Hari Adela Santiago POV
"Anak kelan kaba magpapakasal?abay matanda kana,hanggang ngayon ala ka paring pinapakilala saming kasintahan mo."Ani dad.
"Oo nga naman anak,ibuburo mo ba yang bataan mo?"Ani mom.
Napabuntong hininga na lang ako at tinigil ang pagkain ko.Nakangising aso akong humarap sa magulang ko at tumayo bago ko isinukbit ang dala-dala kong shoulder bag.
"Naalala ko po pala madami akong gagawin sa opisina.Pano ba yan mom dad,una na po ako sa inyo."saad ko at bibigyan sila ng matamis na ngiti.
"Teka lang anak,maaga pa pag usapan muna natin kung kelan ka ikakasal."sigaw ni dad habang naglalakad na ko palabas ng bahay.
"Anak,isuko mo yang bataan mo.Wag mong iburo!"napangiwi na lang ako sa sigaw ni mom at napailing.
Ng makasakay na ko ng sasakyan ay syaka lang ako napahinga ng maluwag.Jusme kay aga-aga usapang kasal ang pinag-uusapan namin.
Bakit hindi pa ko nasanay e halos araw araw naman nila sakin sinasabing magpakasal na ko.
Akala mo naman kay dali daling humanap ng mapapangasawa sa panahon ngayon.
Ano yon parang bibili lang ng gamit sa tindahan?
E halos mag ubaob na nga ako sa bar makahanap lang ng lalaking papakasalan pero wala naman akong makitang pasok sa taste ko.
Hindi ko naman kasalanan na NBSB ako hanggang ngayon.At mas lalong hindi ko kasalanan na malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad ko.
Pag talaga ako may nahanap ng pwedeng pakasalan,bibigyan ko agad ng apo sila mom,para hindi na ko ang lagi nilang nakikita.
Napailing na lang ako at napahawak sa tiyan ko ng tumunog yon.Hay,tatlong subo pa lang nagagawa ko e,pano ba ko mabubusog don?
Nakasimangot tuloy ako nagmaneho patungo sa kompanya.Sa condo ko na lang talaga ko uuwi mamaya.Bahala nang magalit sila mom sakin.
Publishing company
Pagdating ko sa kompanya ay lulugo lugo akong pumasok sa loob.Tanging tango lang ang nagagawa ko sa lahat ng bumabati sakin ng magandang umaga.
Huhu buti pa sila maganda ang umaga...
Agad kong natanaw ang kaibigan ko pag pasok ko sa loob ng office namin.Ang gaga mukhang bagong dilig at sobrang laki ng ngisi sa labi.
"Oh!nandyan na pala si tuyot,mag good morning kayo."malakas nitong sigaw sabay tawa ng malakas.Ang bruha!!
Nanliit ang mata ko at halos sabunutan ko na siya sa sobrang inis.
"Tumigil ka petchay baka ibalik kita sa palengke."asar kong saad dito at pabagsak na naupo sa swivel chair ko.
"Hoy hindi nga petchay sabi e! It's pechie okay?P-E-C-H-I-E.."saad nito at naupo sa tabi ko.
Humarap naman ako dito at tinaasan siya ng kilay."Pinaarte mo pa,pwede namang petchay na lang.Bagay pa sa mukha mo.Petchay di na fresh."malakas kong sigaw dahilan para magtawanan ang mga kasama namin.
Napangisi ako ng samaan ako ng tingin ni petchay I mean ni pechie pala..
Akala mo hah,lintik lang ang walang ganti.
Inirapan lang ako nito at hindi na nakaimik pa ng dumating ang head namin.
"Good morning ma'am."sabay sabay naming bati dito.Kilala ang head namin sa pinakamasungit dito sa kompanya,wala daw kasi iyong asawa.
So ibig sabihin kapag ako hindi nakapag-asawa magiging ganyan din ako kasungit?
No...never..
"Hari."napaigtad ako ng tawagin nito ang pangalan ko.Grabe naman boses pa lang katakot na pano pa kaya kapag tiningnan mo baka mahimatay kana.
BINABASA MO ANG
My Husband Is Mr.Gay?![Big Bird Series 1]
Short Story"Gusto mo bang maging asawa ko?"wala sa wisyo kong saad,Akala ko ay hindi nito seseryosohin ang sinabi ko dahil mas lalo pang kumunot ang noo nito,kaya nagulat ako ng sumagot ito. "Sure..Be my wife."walang preno nitong saad."I have a marriage contra...