⇏ F R O S T
Have you ever had a bad feeling about tomorrow that motivates you to function well today?
I never liked Physical Chemistry, but here I am listening attentively to my professor while she's discussing the new lesson.
Tumingin ako sa labas.
Madilim ang langit, maulap. Halos hindi ko na maaninag ang araw. Hapon pa lang pero parang gabi na dahil ay ang mga ulap ay parang kadiliman na tumataklob sa kalangitan. Maybe I was feeling off because of the weather? Was it because of the gloomy skies?
Maybe.
"That's it for our last meeting. See you when I see you, class." Nagsimula nang maglipit ng gamit ang professor namin habang kami ay naguguluhan sa narinig. Last meeting? See you when I see you?
"Last meeting po, ma'am?" Chandler asked out of confusion.
"Yes," Our professor sighed. "The officials are thinking of implementing online classes from now on until the end of this month."
Goodness, two weeks din 'yon. Pero bakit naman kaya?
"Bakit po, ma'am?"
"Anong reason po?"
"We are doing well naman po in face to face classes ah?"
Inulan ng maraming tanong ang professors namin. Tiningnan niya kami isa-isa, "A huge typhoon will hit Wasteland estimately by the day after tomorrow. You know our island is prone to typhoons as it faces the Western Pacific. We cannot risk our students' safety."
Oh... that's why the skies are dark.
Mukhang doon nga nanggagaling ang masama kong kutob kanina pa. Pagkagising ko pa lang nandito na 'to, iba na ang nararamdaman ko.
"Please check our official page from time to time for further announcements. Thank you, students." With that, our professor left.
Kinuha ko na ang bag ko, uuwi na sana kaso bigla akong nilingon ni ma'am, "Frost, come with me."
Hindi ko alam kung anong pumasok sa ulo ko at kusa na lang pumaling iyon sa gawi ni Chandler. He heard it and now he's looking at me too.
"Hintayin kita sa labas. Sabay na tayo umuwi."
Dumagdag pa sa iisipin ko ang sinabi na 'yon ni Chandler habang patungo ako sa faculty. Nakasunod lang ako sa professor ko hanggang makarating roon. Tumayo ako sa harapan ng table niya, pinaglalaruan ang mga daliri. Hinihintay ko lang si ma'am na malapag ang mga gamit niya at maayos ang mga dapat ayusin bago ako kausapin nang maayos.
Kinakabahan ako. Pakiramdam ko tungkol na 'to sa grades ko.
When she finally looked at me after settling down, I think my lungs dropped at the very moment.
"Hija, I'll get straight to the point, mahihila ng Physical Chemistry ang GWA mo. May hindi ka ba naiintindihan sa subject ko?" She asked and I was stunned. Sabi na eh, tungkol 'to sa performance ko sa subject niya. "Kasi you've been doing well in other subjects, I've been monitoring your grades. You have potential to excel in Physical Chemistry, Frost. Just motivate yourself a little."
Yumuko ako, "I'll do better po."
Napabuntong hininga siya. "I'm very strict, you know that. But I'm always down to give chances to my students."
"Opo."
"I'll send two problem solving questions to your school email, if you get a perfect score then I might consider giving you extra points in your midterms." Dagdag pa ni prof. "Kasi hija, I don't know where should I get your grades. Hindi lang tres ang kalalabasan nito, quatro."
BINABASA MO ANG
Wasteland 2 : The Bloody Deja Vu
Horreur[Wasteland Series #2] Five years ago, bloodshed happened. Five years later, it's happening again.