part29🌼

39 3 0
                                    

(Still in rooftop)

Humugot nang malalim na buntonghininga si Glenn at tumingin sa malayo bago muling nagsalita.
  “Madalas kami sa park noon…buo at masayang pamilya. Hanggang sa matagpuan ni dad ang sarili na humahanga sa isang babae na madalas ding naroon,
Hinihintay marahil ang boyfriend niya na palagi rin namang dumarating,kadalasan pa nga ay nauuna ang boyfriend…at nang tumagal pa,mag-isa nalang nagpupunta doon ang babae. Malungkot. Umiiyak. Pero sa kabila no’n hindi siya nagawang lapitan ni dad, nanatili na lang siyang humahanga mula sa malayo. Dumating sa point na iginuhit niya ang babae,ipininta,isinulat…halos sambahin na niya ang mga larawan nito nang hindi nito nalalaman …at ano pa nga ba epekto nito sa pagsasama nila ni mommy…dapat inaway na siya ni mommy, dapat sinumbatan na siya … but my mom never said anything against him… until i saw her crying secretly…painfully…”
      Ramdam na ramdam ni Bianca ang sakit sa bawat katagang binibitawan ni Glenn.Damang-dama niya ang paghihirap ng loob nito at awa sa ina.

   “At ang pinakamasakit pa ro’n, lumipas na ang panahon, but my dad still crazy about that woman…”
    “That means , itong binabasa ko…”
“Tama ka…I stole that from my dad… because when i saw my mom crying while reading that story, hindi ko na alam kung anong gagawin ko to ease her pain… but i know kung gaano kahalaga ang script na ’yan, plus the fact na you’re fan of him.”

“Ang babae… nasann na siya ngayon?”
Napatingin si Glenn kay Bianca. Tingin ng isang nanatya ng damdamin.

“Mira…pasensya ka na… siguro sa ibang pagkakataon nalang, malalaman mo rin.”

Hindi na nagpumilit pa ang dalaga .Iginagalang niya ang mga bagay ng gusto at hindi pa gustong sabihin ni Glenn.

    “Wait lang, hintayin mo ako rito at kukuha lang ako ng juice para sa ating dalawa.”
  Tumayo ang dalaga at humakbang sa bintana papasok ng silid. Pero nagkamali ito ng tapak at malakas na bumagsak sa sahig ng kwarto.
  
   “Aaah!”impit na sigaw niya.
Agad siyang inalalayan ni Glenn para makatayo. At ang magandang eksena na iyon para kay Bianca ay tila slow motion na tumakbo sa isip niya. Ang malagkit na pagkakatitig sa kanya ng binata ay binigyan niya agad ng napakaraming kulay. Mga kulay na nagbigay nang matingkad pamg kaguwapuhan nito.
“Hay…” sa isip ni Bianca.
“ Napaka -careless mo talaga, kaya ka nadidisgrasya eh,” si Glenn.

Inupo nito ang dalaga sa gilid ng kama.
“O ngayon e, di ako na tuloy ang kukuha ng juice natin?”

Napangiti si Bianca na tila nang-aasar.
“Please?”
“Okay fine, next time hindi na puwede ‘to ha!”
  Pagtalikod ni Glenn ay binigyan ito ng dalaga ng isang napakatamis na flying kiss. Sakto namang napalingon ito nang nakataas pa ang kamay niya. Nanlaki ang mata ni Bianca, nagmamadaling nakaisip ng palusot.
  “S-sige na bilisan mo na at nauuhaw na ’ko !”
Nagkunwari na lang itong hinahagod ang lalamunan at sumesenyas na pinapabilis ang binata.
  Naiiling at kunot-noong lumabas na si Glenn.




BIAMI_LANG _SAKALAM💜💜💙

Addicted To LoveWhere stories live. Discover now