39

3.5K 156 11
                                    

TELEGRAM

ANDY

October 23

6 PM

Sabina:

Hey, Andy. 🥺

Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa iyo.Gusto ko lang sabihin na nag-aalala ako sa iyo. Kung gusto mo ng kausap, nandito lang naman ako. Alam ko na kaibigan mo lang ako galing Omegle. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang turing mo sa akin since araw-araw tayong nagcha-chat. Siguro stranger lang talaga ako para sa iyo, pero alam ko na hindi kasi hindi mo naman ako bibigyan ng libro at bulaklak kung wala lang.

Kung makita mo ito, sana okay ka na. Sabi ng kaibigan ko, block na raw kita kasi ghoster ka raw at alam mo na, galing pa ako sa heartbreak. Pero hindi mo kasalanan iyon, Andy.

Pero kung pinagtitripan mo lang ako kasi galing internet lang naman ako, salamat pa rin.

Stranger from Omegle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon