🍨🍨melting13

140 12 8
                                    

Nagtatalo ang nararamdaman ni Bianca ng mga sandaling iyon.Inis at saya. Naiinis siya dahil hindi niya magawang mainis sa lalaking kaharap niya. Pero masaya ang puso niya sa hindi malamang dahilan

“Hay naku Arthur,isang araw lalabas rin ang tunay na ikaw...at mamahalin mo ako tulad ng pagmamahal ni Arthur kay Rebecca..” sa isip ng dalaga.

Sumalo si Glenn sa table nila Fatima at Bianca.Sa una‘y pakiramdamn pero hindi papayagan ni Bianca na maghari ang dull moment sa pagitan nila.

“Glenn,magkuwento ka namn, tungkol sa ’yo, sa dad mo,sa family mo!”

Napakunot ang noo ni Glenn.

“Boring ang buhay ng pamilya ko, umiikot lahat sa imahinasyon ni dad,sa walang kwenta niyang ilusyon.”

Palihim na sinagi ni Fatima ang hita ni Bianca sa ilalim ng table,Sign that she should stop asking about his family.Naintindihan naman ni Bianca ang ibig sabihin ng kaibigan.

“Ah, so ano nga palang pinagkakaabalahan mo ngayon Glenn?”
    “School,parties,....wait,is this an interview?”

“Not really, gusto ko lang syempre malaman ang background mo,if you dont mind pwede rin naman tayong
Maging friends, di ba?”

Napalunok si Fatima  sa mga binibitawang salita ni Bianca.Ngayon lang niya nakitang medyo agressive ang kaibigan.

“Well,mapili ako sa mga kaibigan,may rules ang regulations ako.”
  “Ganon, parang dyowa lang?”

Una sa lahat,ayoko sa kaibigan ang gumagamit ng bad term,secondly ayoko ng maarte, at higit sa lahat ayoko ng mahilig sa fairytale!”

Ha,teka hindi namn ‘ata tama ‘yon!”

“Bianca,I'm not asking you to be my friend.”
   “But I want to!”

Pinanlakihan ni Fatima ng mata ang kaibigan.

“So be it,” Glenn answered it with a smile at saka sabay tayo.

“Thank you nga pala sa ice cream, nakakalamig talaga siya ng ulo!”

Nakaalis na si Glenn nang harapin ni Fat si Bianca.

Bes,‘wag mong ipilit sa sarili mo na si Arthur at si Glenn ay iisa, kitang-kita namn what  kind of person  ‘yang lalaking ‘yan, tayo pa talaga ang pinagbayad ng ice cream niya!”

“It's just an ice cream bes,at tulad ng ice cream na kinain niya, darating ang time na matutunawa din siya at mamahalin ako na tulad ng paborito niyang flavor!”🍨☺️

Biami_lang _sakalam💙🤍🤍

Addicted To LoveWhere stories live. Discover now