Tears of secret💔(part10)

118 9 0
                                    

SA bahay ng mga Mendoza.

"Glenn pumasok kaba sa basement?"

"Mga importanteng fortfolio mo ang nandoon,hindi namn ako importante para pumasok doon."

"I'm just asking you Glenn,ayoko makipagtalo.May importante bagay kasi sa akin ang nawala doon."

Kanina nagtatanong ka lang dad, pero ngayon nagbibintang ka na?"

"Hindi kita pinagbibintangan."

"So what are you trying to say, ah sorry nakalimutan ko na mas mahalaga pa nga pala sa amin ni mommy ang koleksyon mo doon, dahil bahagi iyon ng kabaliwan mo."

Pagkasabi niyon ay walang lingon-likod na umalis si Glenn.

SA silid ni Mira.Excited siyang basahin ang nilalaman ng script.kinondisyon niya ang sarili para sa isang espesyal na kuwento at sana mas maganda pa ito kaysa sa iniisip niya.Humiga siya nang padapa sa kama at sinimulang basahin ang kuwento.

"Hmm...isang binatang may paghanga sa isang dalagang hindi niya kilala?"

Napabalikwas ng bangon si Bianca.

"Teka, ako ba 'yon at siya 'yung binata....parang hindi naman, paghanga agad e, mukha ngang walang kainte-interes sa akin ang taong 'yun, ni hindi nga raw kami magkaibigan...saka mukhang luma na ang script na’to, parang ang tagal ng ginawa na hindi lang natapos...hindi kaya ninenok lang niya ito sa dad niya?"

Bumalik sa pagkakadapa si Bianca at pinagpatuloy ang pagbabasa .

“Ang shonga namn ng bidang lalaki na’to, type na type pala niya ‘yung girl e, bakit kaya hindi siya magpakilala...in short,torpe.”

“At kung ilarawan niya ‘yung babae, parang daig pa ang Dyosa!”

Maya-maya ay napangiti na si Bianca.

“Ha ha ha,para siyang anino nu’ ng babae ,sunod siya ng sunod pero ayaw naman niyang magpakita...tapos iguguhit niya ito mula sa di kalayuan pero bigla ng tatayo ang babae at aalis ....hay,kawawang binata..

Nasa kasarapan ng pagbabasa si Bianca nang tumunog ang cellphone niya.

  📳📳


🌻😘
Biami_lang _sakalam💙🤍🤍

Addicted To LoveWhere stories live. Discover now