Ilang araw ding binalik-balikan ni Glenn si Bianca sa hospital para masiguro ang mabuting kalagayan nito.At nang araw na iyon ay may ibinigay siyang regalo sa dalaga.
“Ano ‘to sa pagkakatanda ko malayo pa ang birthday ko?”
“Bakit ‘di mo tingnan?”Nagulat pa si Bianca pagbukas niya ng gift.
“Skirt?”
“Napunit ang laylayan ng palda mo dahila sa pagtakas mo para sa‘kin, at ngayon nandito ka sa hospital dahil sa ’kin kaya ayan, paunang pambawi ko.”
“Salamat...pero Glenn, hindi mo naman kailangang gawin ‘to.”
“ Kailangan.Kailangan kong bumawi , kailangan ko ring siguraduhin ang kalagayan mo hanggang sa makalabas ka dito.”“Alam mo Arthur, I mean Glenn okay na’ko, sabi ng doctor baka bukas pwede na rin akong makauwi.”
“That’s good.”Pero deep inside ay naguguatuhan pa ni Bianca ang sitwasyon nila kaya naman willing pa siyang mag-pretend hangga’t may pagkakataon pa siya.
“Ouch...”
“O bakit!?”
“Parang may kumirot sa paa ko .....”
“I told you hindi mo pa kaya di ba?
“Pasumpong-sumpong lang naman, I’m sure mawawala din ‘to .....”may pangiwi-ngiwi pa ang dalaga na animo totoong may sumasakit sa kanya.“kaya nga dapat bago ka lumabas dito sa hospital ay dapat sure na nating wla nang sasakit sa ‘yo para wala nang problema, di ba?
Tinitigan ni Bianca ang binata.
“O, ano naman ang ibig sabihin ng tingin na ‘yan?” kunot noong tanong ni Glenn.
“Wala lang, natutuwa lang ako kasi kahit di ’mo sabihin ipinaparamdam mo namng comcern ka sa ’kin.”
Napaangiti si Glenn
“Natural,ako ang nakasagasa sa' yo eh, but if I’m not, baka ni anino ko hindi mo makita dito.“Asus, style mo bulok ,aamin ka lang na nag-aalala ka sa akin ang dami mo pang sinasabi.”
“Ewan ko sa’yo, paniwalaan mo ang gusto mo, tulad karin ni dad, nabubuhay sa ilusyon.”
“Gano’n, sinabi ko lang na may concern ka sa ’kin ilusyon agad ’ yon?”
“Oo naman, dahil nababasa ko sa mga mata mo na ikaw ang may mas higit na concern sa ’kin...alam mo kung bakit?”
“Bakit?”
“Dahil nararamdaman ko na may gusto ka sa ’kin!”
Nanlaki ang mga mata ni Bianca.“Hindi ah, ikaw ‘ ata ang nadigrasya at hindi ako,kasi parang naalog ang utak mo,eh.”
“Umamin ka na, obvious naman e.”
“Ah obvious?" Pagkasabi niyon ay sinabayan ni Bianca ng hampas ng unan kay Glenn.“Obvious na obvious!” gumanti si Glenn.
Nakalimutan ’ata nilang nasa hospital sila, naghampasan sila ng unan kasabay ng tawanan na hindi matatawaran.Tila mga batang naghaharutan.
Para silang ipinause ng remote sa TV nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang doktor. Nagulat pa ang doktor na lalaki sa dinatnang eksena.Nagkatinginan silang dalawa at kabadong ngumiti sa doctor napq iling-iling na lamang ang doctor at saka inayos nila ang kama.
Biami_lang_sakalam🤍💜💜