[Prince' POV:]
"Sigurado ba kayo dito? Pag kayo nahuli wala na akong kasalanan jan ahh," sabi ni Jeremy sa amin. Mukang kabado sya. Ako rin eh.
Nasa kwarto pa kami. Nagp'pack ng mga gamit namin. Mga pagkain, damit, ganun. Gusto naming lumabas ng school. Breaking the rules \m/ Gabi pa naman or let's say, midnight. 12 para wala nang gising. Kahapon pa kami nagma-manman kung may gising pa sa mga oras na 'to or may nagbabantay sa lugar na lalabasan namin.
Para kasi kaming mga preso dito sa school. Nakakasawa. At may iba rin namang gumagawa nun. Nacurious lang naman kami kaya gagayahin na rin namin. Kailangan nga lang magingat kasi kung hindi, pare pareho kaming sasabit dito.
"Oo sigurado na ko. Kung naduduwag ka, wag ka nang sumama," sabi ni Jasper at binuhat na yung bag nya kaya binuhat ko na rin yung akin.
"Hindi sige na sasama ako. Tara na. Anong oras tayo babalik?" Tanong ni Jeremy at binuhat yung bag nya sabay tayo sa upuan.
"5 am. Kasi 6 sila nagch'check ng mga bata," sabi ni david na kanina pa naglalaro sa phone. Kaya hindi ramdam ang presence eh.
"Ahh okiee," sabi ni Jeremy. Lumabas kami sa pinto ng dahan dahan para walang maramdaman yung ibang estudyante especially sila---
"Psst oy ano yang gagawin ninyo?" Kakasabi ko nga lang._. Especially sila Gideon pati na yung mga kaibigan nya. Screwed.
"Ang totoo kasi nyan Gideon, magc'camping kami. Sa bubong...oo sa bubong kami magcacamping. Sasama kayo?" palusot ni Jasper. Ay nako. Kabobohan. Rooftop dapat psh.
"Saan kayo pupunta sa labas? Uuwi na ba kayo...cowards?" Tumatawang sabi ni Ariss.
"So kasama ka pala? Ikaw ahh. Never mind, oo aalis kami pero wag nyong ipagsabi please nagmamakaawa ako," Sabi ni david.
"Processing...sure. Sa isang kondisyon," Ngumiti si Cezreel.
"Ano?" Tanong ko sa kanya."Kasama kami!" Sabay sabay nilang sabi. I hope na walang nagising sa mga malalalim na boses ng mga 'to.
*
"Ano? Tapos na ba yan?" Tanong ni Melvin kayla Matthew.
"Ayan tara na, isa isa bilis!" Sabi ni Gospel kaya isa isa kaming lumusot sa tunnel. Tunnel na nahaharangan ng bush. Nakita lang namin kahapon, so why not? Exit na rin naman yun eh. Sa wakas, nakalabas na rin kami!
"O? Saan na tayo pupunta?" Sabi ni Patrick.
"Guys, nakikita nyo ba yung nakikita ko?" Sabi ni Jeremy nang nakatingin sa malayo kaya sinundan ko yung tingin nya. Awesome.
"Jan? Jan tayo pupunta? Eh school rin yan eh!" Sabi ni Jasper.
"Pano mo naman nalamang school yun? May proof ka?" Tanong ko sa kanya.
"Shh ang iingay nyo. Tara na jan nalang tutal malapit lang naman satin at tignan nyo o, mukang maganda yung lugar,"Sabi ni Gideon kaya sumang ayon nalang kaming lahat.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa lugar na yun. May matataas na pader na nakapalibot doon. Puti. Kahit na matataas yung pader, kitang kita parin yung mga building sa loob. Maraming ilaw, maliwanag. School ba talaga yan?
"Strange. Parang katulad ng school natin. Katulad na katulad yung shape,"Sabi ni Shaun.
"Saan naman tayo papasok jan? Pano kung ipakulong tayo kasi mga trespassers tayo?" Tanong ni david.