"Good morning Bianca,mukhang inaantok kapa ah!"
Lumapit si Bianca sa binata at hinawak-hawakan ang pinsgi nito.
"Ano ka ba ,alam ko palagi mo akong napapanaginipan, but this time I'm real!"
"Kung hindi ako nanaginip,so bakit ka nandito? Bakit ang aga-aga mo?"
"Anniversary kasi nina mommy at daddy sa Saturday, gusto magluto ni mommy ng special recipe niya, since busy naman lahat ng tropa, wala akong ibang maisip iinvite kundi ikaw,kayo ng mama mo."
"Ah okay so talagang pang-sub ako palagi ha."
Bago sumagot ay si Glenn naman ang kumurot sa mga pisngi ni Bianca.
"I'm just kidding, since mommy knew you because of the accident, naisip niyang imbitahan talaga kayo ni Aling Dithas!"
"Talaga?"
"Oo, pero pwede ba maghilamos ka muna, ayan o may panis na laway ka pa ata!" dagdag biro ng binata.
Nakamasid lang sa kanila si Aling Dithas mula sa kusina na naghahanda ng almusalDahil sa imbitasyon iyon lumikot na agad ang imahinasyon ni Bianca.
(Time skipped bianca going to her dreamland HAHAAH)
"Ito na...ito na talaga pauline bianca...ikaw na talaga si Rebecca, ikaw na ikaw na!"
Kausap ni Bianca ang sarili sa harap ng salamin habang sinusukat ang napiling damit na isusuot niya sa pagbisita sa bahay nina Glenn.
Isinasayaw-sayaw pa ni Bianca ang sarili habang nagha-hum.
"Hmm...hmm...hmmm, la la la..."
Huminto siya sa pagsayaw at muling humarap sa salamin.
"Humanda kana Bianca,humanda ka na dahil sooner ay ikaw na ang magiging girlfriend ni Glenn Mendoza at sa 'yo na iikot ang mundo niya...and this is the Begnning of your fairytale!"
"Talagang umaasaka ha..." si Aling Dithas mula sa pintuan.
"Ma, kanina ka pa diyan?"
"Hindi naman, nasa tamang oras lang para marinig ang pantasya mo."
"Ma naman eh..." tila nahihiyang usal ng dalaga.🤗🤗🤗
Biami_lang_sakalam🤍🤍💙