⇏ F R O S T
It's already Friday, Chandler and I haven't already bonded properly yet. Hindi kami sabay pumasok. Minsan lang siya umattend sa klase at kapag umaattend naman, focus siya lagi sa pakikinig sa prof. Hindi rin siya sumasabay sa akin pag-uwi kasi pansin ko nag-eenjoy rin siya sas pagtambay sa Student Council room dahil naroon ang iba niyang barkada, doon na siya nagpapahinga pagkatapos ng practice sa pageant at pagrereview sa debate competiton kasama ang ka-grupo, hindi ko na rin tuloy inaaya sumabay. Pagdating niya naman sa bahay, it's either focused na ako sa school works o kaya tulog na kaya hindi ko na rin siya namamalayan. Nag-uusap pa rin naman kami kaso masyado na siyang busy kaya minsan nagpapakabusy na lang rin ako.
We were so inseperable since then.
What could go wrong?
12 AM. I dropped my pen as soon as I heard a knock on the door.
Dito ako nag-aral sa living room dahil iba ang kutob ko ngayong gabi. Parang may nagsasabi sa akin na hintayin kong makauwi si Chandler. At ayan na nga siya, nasa labas, tuloy tuloy ang katok. Hindi ko alam kung bakit iba ang kaba ko habang binubuksan ang pinto.
"Chandler!" Bulalas ko nang mawalan siya ng balanse. Mabilis ang reflex ko kaya agad ko siyang nasalo. Napakalapit niya sa akin kaya amoy na amoy ko ang alak.
"Bahay na ko..." He uttered, lips curving, cheeks flushed.
Gusto ko siyang barahin ng "tao ka, tanga" pero ayaw lumabas sa bibig ko. Gusto ko siyang awayin pero hindi sa gano'ng paraan.
"Uminom ka? Umiinom ka na ngayon?" My nose srunched at the strong, unfamiliar scent. Chandler never drinks neither I. Layo kaming dalawa sa alcohol.
"Tikim lang." Sagot niya. Tikim pero ganito kalala ang tama. Baka kila mama pa siya makatikim ng pagalit.
"Saan 'yan?"
"Sa Enchant."
Enchant is the only night club here in Wasteland.
Night club... it bothers me.
Ngayon lang nagawi roon si Chandler sa buong pamamalagi niya rito. Wala rin naman kasi siyang barkada na mahilig uminom, may mga kaibigan man siya na umiinom hindi naman siya sumama. Panay tanggi 'yan kapag usapang party. School at bahay lang palagi.
"Sinong kasama mo?" I keep asking. Nag-aalala talaga ako.
"Maiba lang ng kasama. Dami mo namang tanong eh." Nagkamot siya ng ulo at maya-maya lang ay bumagsak na sa sofa.
Something in his response caused me pain.
Natigilan ako at natulala, hindi na siya sinalo ulit. Paulit-ulit iyon sa utak ko at nang bumaba ang tingin ko sa kaniya, hindi ko na siya kinulit muli.
Kinabukasan, gumising ako ng maaga at umalis kahit 7 AM pa lang. Nagmadali ako para hindi ko maabutan ang paggising ni Chandler, para hindi niya ako makita na paalis na.
Pagkarating ko sa school, tumambay ako sa Heritage lib at doon na tinuloy ang tulog. 10 AM pa ang pasok ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong oras magigising 'yon kaya nagpaaga na ako. 30 minutes before our class starts, I received a message from him. Tinatanong kung nasaan na ako. Hindi ako nagreply.
Sa Chem lab ang unang klase ngayon kaya laking pasasalamat ko. Groupings kasi doon at magkaiba kami ng grupo.
Ngayon lang yata ako nagpasalamat na hindi ko siya makakasama.
I was talking to Ion, the guy who got mad at me for dropping a beaker. He was the group leader and we're okay now. Kinausap niya ako, ipinaliwanag kung bakit siya nagalit noong araw na 'yon. Iniintindi niya lang raw ang grades namin at syempre matagal ng equipment iyon rito kaya natakot siya na baka magalit sa amin ang prof. But thankfully, our prof didn't got mad. Maayos rin naman kasing nagpaliwanag si Ion.
BINABASA MO ANG
Wasteland 2 : The Bloody Deja Vu
Horror[Wasteland Series #2] Five years ago, bloodshed happened. Five years later, it's happening again.