“Glenn hindi kami nag-aaway ng mommy mo, I know she understand what I’m going through, ‘wag mo nang panghimasukan pa kung anong meron kami.”
“Bakit hindi pwede, I’m your son dad at kung ano man ang pinagdadaanan n’yo hindi ako manhid para walang maramdaman.”
“Just be the son that we wanted you to be, kami na ang bahala ng mommy mo sa relasyon naming dalawa.”
Sa mga narinig ay nagbagoang isip ni Bianca, hindi dapat siya bumaba roon, bagama’t hindi pa nga siya nakakababa nang husto ay maling-mali talaga ang ginawa niya. Pero tila huli na para magdesisyon nang tama…
“ Bianca!” gulat na sabi ni Glenn na paakyat na.
“ A, I’m sorry… hindi ko sinasadya, narinig ko lang kasi…”Hinawakan ni Glenn ang kamay ng dalaga at mabilis na inakay patungo sa salas.
“ Glenn, I’m sorry!”
“Anong nakita mo sa basement?” nag-aalalang tanong ni Glenn.
“ Wala, hindi pa naman ako nakakababa eh, nag-bago ang isip ko, kasi naisip kong makakaistorbo ako sa pag-uusap n’yo ng daddy mo, sorry talaga ha !”
Tila nabunutan ng tinik ang binata nang malamang walang nakitang anuman doon si Bianca. Hindi nito nakita ang mga larawan ng ina sa basement na iyon.
“Wala kang dapat ihingi ng sorry… nabigla lang ako kasi hindi ko alam na nandito ka, and ayoko lang makita mo na nag-aargue kami ni dad. ”
“Iyon nga sana ang ipinunta ko rito, about your dad. ”
“ Mabuti pa lumabas tayo, ‘wag nating pag-usapan dito kung anuman ang sasabihin mo about him. ”TUMULOY sa ice-cream shop ang dalawa .
“ So ano ‘ yung sasabihin mo?” tanong ni Glenn habang umuupo sila sa table for two dala ang tray ng ice-cream nila.
“Ano kasi eh… ‘ yung script na binigay mo sa ’kin maganda.”
“ Bianca, ‘ wag kang magpaligoy-ligoy pa, what do you want to say?”
Saglit na natahimik ang dalaga pero nandito narin lang kaya sasabihin na niya ang plano niya.
“ I just want to give it back to your dad…”
“What?”
“ Glenn, the last part is more interesting than the whole story… kailangan lang niya sigurong matapos ’yon… para matapos narin ang problema niyo.”“ Anong pinagsasasabi mo ?”
“Nabasa mo na ba ang kuwento ng dad mo ?”
“ Of course not, hindi ako mahilig sa mga ganoong babasahin, kakornihan lang ’yun!”
“ Korni na kung korni , but that’s not the point , my point is kung babasahin mo lang ang script niya , maiintindihan mo siya … malalaman mo ang mga saloobin niya, kung gaano niya pinahahalagahan ang pamilya n’yo, and in the end meron siyang gustong gawin na makakabuti sa inyo… pero…pero walang kasunod ang script , at sa tingin ko, iyon din ang plano niya in reality,…”
Natigilan ang binata. Pero hi di nito matanggap ang opinyon ni Bianca.“ It’s just a script Bianca, Natural lang na pagandahin ang istorya, gawin ang tama sa bandang huli, pero sa totoong buhay it’s only a dream, hindi niya kailanman magagawang talikuran ang bagay na nagpapasaya sa kanya kahit na makasakit siya ng iba, kahit na sariling pamilya niya ang masaktan niya.”
Hindi na kumontra oa si Bianca. Ayaw niyang pagtaluna nila ni Glenn ang bagay na iyon.
Katahimikan.Si Glenn ang bumasag niyon.
“ Bianca, I’m sorry, I know you're just trying to help, but hindi na siguro kailangan .”
“Okay lang, ‘wag ka naman masyadong serious, hindi naman tayo pang-drama, pang-comedy siguro, that's better.”
“Talaga?” inilapit ni Glenn ang kamay sa ibabang bahagi ng labi ni Bianca at pinahid ng daliri ang tumulong ice cream dito.
Tila napahiya naman ang dalaga pero ang pagkapahiya ay agad napalitan ng kilig sa pagdampi ng daliri ni Glenn sa labi niya.