Chapter 8: Familiar faces

45 4 1
                                    

⇏ F R O S T

"Hi, excuse me. Where's the admission office for the master's programs?" A blonde woman with a thick foreigner accent, taller and older than me, asked. She removed her sunglasses and I saw how pretty her clear hazel eyes are.

Napatigil tuloy ako sa paglalakad papuntang cafeteria. Tumigil din siya at para bang hinabol pa talaga ako para lang makapagtanong.

"Ah, yung susunod na building lang po and bubungad naman po iyon agad. Glass doors with an "office" signage." I answered and almost stuttered. Professional looking people intimidates me big time. Wavy ang blonde na buhok niya at angat na angat iyon sa suot niyang all black suit outfit, nakasuot din siya ng two inches heels. Nakakadagdag consciousness rin patingin-tingin niya sa mga mata ko habang nagtuturo ako ng direksyon.

"Thank you. I'm about to accompany my cousin to transfer sana kaso we're both lost. For a school who only offers two undergraduate programs, masteral and doctorate, this is insanely huge ah?" Nilibot niya ang tingin sa paligid. Mukha ngang kanina pa siya naghahanap.

Pero totoo nga. Napakalaki ng school na 'to.

Noong lumipad kami patungo rito sa Wasteland at sinabing dito kami mag-aaral, unang kita ko rito ay nanliit ako bigla. Unang-una, malawak. Pangalawa, mahirap abutin. Pero isang magandang pangarap. Ang laking saya sa puso kapag dito nag-aral, para bang ang taas na agad ng naabot mo.

This is a really prestigious school known for bearing intellectual chemists and biologists, even scientists. It's really famous all around the world and earns the highest scores for its academic and employer reputations.

"I have to go na, thank you again...?" She sounds like she's waiting for me to say my name.

"Frost po."

She seemes amused hearing a very unusual name, "Thank you, Frost!"

Then she left with me not knowing who she was.

Alas tres lang ng hapon nang makauwi ako sa bahay. Dalawa lang ang subject ko ngayong Thursday at parehas pang minor kaya hindi ako masyadong na-stress. Katulad din ng sinabi ng mga prof ko ngayon ang sinabi ng prof namin kahapon sa Physical Chem, nagsabi rin sila ng "last meeting for now".

"Ma, matagal po ba mawawalan ng pasok?" Tanong ko dahil may katungkulan siya sa gobyerno kaya malamang may alam siya sa mga plano para sa mga susunod na araw. 

"Not yet finalized how long, but we're surely going to a lockdown." She answered casually. Namimili lang siya ng kakainin sa ref kaso mukhang paubos na ang mga stock.

"Po? Lockdown?"

Mama closed the refrigerator, facing me, "Yes, anak. So... mind if I ask you to buy groceries? Pinagbakasyon ko na kasi ang mga maid, dapat ako sana ang mamimili ngayong hapon kaso may kailangan pa pala akong asikasuhin." Napatingin siya sa suot na wrist watch. 

"Okay lang po." Agad kong sagot.

"I'll go with her!" Chandler came in the scene with a grin on his face. 

Naparolyo ang mga mata ko.

Alam na naman niya ang ginagawa niya.

Pagdating sa supermarket, kumuha agad ako ng cart at tinulak iyon. Hawak ko na rin ang listahan ng mga groceries na dapat bilhin. Ang daming kulang at paniguradong kulang pa ang isang push cart kaya mabuti at nag-insist 'tong kasama ko na magdala ng kotse. Sabagay kasi we're buying stocks for the house, two weeks din yata ang itatagal ng sinasabi nilang lockdown.

"Share tayo. Tutulak rin ako." Rinig kong sabi ni Chandler. Pero dahil masyado ako abala sa pagtingin ng groceries, nagpatuloy lang ako.

"Patulak nga eh," Binunggo niya ang balikat ko para magkaron siya ng pwesto.

Wasteland 2 : The Bloody Deja VuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon