Sa ice cream shop. Magkasama sa isang table ang mag-best friend.
“Napaka wierd niya bes, siguro mana siya sa dad niya....pero in fairness maganda ang story... The Last page Of Love ‘yun ang pamagat. Writer din ang bidang Lalaki tapos meron siyang hinahangaang babae na ni hindi niya malapitan. At hindi lang siya basta writer kundi painter din siya, kaya pini-paint niya ang bidang babae maski hindi nito alam.”
“Talaga, so sa tingin mo ba, magkikulala pa sila in person nu'ng girl na ina-admire niya?”
“Siguro namn noh, anong kwenta ng istory kung hanggang doon lang sa pankaw-nakaw tingin niyang pagtingin?”
“Sounds interesting bes, tapusin mo na ang pagbabasa tapos kuwento mo sa ‘kin ang ending ha!”
“Ipapahiram ko nalang sa ‘yo after ko.”
“Naku never mind alam mo namn tamad ako magbasa!”
Maya-maya ay may natanaw si Bianca sa labas ng ice cream shop ng nagpangiti sa kaniya.
“Bes,look, si Glenn!”Napalingon si Fatima sa direksyon na tinitingnan ng kaibigan.
"Wait,I'll be right back!”
“Bianca anong gagawin mo?”Hindi na napigilan ni fatima si Bianca.
“Glenn!” tawag ng dalaga.
Tumingin naman sa kanya si Glenn.Blank face.“Oh ‘wag mong sabihin nakalimutan mo agad ako?”
“Of course not, ikaw ang nag-iisang fan ng dad ko.”
“Uy grabe ka namn,magsusulat pa ba 'yon
kung walang ibang nagbabasa ng mga story niya kundi ako, actually, binabasa rin ng mama ko ang mga book niya.”“Really?...So dalawa na pala kayo."
“Ahm gusto mo ba ng ice cream para lumamig naman ang ulo mo?”
“Malamang gusto ko ng hot coffe kaya ako nandito sa ice cream shop!”
“Alam mo Glenn,hindi ko alam kung ganyan ba talaga ugali mo o sinasadya mong asarin ako para tumatak ka sa isip ko?”
“Bianca, ikaw ang lumalapit sa akin kaya sa tingin ko ikaw ang nananadya.”
“Okay fine so dapat pala hindi na kita nilalapitan.”Saglit na tinitigan ni Glenn ang dalaga.
“Sige,pero bago mo gawin ‘yan , sa pagkakatanda ko nag-offer ka sa akin ng ice cream right?”
🍨🍨
Biami_lang_sakalam💙🤍🤍