⇏ F R O S T
"Chandler, pakopya—" Natigilan ako nang makitang bakante ang upuan sa tabi ko. Right. Wala nga pala siya ngayon. May inaasikaso na naman as usual.
"Yes, miss?" Sita sa akin ng professor namin sa Physical Chem. Inangat niya ang salamin at sinuri ako. "I told you, eyes on your papers. Isang lingon pa sa gilid at pupunitin ko na ang papel mo. Consider this as your first and final warning." Sungit! Sana lang yung mga ganito kasusungit na prof ay hindi nangongopya noong college sila!
Bumalik na ako sa pagsasagot. Tatlong lesson ang cover ng exam namin ngayon at isang equation lang ang natatandaan ko. Yung First Law of Thermodynamics lang na pinagtalunan pa namin ni Chandler last week. Nakakainis. Hindi kasi ito ang subject na priority ko kasi ang hirap, baka mastuck ako at hindi makapagreview sa iba pang subjects kaya hinuli ko na 'to kaso nakatulog ako kagabi at hindi na nakapagreview ulit!
"Anong pangalan mo?"
Napatigil ako sa pagsusulat at inangat ang tingin. Ako ba ang tinatanong?
Shit, ako nga.
"Frost po." Sagot ko.
She looked at me again and scrolled on her laptop, checking something. "What's your surname? Kahit sa class record walang nakalagay."
"Uh..." What should I say? De Fiore? Because Chandler's parents adopted me? Ang hirap sagutin. Hindi naman kasi ako dumaan ng legal adoption.
Mahirap man paniwalaan pero hindi ko kilala ang sarili ko.
I don't have amnesia or any mental problems. It's just that... bata pa lang ako binigay na ako sa orphanage. Iniwan daw ako roon sa labas ng gate, nakalagay sa basket at kasama ang isang lukot na handwritten letter ng nanay ko o kung sino mang nag-iwan sa akin sa labas. Galing 'di ba? Para lang silang nakipagtrade ng kalakal.
Baby pa lang ako, nandoon na ako. Pinakain nila ako, binihisan, pinag-aral at tinrato nang maayos. But I got sick of it, pakiramdam ko kulang na kulang ang pagkatao ko. Lumayas ako. Alam ko maling-mali kasi parang wala akong utang na loob pero tuwing nandoon ako, pakiramdam ko nagsesettle na lang ako sa ganon na hindi ko kilala ang sarili ko.
I was 16 years old when I left the orphanage. I ran away till I got lost. That's how Chandler found me. Outside a broken sari-sari store, eating frosty.
Frost. That's how I got my current name.
However... people in the orphanage calls me "Eya." It's because on the handwritten letter, my biological mother or whoever put me in that basket wrote my name but the pen ran out of ink and only managed to right letters "e" and "a". It was unreadable so people only assumed that my name was Eya.
The sound of the bell saved me from answering. Siya lang ang nagtanong sa akin noon sa harapan ng maraming tao kaya hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang sarili ko. I usually talk to my professors in private regarding that matter. Nahihiya kasi ako at ang hirap hirap din ipaliwanag. Yung iba ko namang professor noong 1st year, alam na nila na gano'n ang sitwasyon dahil nang i-enroll ako ng papa ni Chandler, kinausap na nila ang mga 'yon.
"Pass your papers, class."
Pinasa ko na ang akin at kinuha na ang bag. Siguro dadasalan ko na lang ang score ko doon.
Habang papaalis ako ng room, nilabas ko ang cellphone ko at binalikan ang convo namin ni Chandler para maglabas ng sama ng loob. Ganito kami, text text muna kasi bihira na kami magsama. Kahit pagpasok minsan hindi ko na siya nakakasabay. Minsan nauuna siya kasi kailangan agad siya sa ganito at sa ganiyan. Masyado nang busy.
Wednesday, 9:04 AM
From: Chandler panget
BINABASA MO ANG
Wasteland 2 : The Bloody Deja Vu
Horror[Wasteland Series #2] Five years ago, bloodshed happened. Five years later, it's happening again.