(Rooftop)…“Pinuntahan kita, pinatuloy ako ng mama mo at ako ang pinagdala ng juice mo, may tanong kapa?” paliwanang ni Glenn habang pinupunasan ng panyo ang natapunang bahagi ng T-shirt.
“E,bakit naman kasi pinapainom mo ako ng tulog ako, o sige ngayon mi ako painumin habang gising ako!”
“Ano ako yaya, napagkatuwaan lang kita dahil ang pangit mong matulog!”
“Kung maka panget ka parang ang guwapo-guwapo mo!”“O,kakasabi mo lang, ang guwapo-guwapo ko!”
“Ewan ko sa’yo, ano ba talgang ipinunta mo dito?”
Naupo si Glenn sa tabi ng dalaga.“Huwag ka ngang mag-pretend,alam ko namang gustong-gusto mo rin na pinupuntahan kita eh.”
“Gustong-gusto talaga. Hindi ba puwedeng gusto lang? At saka kung may nag pe-pretend dito, ikaw ‘yon at hindi ako.”
Tama si Bianca. Nagpe-pretend nga siyang okay ang lahat. Pero deep inside ay emptiness ang nararamdaman niya.“Uy ano na, hindi kana kumibo diyan, may problema ka na naman ano?”tanong ng dalaga.
“Kapag ba tahimik may problema agad?”
“Oo. Alam mo kasi, kung pinupuntahan mo ko, kung kasama na ako sa list of friends mo, sana pagkatiwalaan mo narin ako… sa mga bagay na hindi mo masabi sa iba… sa mga bagay na hindi mo maipagkatiwala sa iba…”
“Alam mo tama ka eh, ano nga bang silbi mo sa buhay ko kung hindi kita magiging kaibigan…at kung kaibigan kita, dapat lang na pagkatiwalaan kita sa mga problema ko.”
“Iyan ang nakilala kong Glenn Jr. , mabait pero maangas!”
“Nakakainis ka naman eh, puro ka biro.”
“That’s life, mapagbiro. Sa ayaw at sa gusto mo hindi mo namamalayan na napaglalaruan kana pala ng tadhana.”Katahimikan ulit.
“Glenn, si Analea parin ba ang pino-problema mo?”lakas loob na tanong ni Bianca.
“Oo…pero hindi lang siya…”
“Ehem…” iniisip ni Bianca na baka siya naman ang iba pang gumugulo sa isip ni Glenn.Baka sa ngayon naguguluhan na si Glenn sa nararamdaman para sa kanya!Baka mahal na rin siya nito.
Pero.......“Iniisip ko rin si daddy at si mommy.”
Napatingin si Bianca sa binata Ano pa bang pwedeng problemahin ni Glenn sa mga magulang nito?Mukhang napaka-perpekto naman ng pagsasama nila. Nagse-celebrate pa ng anniversary at pareho namang mukhang mabait.
“Wait lang ha, hindi ko kasi mahulaan kung ano pa ang puwede mong problemahin sa parents mo.They look perfect!”
“You’re right, they look perfect, but they’re not. Mabait silang pareho pero…”
Nakikinig lang si Bianca sa mga sasabihin pa ni Glenn.
“I don’t think dad love my mom as much as he love that woman.”
“What?”napatakip si Bianca nang kaniyang bibig sa pagkabigla.
“Hindi siya tulad ng iniisip mo ngayon .my dad never had a mistress.”
“So sino itong woman na sinasabi mo?”
.
.
.
.
.
.
.
Ten.ten.ten.ten..........Biami_lang_sakalam🤍🤍💙