addicted to love(part 3)

162 13 0
                                    

Mula sa internet ay nalaman ni Bianca ang adress ng publishing na pinagtatrabahuan ni Glenn.Hindi niya kasi ma-search mismo si Glenn.Wala ata itong hilig sa mga uso. O tama ang hinala niya na tulad ito ni Arthur na may pagka-misteryoso ang personality nito.
Puno ng kaba ang dalaga.Habang papalapit na siya sa opisina ng publishing house kaya palakas ng palakas ang kabog ng dibdib niya .Bawat hakbang ay puno ng tensyon.
"Miss anong kailangan mo?"tanong ng guard.
"Ah magpapa-autograph lang sana ko kay Mr.Glenn Mendoza.....
Nangingiti ang guard.Hindi niya alamkung pang iinsulto ba 'yon o pang-aasar.

"Fan at avid reader ka ba ng mga libro niya?"
"O-opo eh....."
Matapos i-check ang I.D. niya ay itinuro sa kanya ng guard kung saan siya maghihintay.Tahimik ang buong
Paligid kaya naman dinig na dinig ni
Bianca ang ubod lakas ng kabog ng dibdib niya.
"Lord help me,sana po hindi masayang ang pagod ko,sana po this time ay hindi na ako mabigo...."

Mag-iisang oras na ring naghihintay si
Bianca.Pero wala pang Glenn na lumalabas.Kumukunot na ang noo niya sa sobrang pagka-inip.Pero bago pa tuluyang masira ang magandang poise at aura niya ay nilapitan na niya ang guard.
"Manong anong oras po ba talaga darating si Mr.Glenn Mendoza?"

"Eh wala talagang eksaktong oras,baka marami pa siyang ginagawa sa loob,'wag kang mag-alala miss,
Pag may tiyaga may nilaga!"

"Naku manong ha,nagpapalubag ka pa ng loob!"
Walang nagawa si Bianca kundi ang bumalik sa upuan at muling maglaan
ng oras sa paghihintay.Hanggang isang unipormadong lalaki ang lumabas mula sa lobby.
Isang kapwa nito unipormado ang tumawag dito ng Glenn.

"Glenn sigurado ka ba okay na 'yung project natin?"anang lalaking tumawag dito.
Oo namn,ako pa!"

Biglang kuminang ang mga mata ni Bianca.Guwapo kasi ang lalaking tinawag na Glenn.Hindi niya napigilan ang mga paa na sundan ito.

"Ah,Mr Glenn Mendoza!"tawag niya.
Lumingon ang lalaki at nangiti ito.
"I'm sorry young lady,but I'm Mr.Glenn Enrique not Glenn Mendoza,actually he's goin' down in a couple of minutes!"

"Ganon po ba...s-sorry po..."
"It's okay,everyone of us commit mistakes.Well,if you'll excuse me.....
Okay,thanks...."

Sino ba kasi si Glenn Mendoza!?


Biami_lang_sakalm🤍🤍💜
Happy reading,🙂 thankyou for appreciating my story stay safe everyone

Addicted To LoveWhere stories live. Discover now