Stranger from Omegle 4

2.9K 98 8
                                    

SABINA VILLAROEL


"Teka nga!"

Inis kong iniwakli ang kamay ko nang hinila niya ako patungo sa nmaxx niya. Nang naiwakli ko ang kamay ko ay tumigil siya at tiningnan ako.

"Ang bastos mo, ha! Birthday mo ngayon. Dapat kasama mo pamilya mo," ani ko at niyakap ang sarili dahil sa lamig.

Bumuga siya ng hangin at inilabas ang susi ng kanyang motor.

"Taon-taon ko na silang nakakasama, Sabina," aniya at humakbang palapit sa akin. Napalunok ako nang kinuha niya ang kamay ko at mapungay akong tiningnan. "I want to spend it with you? Is it too much to ask?"

Hindi ako agad nakasagot.

"Come one. I want to spend my special night with you," aniya at kinuha muli ang kamay ko. "Hindi naman kita ilalayo."

Ngumuso ako. "Hindi pa rin kita pinapatawad. Mas gusto ko si Andy."

Napakamot siya sa kanyang ulo. "I am Andy."

Umirap ako. "Kian ang pagkakilala ko sa iyo."

Naibagsak niya ang balikat niya at natahimik naman ako.

"Okay..." Hinigpitan niya ang pagkahawak niya sa akin. "Doon na lang tayo sa park. Babalik tayo roon. Hindi na kita dadalhin sa gusto kong lugar. Basta pagkatapos ng graduation, papayagan mo akong manligaw."

Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa kanyang sinabi at naramdaman ko ang panibagong pagkabog ng puso ko.

"Sabina..."

Uminit ang pisngi ko at napatakip pa ako sa mukha ko sa hiya.

"Hey..." Natawa siya. "Nahihiya ka ba? Ako dapat ang mahiya."

"Masaya ka pa niyan?" Inalis ko ang kamay ko sa mukha ko at tiningnan siya. "May sinaktan ka na babae ngayon."

Kumunot ang noo niya. "I didn't hurt her. She hurt herself, Sabina."

"Pareho pa rin iyon!" giit ko.

Ngumisi na siya sa akin at nauna nang nagtungo sa nmaxx niya.

"Let's go, Sabina. Iuuwi muna kita sa inyo. Tingnan mo iyang damit mo. Halos makita na ang kaluluwa."

Umirap ako. "Gusto ko ito, okay, at hindi ako papayag na manliligaw ka sa akin."

Natigilan siya at binalingan ako. "Bakit?"

"Ayaw ko pa magka-boyfriend. Gusto ko muna maka-graduate bago magka-boyfriend," pag-amin ko.

Nagtaas siya ng kilay at natawa. "Really? Hindi halata."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kidding. Edi, liligawan kita at saka mo ako sasagutin kapag graduate ka na," simpleng sabi niya na siyang ikinagulat ko.

"You'll do that?" hindi makapaniwala kong tanong. "You'll wait for me?"

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Yup, but I'll act as your boyfriend, though. Hindi ako papayag na hindi ako makakayakap, makakahawak sa kamay at makakahalik. Manliligaw ako pero para mo na rin akong boyfriend."

Napangiwi ako. "Para ka na ring boyfriend ko kung gano'n!"

Natawa siya. "Limang taon mo akong gusto, Sabina. Kaya limang taon akong maghihintay bago mo ako sasagutin. I can wait. I will wait."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga salita na lumabas sa bibig niya. Para kasing hindi totoo. Ang layo ng limang taon. Malay natin mag-iiba ang feelings. Mga bata pa naman kami.

Kinagat ko ang labi ko at medyo yumuko. "But please don't promise. We don't know what happen in the future, Kian. Baka mag-iba ang feelings mo o ng feelings mo."

"I won't."

Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ako mangangako pero hindi ko rin hahayaan na mangyari ang sinasabi mo," aniya. "For now, huwag muna natin iyan pag-uusapan. Let's go."

Hinayaan ko siya na lagyan ako ng helmet at hinayaan ko ang sarili ko na sumama sa kanya.

It was a dream come true to me. Hindi ko kailanman naiisip na mayaya ako ng gano'n ni Kian. Nasa isip ko na kasi na imposibleng magkakagusto siya sa akin. Imposibleng mapapansin niya ako.

Stranger from Omegle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon