanda yung pagkain namin. Nagising na rin si Nicah at dumiretso sa cr."O bakit parang ang aga mo yata magising? Almusal ba natin yan? "Tanong ni Nicah. Tapos na pala sya maghilamos. After a few minutes, nagising na rin yung iba kaya sabay sabay na kami kumain.
"Sabi nga pala sakin ni Sir Ao, magtipon tipon daw tayong magkaka classmate sa park and magtulungan para sa magagganap na battle, "sabi ko habang umiinom ng kape na muntik ko nang maibuga. Pano kung madulas ako?
"Okay ka lang ba Joph? "Tanong ni Rianne. "Bakit? Kasama mo si sir kanina?"
"Ahm. Kaya maaga ako nagising kasi akala ko may pasok ngayon at nakita ako ni Sir sa classroom kaya sakin na nya pinasabi,"sabi ko. Ang akala ko hindi ko na maku kwento sa kanila yung ka-epic an ko kanina e.
"Haha Jophnel pero sige puntahan nalang natin sila room by room tig iisa. Pero maiiwan ako dito kasi para magbantay at maligo, "sabi ni Analyn. Tumango naman kami.
Isa isa silang naligo at ako nagintay nalang. Pagkatapos nila, nag decide kami kung sinu sino ang pupuntahan namin. Akin si Bespren!
Malapit lang naman e, actually asa kabilang door lang yung room nila e -___-Kumatok ako sa pintuan nila ng ilang minuto."Ayy grabehan ito. Wala ba sila--"naputol yung sasabihin ko nung binuksan ni Jaden yung pintuan. Mukang kakagising lang kasi naka pajama pa at ang sama pa ng tingin sakin.
"Ano? "Tanong nya at kinusot yung mata nya sabay hikab. Kala ko pa naman nakalugay na sya, sayang naman! Hindi ko pa kasi sya nakikita maglugay dami alam e.
"Ayy ang gandang bungad sa umaga yan bespren. Good Morning din!" Sabi ko. Mukang nabad trip naman.
"Ano ba kasi kailangan mo bespren? "Tanong nya sabay hikab ulit. Ganun na ba ako ka boring kausap?
"Pinapasabi ni Professor Ao na pumunta kayo sa Park mamayang 2 pm para daw magtulungan tayo sa abilitie natin. Bawal ma late bespren ha?" Sabi ko. Tumango sya and waved goodbye.
*
1:59 p.m.
Andito na ako sa park kasi excited na ako ihh. Unti unti naman silang dumating at kala ko mangyayari na naman yung kaninang umaga pero hindi. After a few minutes, kumpleto na kami kaya si Faith na ang nagsalita."So ganito nalang, two by two nalang tayo oh? "Sabi nya at inangat yung gray shirt nya."choose your partners, 24 naman tayo sakto e, "Dinikitan ko naman si Lea kaya kami na ang mag partner.
Partners:
Jophnel & Lea vs. Nicah & Jamaela
Sharyl & Anika vs. Nadine & Shmi
Jaica & Nicole vs. Stephanie & Jonah
Analyn & Rianne vs. Justine & Karizza
Jaden & Casey vs. Yvonne & Bea
Rej & Liam vs. Faith & Kyra
Unang naglaban kami nila Nicah. Ang pagkakaalam ko, she can move others through time at si Jamaela naman ay yung sounds. Ako electricity, si Lea naman kayang gumawa ng mga bagay.
"Okay guys you only have 5 minutes. Walang seryosohan kutungun ku kuyu, "sabi ni Faith. Mamaya kasi baka daw magkasakitan pero para sakin okay na yun para masanay kami. Basagan ulo pala ang pinasok kong school.
Pumwesto kami sa gitna kung saan sobrang laki ng space. Marami ring nakatingin from the other sections at grade level pero hindi ko na muna sila inintindi kasi mamaya madistract ang kagandahan ko at matalo kami."Ready, Set, GO!!" Sumigaw si Kyra kaya gumalaw na kami.
Pa square naman yung ginagalawan namin. Naglagay sila Faith ng tali palibot para walang makapasok at boundary line na rin.
Asa right corner ako, si Lea naman sa Left. Katapat ko si Nicah na halata mong seryoso kahit malayo."Lea, gumawa ka ng metal na magco connect sa kabilang poste at poste na ito. Lagyan mo ng live wire bilis!" Pagkasabi ko nun, tumakbo agad sya. Binantayan ko naman sila Nicah at Jamaela kasi nakatingin sila kay Lea. Alam kong may pinaplano itong dalawang ito e, ano kaya lol.
"Joph tapos na!" Pagkasabi nya nun, tumakbo ako papunta kila Nicah pero nagulat ako nung biglang umatras ako at naulit yung kaninang position ko na asa right corner ako. Nakalimutan ko na!
"Takbuhin na natin sila. Gamitin mo ito," inabot sakin ni Lea yung arnis. Tumakbo ako at hinampas hampas si Nicah pero sya tumatawa lang.
"Anong nakakatawa?!"sabi ko at kinuryente sya. Hindi sya nakagalaw ng ilang minuto kaya si Jamaela na ang target ko. Isa nalang panalo na kami. Sinigurado ko na hindi makakakilos si Nicah ng ilang minuto kaya for sure hindi nya magagamit yung ability nya.
Tumakbo ako kay Jamaela pero sumigaw sya ng sobrang lakas na umalog na yung lapag. Grabe ito."Ang ingay!" Sigaw ni Kyra. Lahat ng classmates namin nakapikit sa sobrang lakas ng hangin.
"Last 1 minute!" Sigaw ni Faith. Grabe, binalik ni Nicah yung oras ha? Bakit ganun?
Tumakbo ulit ako at tinalunan sya. Nagulat ako nung sinigawan nya ako sa tenga sobrang sakit kaya nilipad ako papunta sa corner.
"3,2,1 TIME'S UP!" Sigaw ni Faith. Ba't parang ang bilis? Sino panalo? "Draw!" Sigaw nya. What?!
"Sige na alis na jan. Wala namang nasaktan diba?" Tanong ni Ate Justine. Umiling naman kami at umupo sa gilid.
"Galing ni bespren! Proud of you, "nag wink si Jaden at binati ako. Minsan lang maging mabait yan. Ano kaya nakain?
"Next! Sharyl and Anika at yung kalaban nila, bilis!" Sigaw ni Faith. Pumunta naman sila dun at kami, nanood lang.
*
Hanggang kila Jaica lang. Bukas na daw yung iba e. Sabagay, Monday na ang laban. Wish me luck wag sila. JOKE!
Bumalik kaming lahat sa Dorm para maglaro nalang ng kung ano ano. Nakakainis walang Wattpad, Facebook, Twitter, Instagram, YouTube o kung ano man. May mga sarili silang laro sa computers at phones na binigay nila samin.