Stranger from Omegle 2

4.9K 220 81
                                    

SABINA VILLAROEL


Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lalaking ito. At bakit ang tagal ni Andy? At nakakahiya. Namumula na tuloy ang mukha ko dahil sa kakaibang tingin ng mga tao sa akin.

Inis kong binalingan si Kian na naabutan ko na nakanguso.

"Sinabi mo lang iyan kasi may iba na akong crush!" Sinamaan ko siya ng tingin. "At hindi ba uso three months rule sa iyo? Hindi pa matagal simula nang nag-break kayo ni Margarita tas like mo na ako?"

Kumunot ang noo niya. "Sinabi ko lang naman na like kita. Hindi pa naman kita liligawan."

Umawang ang labi ko at hindi agad nakapagsalita. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.

Inis kong pinadyak ang mga paa ko at naglakad na palayo. Hahanapin ko si Andy at uuwi na kami.

He played with my feelings. At utong-uto ako na iba si Andy. Si Kian lang pala! Kinuwento ko pa naman! Nakakahiya. Siguro habang kinukuwento ko yung mga bagay na hindi ko naikuwento sa iba, pinagtatawanan na niya ako.

Gusto kong maiyak.

Akala ko pa naman makaka-move on na ako kay Kian. Hindi pa pala. Kaya pala medyo same vibes pa sila. Kaya pala kahit hindi ko inaamin, medyo familiar ang mga pictures na sine-send niya sa akin.

"Saan ka pupunta?" tanong niya, sinusundan ako.

Binilisan ko ang paglakad ko para hindi niya ako mahabol. Gusto ko na lang umuwi at magmukmok sa bahay. Ang sikip sa dibdib.
Grabeng plot twist naman ito, ginawa akong tanga-tanga.

"Uuwi na ako. Hahanapin ko si Andy. Uuwi na kami," naiiyak ko na sambit.

"Umalis na si Andy."

Natigilan ako at napasinghap.

"Umalis na," dagdag niya. "Nakita niya kaibigan mo kasama kapatid niya."

Napapikit ako at mas lalong nainis. Ang harot talaga nitong si Andy. Buwisit. Traydor.

Bumuga ako ng hangin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey, wait!"

"Umuwi ka na rin!" inis kong sambit at lumiko. Halos tumakbo na nga ako, eh.

Pero naabutan niya ako. Naharangan niya ako. Ang haba naman kasi ng legs. Buwisit. Umatras ako at akmang liliko nang hinarangan niya muli ako.

"Ano ba?" Inis ko siyang tiningnan. "Kilala na kita, okay? Ikaw si Andy! Ikaw nga si Andy! Okay na? Tapos na! Puwede na ba akong umuwi?"

"Hindi tayo uuwi." He spread his arms. "Hangga't hindi malilinaw ang lahat."

"Sino ka ba para linawin ang lahat? Bumalik ka nga sa sarili mo! Mapagpanggap! Masungit ka, hindi ba? Bumalik ka! Mas tanggap ko pa! Shuta ka!" Tinulak ko pa siya sa dibdib.

"I am not playing with your feelings," mariin niyang sambit at hinawakan pa ang palapulsuhan ko para pigilan ako sa pag-alis.

Tumulo na ang luha ko na agad ko naman pinunasan.

"I'm sorry if you feel that way," he said. "I am sorry for not appreciating your feelings. I am sorry for rejecting you. I didn't mean it."

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

"Ano? Boba ka ba?"

"Bad trip lang ako noon dahil sa nalaman. Margarita cheated on me," he said. "And I didn't believe you. And I didn't expect na aamin ka kahit sobrang obvious na."

Mas lalo akong namula.

"And I don't want to get closer to you dahil malalagot ako sa Papa mo," he said slowly. "At bakit ko pa i-appreciate feelings mo noon? Aalis din naman kayo, hindi ba? Migrate kayo?"

Ramdam ko ang kapaitan sa huli niyang sinabi sa akin.Nang medyo lumapit ang mukha niya sa akin, inilayo ko ang sarili ko sa kanya. Ramdam ko ang kakaibang tambol ng puso ko.

Nawala sa isip ko iyon. Aalis kami pero hindi pa sure.

"W-Wala naman akong balak maging jowa ka." Tumikhim ako. "Umamin lang talaga ako para alam mo rin. You deserve to know kahit obvious."

"Tapos, ano? Iiwan mo ako?" he asked. Naramdaman ko ang kanyang hininga sa tainga ko. "Mas mabuting hindi na rin kita pinansin noon."

Napakurap-kurap ako.

"Uuwi na tayo."

"Huh?" Tiningnan ko siya. "Ayoko."

Nagtiim-bagang siya. "Hinahanap ka na ni Tita. Sa resort sila matutulog. Sigurado ako na hinahanap na nila ako."

"Huh?"

Nalilito na ako.

"Birthday ko pa naman tapos wala man lang akong narinig mula sa iyo," aniya.

"Edi happy birthday!" Hindi ko siya tiningnan nang sinabi ko iyon. "Sana mabuhay ka pa nang matagal!"

Natawa siya. "Napipilitan ka lang, eh. Uwi na tayo."

Lumayo ako sa kanya. "Hindi ako sasama sa iyo. Stranger ka, eh!"

Umigting ang panga niya. "Sabina..."

Inirapan ko siya at tinalikuran na. "Bye!" Kinawat ko ang kamay ko.

Malilintikan talaga sa akin ang lalaking iyon. Malandi! Hindi makapaghintay! Nakita lang si Vicky, nakalimutan na ako.

TRAYDOR!

Hindi pa ako nakalayo nang naramdaman ko ang isang kamay sa may baywang ko at napasigaw ako nang bigla akong binuhay na parang sako.

"Hoy!" sigaw ko sabay sabunot sa buhok niya. "Bitiwan mo nga ako!"

"Uuwi na tayo," aniya at napasigaw nang hinila ko ang bangs niya. "Aray ko!"

Nakita ko na papatungo kami sa NMAXX niya kaya mas lalo akong nataranta.

"Hindi ako sasakay diyan! Buwisit ka!" sigaw ko pero wala nang nagawa nang sapilitan niya akong pinaupo.

Nagulo pa ang buhok ko dahil sa kanyang ginawa. Lumapit siya sa akin at siya ang umayos sa jumpsuit kong medyo bumaba.
Tinampal ko ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

"Akala mo natutuwa ako?" tanong ko. "Hindi ako natutuwa. Hinding-hindi na kita papansinin."

Natigilan siya.

"Kakairita!"

Bumuntonghininga siya at kinuha ang isang helmet at akmang ilalagay sa akin nang umiwas ako.

"Sabina," banta niya. "Huwag makulit."

"Ayoko! Galit ako!" ani ko.

"Galit din ako," aniya at pilit ilagay sa ulo ko ang helmet. "Magagalit talaga ako kapag hindi mo ito isusuot."

"Edi magalit ka!"

Inirapan ko siya.

Inis niyang binaba ang helmet na hawak niya at tiningnan ako. Bumaba ang tingin niya sa labi ko bago ulit sa mata ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano na?"

He tilted his head and gave me a quick kiss. Namilog ang mata ko sa sobrang gulat at parang tumigil ang mundo ko dahil sa kanyang ginawa.

"Tsk."

Habang hindi pa ako nakagalaw, sinamantala niya ito sa pamamagitan ng paglalagay niya ng helmet sa ulo ko.

Stranger from Omegle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon