Stranger from Omegle 3

4.4K 194 56
                                    

SABINA VILLAROEL


Hindi na ako umimik hanggang sa nakarating kami sa resort kung saan ipagdidiriwang ang kanyang kaarawan.

Nanatili lang akong nakaupo sa kanyang motor habang siya ay bumaba na at hinubad na ang helmet matapos magpark. Tiningnan niya ako at tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi ka man lang ba magsasalita?" he asked. "I don't want a mute on my birthday."

Kinuyom ko ang kamao ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan niya ako. Ang totoo'y naiiyak ako. Hanggang ngayon kasi, para pa rin akong hinahabol ng aso dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Kulang na lang ay sasabog na ito.

I didn't expect that he would give me a quick kiss. And that kiss matters to me!

"Hey..."

Lumapit siya at akmang huhubarin ang helmet ko nang tinabig ko ang kanyang kamay. Nagulat siya at napaatras.

"Ako na," I said coldly and aggressively removed the helmet.

He sighed. "I am sorry for kissing you."

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Nahuli ko siyang kinagat ang kanyang labi at nag-iwas ng tingin.

"Pero hindi ako nagsisisi," aniya.

Tinuloy ko na ang paghubad ko sa helmet at saka bumaba na sa motor. Nang nasa harapan na niya ako, tiningnan niya ako. Buong lakas kong ibinigay sa kanya ang helmet kaya napaatras siya at halos mabitiwan ang helmet sa lakas ng pagbigay ko.

"Hey!" angal niya dahil sa ginawa ko.

I rolled my eyes and turned against him. Nauna na akong naglakad patungo sa loob ng resort kung saan una kong nakita si Eunice na nagulat sa pagdating ko.

"Sabina!" Her eyes widened at agad siyang lumapit sa akin. "Nabasa mo ang text ko? Have you seen Kuya?" sunod-sunod niyang tanong.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, nagtataka. Ano ang ibig niyang sabihin?

Nanlumo siya. "Hindi kasi siya nagtungo rito. He said na hindi siya magce-celebrate! He went somewhere with his nmaxx! And I am worried! Hindi pa alam ni Dad and Mom. Akala lang nila may nilakad lang si Kuya."

Umigting ang panga ko at napatingin sa likuran niya nang nakita ko si Margarita. Umawang ang labi ko at napatingin kay Eunice.

Umawang din ang labi niya at saka sinundan ang tingin ko kanina. She looked at me again and sighed.

"She was so early kanina sa bahay kaya sinama na lamang namin," mahinang sabi niya, tama lang na marinig ko. "Just like the rest of us, hinihintay niya rin si Kuya."

I sighed. "Nandito ba sila, Mama at Papa-"

"Kian!"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pagtili ni Margarita sa pangalan ni Kian. Pareho kaming nagulat ni Eunice dahil doon at pareho rin kaming napalingon kay Margarita na ngayon ay tumatakbo na patungo kay Kian.

Napasinghap ako at nagbaba ng tingin nang diretso siyang niyakap ni Marga at hinalikan sa pisngi.

"Happy Birthday, Kian!"

"Marga..." Napatingin si Kian sa akin at agad itinulak si Marga.

Nagbaba ako ng tingin at saka nilingon si Eunice.

"Sab..."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka ngumiti sa kanya.

"Tara na, baka hahanapin na ako ni Mama," ani ko at saka inaya ko na siya.

Stranger from Omegle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon