CHAPTER 8

19 4 0
                                    

[ Patrick's POV:]

Maaga palang nagising na ako. Gusto ko kasi magluto. Trip ko magluto e. Ano ba kayo, minsan lang ako magsipag, pasalamat sila. Tsk, hindi pa nila natitikman ang luto ko lol.

Andito ako ngayon sa kusina at yung mga roommates ko tulog pa at mukang walang balak gumising. Mamaya pa naman 9 ang laban. Ewan ko nga kung bakit kailangan pa maglaban. Ang sabi nila, strategy daw ito ng school at sana hindi gumaya ang Light Force.

Nagluluto ako at ang bango bango nga dito e. I'm so proud of myself kasi nakapagluto ako ng sunog na egg, tustadong bacon at hilaw na kanin. Ang sarap kaya, tinikman ko kanina.

"Ano yung nangangamoy?" Tanong ni Ariss. "Ang sama ng amoy grabe." Sabi nya at kinusot yung mata nya habang hinahanap kung saan galing yung naaamoy nya.

"Pre wala namang ganyanan. Minsan lang ako magsipag kaya lubusin nyo na," sabi ko at humarap sa kanya ng may suot na apron at hawak na sandok ng kanin.

"Nagluto ka?! "Tanong nya at mukang naalerto. Tumakbo sya papunta sa mga kama."GIDEON! CEZREEL! TUMAWAG KAYO NG BUMBERO!"

"Ano ba yun?" Iritadong tanong ni Cezreel at tinakpan yung muka nya ng kumot." Inaantok pa ako mga epal."

"Nagluto si Patrick!" Sabi ni Ariss.

"HA?!" Sigaw ni Gideon at pumunta sa kusina at nakita yung piece of art ko." Wow."

"Nagsayang ka ng food bro tsk," Sabi ni Cezreel habang umiiling ng ilang beses." Okay lang naman na wag ka na magsipag e."

"Ang sasama nyo," sabi ko at kinain yung bacon. "Ako nalang kukuha ng bread sa baba."

*

Tapos na kami kumain at maligo. Actually andito na kami ngayon sa hindi ko maintindihang place. Basta labanan daw dito at muka naman talaga.

"Bro jan ka pa talaga dumikit ahh?" Tanong sakin ni Gideon at tinuturo yung pader na color black na kakulay ng damit ko-_-

"Malay ko bang pareho ang kulay at hindi na ako makita dito?" Sabi ko at sumandal sa pader at sinuksok yung kamay ko sa blue faded short ko.

"Mga dude una tayo," sabi ni Ariss na may hawak na papel. Yeh, sya yung inutusan namin magpa-register. Ang aarte kasi ng mga administrator dito pwede namang isalang nalang kami.

"Sino ang kalaban?" Tanong ni Cezreel.

"Puro babae e," sabi ni Ariss at napakamot sa ulo nya.

"No mercy mga bro. Kahit na babae yan, kailangan natin saktan okay?" Sabi ni Gideon."Physically lang."

"Aye aye, captain! "Sabi ko at nag salute pa.

"Kayo ba ang first group? "May dumating na staff sa harap namin."Oh, I see. Sama kayo sakin."

Pagkasabi nya, sumama nalang kami sa kanya. Binuksan naman nya yung small gate ng room namin by his EYES!? Well, kailangan ko nang masanay. High-tech sila e.

"Students, I'll just read the rules okay?" Sabi ng isang lalaki with a megaphone." First, bawal magpatayan. Saka nyo na gawin yun okay? Second, bawal mag give up. May time limit naman. So, yun lang."

Nagsigawan naman yung mga tao sa paligid namin. Ang iingay ang sarap takpan ng packaging tape yung mga bibig nila e.

"Okay so ang mga maglalaban ay yung mga freshmen at sophomores," sabi nya ulit kahit alam na namin na sila yung makakalaban namin. Tinuro nya kami pati yung kabilang grupo.

Nakakatakot naman sila. Puro sila naka-black at nakakatakot kung tumingin. Yung isa kasi nakakatakot Violet yung hair nya, maputi sya at may mga piercing pa. May hawak pang bokken ewan ko pero wala naman akong narinig na bawal magbitbit ng weapons e. Bahala sya, trip nya yan e. Kung may magbawal, mapahiya sya lol. Yung iba parang ganun din. Ang cute nga nila tignan e. Ang colorful ng buhok nila lol. Yung isa pink, yung isa red yung isa naman dark blue.

Mortem UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon