part 20

64 3 0
                                    

Still Glenn's pov:

Palihim na bumaba si Glenn sa basement  nang masigurong nakaalis na ang ama.
     Dinukot niya mula sa bulsa ang kinuhang larawan ni Aling Dithas at ikinumpara sa portrait. Hindi siya maaaring magkamali. Ang larawan ni Aling Dithas noong dalaga pa ang siya mismong iginuhit ng ama matagal na panahon na. Iba nga lang ang anggulo dahil marahil lingid din kay Aling Dithas ang ginawang pagguhit sa kanya. Hindi alam ni Glenn kung ano ang dapat niyang maramdaman ng mga sandaling iyon. Hindi halos niya namalayan na nilalamukos na pala niya ang larawan ng Ina ni Bianca. Madiin.Puno nang hinanakit.at saka walang alinlangang tinapon sa basurahan.
    Glenn knock on his parents room.ang mommy niya nalang ang nandoon.
  “Mom,ready ka na ba?”
“Ready saan,  anak?”
“Gawin na natin ang plano, imbitahin natin sila dito sa bahay.”
    “Anak sigurado ka ba?”
“Ma, this is fir you and this is what you want di ba?”
       “Pano si Bianca?”
“Ako nang bahala sa kanya, sisiguraduhin kong hindi siya maaapektuhan sa gagawin natin.”

  “Glenn…”
“Mommy ito na ang chance natin para mabago natin si daddy, para magising natin siya sa katotohanan na tayo ang pamilya niya at hindi ang ilusyon niya.”
  “Natatakot lang ako anak,pano kung…”
  “Mom, ikaw ang nagsabi sa akin na kailangan nating magtiwala.”
   Tumango-tango nalang si Ayumi.

















Tinawagan ni Fatima si Bianca. “Bes, grabe sa tingin ko kailangan mong mag-effort kay Glenn!
   “Bakit?” saglit na itiniklop ni bianca ang binabasang pocketbook.
   “Kasi, itong pina-imbesrigahan mo sa 'kin na Analea naku, super close pala ito sa puso ni Glenn. Childhood sweetheart,long time gf, on and off ang relationship nila pero they’re always make it up to each other… hay sa tingin ko she must be the Rebecca of your Arthur, ano nga name nung kontrabida sa story na ‘yun, it must be you hahahha!” pang-aasar ni Fatima.
    “Ha ha, nakakatawa…” malungkot na tugon ni Mira.
“Uy, napipikon!
A/n:(hanggang dito dinala ko talaga ang attitude ni fatima sorry hahah)

“E, saan mo naman kasi nakuha ang balitang ‘yan?”
“Tinatanong pa ba ‘yon, alam mo namang marami akong contacts,hindi tulad mo na walang kilala kundi sina Arthur at Rebecca. Miss kana kaya ng tropa.”
   “Hayaan mo one of these days magbo-bonding tayo kasama ang mga friends natin.
     “Sinabi mo ‘yan ha, walang bawian!”





UMAGA. Nagbukas ng pinto ng kuwarto niya si bianca kasabay ng paghihikab. Pero bigla niyang natakpan ang bibig niya nang makitang nakaupo si Glenn sa salas at nakatingin sa kaniya. Kinusot-kusot pa niya ang mata na hindi makapaniwalang makikita si Glenn sa kanilang bahay ng ganoon kaaga…

A/n; hindi ko alam kung pang twenty ba talaga to! na delete kasi sa draft ko yung nasulat ko na pero ok lang at least na back up ko na naman.ie-edit ko nalang.

Again thankyou for reading. feeling ko nga ang boring nang takbo ng story pero intay lang i'll make it more interesting.love you all😘

Unti-unti napong nagbabalik ang biami natin opo😅☺️

Biami_lang_sakalam🤍🤍💙

Addicted To LoveWhere stories live. Discover now