MESSENGER
FOUR BITCHES
October 28
4:01 PM
Angel •@Sabina, ingat.
Nathalie •
HAHAHAHAH
Busangot na busangot ang mukha, ah.
Pakipot pa, Sabina.
Angel •
Pero hoy, ang hot ni Kian sa motor niya, ah. Nmax ba iyon?
Vicky •
Wala akong alam sa mga motor.
Nathalie •
@Sabina, double ingat. Kumukulo na dugo ni Marga rito. Bakit di raw siya ang sakay sa motor ni Kian.
Angel •
May motor naman si Cholo.
Vicky •
Sila ni Cholo?
Nathalie •
Kabit niya teh.
Taray nitong si Marga, no? Kapal ng mukha.
At saka matapang lang naman iyan manabunot kasi mag friendship. Pero kapag mag-isa, parang tuta iyan.
Vicky •
Nakaaway mo na ba, Nathalie?
Nathalie •
Oo.
Angel •
Nakaaway iyan ni Nathalie! HAHAHAH muntik pa nga silang ma-guidance, eh!
Vicky •
Bakit?
Angel •
Naalala niyo ba nung sinabunutan siya ni Marga nung prom? Kinabukasan, sinugod iyan ni Nathalie sa classroom at sinabunutan HAHAHAHA.
Vicky •
I didn't know that.
Nathalie •
Paano mo malalaman? Palagi kang absent sa tsismis.
Angel •
Palaban pa naman iyan. Police tatay niyan, eh.
Seen by you.
Nathalie •
Uy, nag-seen na si Sabina. Ano? Buhay ka pa? O nahimatay ka na sa kilig.
Sabina:
HINDI AKO KAILANMAN KINIKILIG.
AT SAKA ANG TAGAL NIYANG MAG-DRIVE. MUKHANG PAGONG!
HINDI PA KAMI NAKARATING!
HUMINTO PA KAMI SA 7/11
BALAK KO ITONG TAKASAN TAS GALA TAYO.
Nathalie •Hoy!
Diyan ka lang.
Next time na lang tayo gagala.
Vicky •
Siguro infatuation lang talaga ang nararamdaman mo kay Andy.
More than two weeks pa lang kayo nagkakilala nun eh.
Angel •
Ito na naman si Vicky. Pinaalala na naman.
Vicky •
I am not.
Sabina:Huwag kayong mag-alala, kapag nahanap ko iyan si Andy, hindi niyo na ako maaasar kay Kian.
Nathalie •Talagang hahanapin pa, ah!
Baka hindi talaga iyan nag-e-exist, eh!
Sus!
Angel •
HAHAHAHAHAH
Kandila na lang, oh.
Condolence sa puso mo kapag hindi pala talaga siya nag-e-exist.
Nathalie •
At saka aminin mo na kasi na kinikilig ka kay Kian diyan. Sus.
Ikaw kasi.
Umamin ka agad.
Alam mo namang kaka-break pa.
Kapag hindi ka umamin, hindi sana ako magsa-suggest ng Omegle at hindi mo makilala si Andy Ghoster at hindi ka magiging ganyan ngayon. Sus.
HAHAHA
Ano na?
Na-realize mo na ba?
You removed Nathalie Gomez from the group.
Angel •HALA HAHAHA
Angel Reyes added Nathalie Gomez to the group.
Nathalie •Hoy
Joke lang.
Di ka naman mabiro.
Sige, enjoy HAHAHAH.
BINABASA MO ANG
Stranger from Omegle (COMPLETED)
Teen FictionAfter being rejected by her long-time crush, Sabina was pushed to try Omegle, a website on which you can meet and chat with strangers out of boredom. But she never thought that boredom would be replaced by an exciting journey as she chatted with a s...