CHAPTER 9

37 4 1
                                    

[ Liam's POV:]

Light force, 9:33 a.m.

GOOD MORNING!!! Ang ganda ng umaga lalo na may maganda like me-Teka ano yung amoy na yun?

"Ang bango," sabi ko sabay pasok sa cr ng nakapikit. Ganito ako palagi. Palaging nakapikit pagpasok ng cr, palagi rin nauuntog o natatapilok.

Paglabas ko ng cr, nakita ko si Jaden sa kusina may hawak na sandok at takip ng kaldero. Nakaharang sa may frying pan. Tsk, baliw.

"Anong kabaliwan yan?" Tanong ko ng nakalagay yung kamay ko sa waist ko. Eto pala naaamoy ko.

"Oyy hey good morning bakla! Eto yung almusal natin," sabi nya at tinuro yung niluluto nya.

"Ano yung naaamo....JADEN! Diba bawal tayo magluto?!"Sigaw ni Rej pagkatapos mag hikab.

"I love you too!!" Sabi ni Jaden kaya piningot ko sya.

"Nagluto ka bruh?" Tanong ni Casey kay Jaden.

"Ayy hindi. Ako yung nagluto," sabi ko sa kanila. Ginagawang stupid yung sarili e. Obvious naman na.

"Kaya pala may naririnig ako gumagalaw kaninang 6," sabi ni Jamaela.

"6 ka pa nag umpisa?!" Tanong ko sa kanya.

"Oyy grabe! Hindi ahh. 5 nung nag umpisa ako," sabi naman nya. Napa face palm nalang ako.

*

"Wala. Chamba lang yun!" Pang iinis ko kay Jaden. Pikon kasi ang sarap pag tripan.

Sinapak nya ako."Chamba din palang nasapak ko muka mo. Peace!"

Pinahid ko naman yung likod ng kamay ko sa bibig ko.

"Bakit? Dumugo ba?" Tanong naman nya.

"Hindi. Pag pinunasan dugo agad? Di pwedeng laway muna?" Tumawa ako pagkasabi ko nun.

"Cerney hehe," singit ni Casey.

Kasalukuyan nakatayo kami sa labas ng stadium yata ito. Ang init dito grabe.

"Speaking of corney. Knock knock!" Sabi ni Jaden.

"Aya--WHO'S THERE? "Nag pout si Casey kasi napilitan lang sya. Alam nyo naman kung ano ginawa nung baliw right?

"How come I," sabi ni Jaden.

"Who?" Tanong ko sa kanya.

"How come I, di kita iiwan sa paglakbay!" Sabi ni Jaden at tumatawa pa ang baliw.

"Hahaha. 3 tawa para sayo, bilang yan," Sabi ni Rej. "Knock knock Liam!"

"Who's there?" Tanong ko.

"Lahat kami cute," sabi ni Rej.

"Lahat kayo cute who?" Tanong ko sa kanya.

"You are, the only exception. Hahaha!" Sabi ni Rej at tumawa rin yung 2. Pagtulungan ba naman ako e.

"Hahahaha," may narinig naman akong tumatawa pero di galing samin.

"Sino yun?" Tanong ni Casey. Nag shrug naman kami.

"Excuse excuse! EXCUSE SABI E!" May narinig akong pang bata na boses. Umusog naman si Jaden at may maliit na babae na nasa gitna namin.

"Wow," sabi ko ng mahina."May mas maliit pa pala sakin." Lahat kami nakayuko at nakatingin sa kanya.

"Bakit? Ngayon lang kayo nakakita ng maliit ha? Kayo na bilis!"sabi nya. Lahat kami nagpipigil ng tawa habang sumusunod kay ate.

Pumasok na kami sa stadium, ata. Basta! Pareho lang yun. Yung maliit na babae ewan ko baka natabunan na ng madlang people. Kanina kasabay pa namin amp.

Mortem UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon