Chapter 4: Inseparable

357 33 17
                                    

⇏ F R O S T

"Just like people, things will find its way to you if they are meant for you?" Nakakunot na naman ang noo ni Chandler sa akin matapos kong sagutin ang tanong niya. Tinanong ba naman kung anong nasa isip ko, kanina pa daw kasi ako tulala. "Paano kapag aksidente ka lang nakapulot ng isang libo, hindi mo na hahanapin may-ari kasi nga nagpakita na sa 'yo yung bagay na 'yon?"

"Napakabobo mo naman, syempre depende 'yon sa sitwasyon!"

"Hindi eh kasi the way you say your quotation na-generalize mo na lahat ng bagay."

"Sus, huwag mo kong sermonan sa pera na parang hindi ka nakakita noong nakaraan tapos inapakan mo lang at pasimpleng nagkamot ng paa para mabulsa." Muntik pa akong hingalin.

"Singkwenta lang 'yon!"

"Pera pa din 'yon!"

"Wala kang kwenta kausap. Text ko na lang baby ko." Pinulot na niya ang cellphone at humiga sa sofa. Dinagan niya pa ang magkabilang paa sa akin.

"Baby? May anak ka na? Kanino?"

"Weh? Corny naman."

"Panget mo." Singhal ko. Gusto kong makichimis kung sinong katext niya pero nakatalikod sa akin ang cellphone niya.

Hayaan na nga. As if namang may girlfriend 'yan. Sinong papatol?

Kinabukasan, sinamahan ko na naman si Chandler sa practice niya. Pero ngayon, hindi na ako nanood. Gumawa na lang ako ng assignment naming dalawa sa gilid. It's not always like this. Hindi naman pabuhat si Chandler sa acads. Mas matalino pa 'yan sa akin. It's just that, he's been very busy lately with extra curricular activities and it's already hell week. Naawa naman ako sa kaniya kaya pakokoyahin ko muna ngayon.

Nagulat rin ako kasi may awa pala ako sa kaniya?

Dalawang oras silang nag-aaral ng sayaw ni Cassidy. Natapos naman yata nila, konting cleaning na lang. Sakto namang natapos ko na ang assignment namin kaya nagligpit na rin ako para makaalis na. Habang nag-aayos ng gamit, nakarinig ako ng bagong pares ng mga paa na palapit sa amin. Lumingon ako at nakita kong may matangkad at morenong lalake na lumapit kay Cassidy. Katulad niya, nakasuot rin ito ng uniform na pang Biology student.

"Sorry hindi kita nasundo kahapon, Cass. May emergency lang sa ospital."

"Okay lang, Stone. Don't mind mommy too much, it's not your responsibility to drive me home. I can manage."

"No, but nakakahiya pa rin kasi pumayag ako tapos hindi ako sumipot. Sige na, babawi ako sa 'yo ngayon. Drive thru na rin tayo sa favorite fast food mo."

Cassidy laughed a little. "Alright, Stone. I'll just get my bag."

Wow. Ang ganda niya? At ang pogi naman nung kausap niya? 

Lumapit rito si Cassidy dahil malapit ako roon sa bag niya. Si Chandler ay nakasunod lang ang tingin matapos tunawin ng titig yung kausap ng partner niya.

"Sino yon? Boyfriend mo? Parang kargo ka eh." Tanong ng chismoso kong bff.

"Ah, no. He's just a friend. Mom trusts him a lot." Sinuot na ni Cassidy ang bag. "I'll go ahead. See you guys next practice." Nagpaalam siya sa amin pareho. Ngumiti lang ako sa kaniya.

She's really nice.

I hope all Biology students are like Cassidy Dania.



⇏ C H A N D L E R

"Selos." Asar ni Frost sa akin pag-uwi namin ng bahay.

Wasteland 2 : The Bloody Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon