Prologue

1K 63 46
                                    

⇏ F R O S T

Never dwell on the past. It is gone for a reason. 

Ah, right. That's what I should tell to myself. I should keep reminding myself.

Ilang linggo na matapos kong mabasa ang libro na 'yon pero hindi ko pa rin magawang kalimutan. Lahat iyon pakiramdam ko totoo, hindi gawa-gawa ng imahinasyon ng isang tao.

Niyakap ko ang libro at tinutok ang tingin sa harapan. Maya-maya, isasauli ko na 'to sa library. 

"Let's all welcome, Chandler De Fiore!" Pinanood ko si Chandler na tumungtong na sa stage. Ang kaninang malikot na spotlight ay nakatutok na lang sa kaniya ngayon. 

I stood in the middle of the crowd, eyes fixed on the stage. Hindi ko inalintana ang sigawan at tulakan ng mga tao. Para akong isang poste sa gitna nilang lahat.

Dry run pa lang nila para sa pageant pero grabe na agad ang sigawan. Sikat kasi si Chandler rito sa Wasteland Academy. Sabihin na nating given na yung pagiging gwapo, consistent top honor din kasi 'yan since high school at President lister pa ngayong college. Talented pa. Laman ng school clubs at varsity team 'yan. Kaso pagtungtong ng college, dinrop na niya ang sports para daw makapagfocus sa studies. At isa pa, suki din 'yan ng mga pageant and contest kasi nga full package. 

Chandler De Fiore yata 'yan!

Samantalang ako tamang kopya na nga lang sa kaniya sa sulok tuwing exam, nanghihingi pa ng papel. 

Buong dry run ay kay Chandler lang ako nakatingin. Minsan ay pumapalakpak pa ako para malaman niyang suportado ko siya sa ganito. This isn't his passion, but somehow he found himself enjoying pageants. Kaya heto ako ngayon, todo suporta. Kasi gano'n din naman siya sa akin. Suportado niya rin ako sa lahat ng bagay. Give and take lang.

I live in the same house with him. Adopted ako ng parents niya. 

We arrived home late. Nagkayayaan pa kasi sa mall para kumain na nauwi rin sa panonood ng sine. Tanggi nga ako nang tanggi kasi paniguradong siya ang magbabayad no'n pero sa huli napilit niya pa rin ako. Hindi niya naman raw ako pagbabayarin.

"It's one of the best psychological horror film, I must say. There are some suspenseful moments that could scare you to death. Ang ganda din ng plot twist sa dulo! Parang sasabog ang ulo ko kakaisip hanggang ngayon." Napahawak pa ako sa noo ko at hinilot iyon. Kanina pa ako nagkukwento sa kaniya mula byahe. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit sumasakit na ang ulo ko. Panay ako salita. Siya naman nakikinig lang. 

"Tingnan mo nga, mukhang mas nag-enjoy ka pa." Asar niya sa akin. Nilapag niya ang bag sa sofa at naupo roon.

Pabiro ko tuloy siyang sinamaan ng tingin. Bago pa man din ako makatapos sa pagkukwento ay pinutol niya ang pagsasalita ko.

"Frost..." Kitang-kita ko kung paano siya magulat, kung paano manlaki ang mga mata niya ng magbasa siya ng isa sa mga pahinang binuklat niya, kung paano bumuka ang bibig niya na animo'y ang daming gustong sabihin. "Saan mo 'to nakuha?" Tanong niya na para bang gulat na gulat pa rin dahil hindi niya magawang alisin ang tingin niya sa libro. 

Ano bang nangyari rito? May masama ba siyang nabasa?

Hindi kaya yung kissing scene nila Harper at Marc ang nabasa niya kaya naman ganiyan ang reaction niya? Hala, ayaw pa naman ni Chandler sa mga gano'n! 

Bibiruin ko na sana siya kaso parang hindi yata angkop sa sitwasyon. He looks terrified. 

"Chandler, why?" Tanong ko nang mapansing napalitan ng lungkot ang mga mata niya. May binulong pa siya ngunit hindi ko na iyon narinig.

He's creeping me out! Ano bang problema niya?!

"Chandler—" Napatigil ako sa pagsasalita nang may kumalampag sa pinto, isang malakas at mabigat na pagbagsak ng palad. 

Parehas kaming napatigil.

Sino naman kaya ang kakatok ng gano'n sa ganitong oras?! Galit na galit? First time ba makakita ng pinto?

"Sino 'yon?!" Parang bata niyang tanong, halatang natakot. His eyes were wide open. Gulat na gulat? First time niya rin ba makarinig ng katok sa pinto?

"Aba, malay ko! Parehas tayong nandito sa loob!"

"Buksan mo!" Tinulak ako ni Chandler.

"Tanga!" 

Masama talaga pag-uugali ng taong 'to. Siguro kung totoo ang mga zombies, baka isakripisyo niya pa ang buhay ko makaligtas lang siya. Ako ang gagawin niyang pain. Tatakbo 'yan agad panigurago. 

"Sandali! Saka na nga kapag kumatok ulit—"Napatigil siya dahil bigla ulit kumatok ang taong nasa labas, para bang sumakto sa dapat niyang sabihin. Ngunit sa pagkakataong ito ay sunod sunod na kalabog na ang naririnig ko kaya naman nakaramdam na ako ng kaba. Doon na kami tuluyang natakot.

Walang sinabi si Chandler. Tumayo na siya at ako naman ay agad na sumunod sa kabila ng takot.

He slowly went to unlock the door. Two locks were now unlatched. Every time his hand went down on the locks, I felt chest raving. Tumingin siya sa akin nang pihitin niya ang door knob. Dahan-dahan pa siya sa pagbukas. I felt the time stop, and the only thing I heard during this moment is the sound of the door knob twisting. 

Bukas na ang pinto.

"Sino 'yan?"

Sa isang iglap, nabalot ng malakas na sigaw naming dalawa ang buong bahay dahil sa nakita namin

"Chandler..." Tanging sambit ko. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat. Kumapit ako sa kaniya. Napakahigpit.

Napasigaw akong muli ng itulak nila ang pinto kaya naman dali-daling isinara ni Chandler ang pinto ngunit hindi siya nagtagumpay. Masyado silang malakas!

"Chandler! Natatakot ako!" Rinig na rinig ko ang kalabog sa aking dibdib.

Saglit niya akong nilingon habang patuloy ang pagtulak sa pinto. Nang mapansin kong nahihirapan na siya ay tumulong na rin ako sa kabila ng panginginig sa takot. Binangga ko ang sarili ko sa pinto upang mas malakas ang pwersa pero parang walang epekto. Hindi ko kayang tapatan ang lakas nila. Hindi namin kaya!

Nanlaki ang mga mata ko nang iwan ako ni Chandler. I was pushed back by the enormous force. Sisigawan ko na siyang bumalik ngunit agad siyang tumakbo sa akin at buong pwersang binangga ang sariling balikat sa pinto kaya naman tuluyan na itong sumara. Ginawa niya lamang pala iyon para bumwelo. Ako naman, mabilisang ni-lock ang pinto.

Napasigaw ako sa takot nang makitang may putol na kamay sa sahig at nagtalsikan pa ang dugo nito sa aking damit at braso. 

Kadiri! Kadiri! 

May bumangga muli sa pinto. Pumikit ako at nanalangin ng dasal, hinihiling na sana hindi ito totoo. 

But our faith disappeared when a hand breaks some part of the wooden door. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita. Nakawit sa ilang parte ng kahoy ang laman sa braso nito kaya halos buto na lang ang natira. 

Nakarinig kami ng malalakas na ungol, nakakapangilabot, nakakatakot. Unti-unti ng nawawarak ang pinto dahil sa mga zombies sa labas pero heto kami ni Chandler at nakatayo lang. 

Hopeless, helpless. It's terrifying. We can't do anything but listen to our raging heartbeats and catch our breaths.

The undead.

They are here.

Again.


_

Wasteland 2 : The Bloody Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon