Chapter 1: That bloody dream

621 50 29
                                    

⇏ F R O S T

I woke up abruptly, inhaling sharp. Parang hinugot ng panaginip ko na 'yon ang lahat ng lakas ko sa katawan. Malabo pa rin ang paligid at tila ba naroon pa rin ang isip ko. Doon, napakalinaw ng lahat. Na para bang iyon ang totoo.

"Hoy, okay ka lang?" Agad na binaba ng katabi ko ang cellphone niya. Napatingin ako roon at nakita kong nasa kalagitnaan siya ng paglalaro ng online games. Si Chandler. At kami na lang ang nandito sa gymnasium, specifically sa bleachers.

Paano nangyaring nandito ako at natutulog?

"Ha? Ikaw?" Wala sa sariling pagbalik ko ng tanong. 

"Ha? Sabog ka ba?" He watched me shuffled my things.

I opened my phone only to see that it's already 7 PM in the evening! Meaning? 2 hours na pala akong tulog rito! "Bakit hindi mo ako ginising?!" Tumayo na ako at akmang sasabunutan siya. Kailangan ko pang magluto sa bahay nila! On vacation kasi ang mga helpers kaya nagpresinta ako kila mama—ang mama ni Chandler, na ako na lang muna sana ang magluto. It's one of my way of giving back. Pero itong si Chandler hindi ako ginising!

"Tulog mantika ka kaya!" 

Bumaba na ako sa bleachers kahit pa hindi nakasukbit ng maayos ang bag ko. Bitbit ko rin ang dala kong libro kanina. Hinabol ako ni Chandler at sinabayan sa paglalakad. Tahimik lang kaming dalawa hanggang makasakay sa bus. Hindi naman kami ganito, sa katunayan nga kami pa ang pinakamaingay, walang hiya-hiya. Kaso nga lang, antok na antok pa rin ako kaya heto ako, nakasandal na lang sa balikat niya.

I suddenly remember my thumb is in between the pages of the book I'm currently reading so I raised my hand, trying my best to read again. Ang librong hawak ko kanina pa, ito 'yon. Isang simpleng libro lang. Hinding-hindi ko dadalhin sa labas ang kakaibang libro na kinuha ko sa library. Natatakot ako na baka mawala ko iyon.

These days, I found myself reading more. Mainly for two reasons. First, that book made me interested with reading more literary works. Second, I started reading more to forget the horrifying book I have read.

Magalaw ang bus kaya hindi rin ako makapagfocus kahit pa gaano ko gustong magbasa. This one's a classic romance, totally different from the first book that I've read first.

Magbabasa pa sana ako ng kasunod na paragraph kaso may nagbaba ng libro, "Ang galaw galaw ng sasakyan, Frost. Ma-vertigo ka niyan." He warned. And yes, it does sound like a warning. Now I remember Chandler really hates seeing people reading on a moving vehicle and because of what he said. Vertigo.

Hindi man halata sa akin pero marunong akong sumunod kay Chandler. Alam ko kung kailan ako makikinig sa kaniya at kung kailan ako makikipagmatigasan.

Especially when he starts calling me Frost with a very serious tone. 

Despite being the one who gave me that name, he never refers to me as Frost.

It's always Frostie. Gusto niyang naiiba siya.

Nakaidlip pa ako sa byahe at ginising niya lang ako noong bababa na kami. Konting lakad pa ang ginawa namin dahil may distansya ang bus stop sa bahay nila. Nagmadali na ako at agad na dumiretso sa kusina.

"Good evening po! Magluluto na po ako, ano pong gusto niyo?" Matapos kong maghugas at magtuyo ng kamay, nagmano na ako kay mama. Ngiting-ngiti pa ako.

"Ikaw na ang bahala, Frost. Oh, ginabi yata kayo ni Chandler?"

Siniko ko tuloy si Chandler na siyang dumaan sa likuran ko. Tumawa lang ito at talagang ako na ang pinagpaliwanag niya.

"Nakatulog po kasi ako habang naghihintay sa dry run ng pageant niya."

Wasteland 2 : The Bloody Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon