Hari POV
Hindi ko maintindihan kung ano ba ang ginawa ko sa past life ko at kailangan kong danasin ang lahat ng to.
I mean naging mabait naman akong bata.Masipag naman ako,magalang at mapagkakatiwalaan din.
Kaya nagtataka ko kung paano ako nagawang ibigay ng mga isip bata kong magulang sa isang lalaking hindi ko naman lubos na kilala.At sila pa talaga ang naghanap ng mamanugangin nila.
Sabi nila maghanap daw ako ng papakasalang lalaki,tapos malalaman mo na sila na pala ang naghanap ng lalaki para sayo.
Oh diba san kapa...
Dapat sila naghanap sila na lang din magpakasal diba mas maganda yon?
"Ano iniisip mo?"nawala ang atensyon ko sa daan at napatingin sa katabi ko."iniisip ko kung pano ka papatayin pagdating sa bahay mo."aniko
Tumawa naman ang loko at mabilis na sumulyap sakin bago ibalik ang atensyon sa daan.
"Honey,you can't kill me.I have a lot of guards in the house.At kung gagawin mo man tatawag ako ng pulis para ipahuli ka."anito
Naningkit ang mata ko sa inis."Tingnan mo na ang sama mo talaga.Sino matinong lalaki ang magpapakulong sa asawa niya,wala ikAw lang."
"Well,sino ba namang matinong babae ang papatayin ang asawa niya,ikAw lang din diba?"bawi nito.
Natahimik naman ako don dahil may punto naman siya.Sino nga ba namang matinong babae ang nagbabalak patayin ang asawa niya diba?
Hay Nako Hari.Utak mo nahawa na yata sa magulang mo.
Hindi na lang ako kumibo at tumahimik na lang.Mahirap na at baka mainis ko pa ang lalaking to at sipain ako palabas ng kotse.
Ilang minuto din kaming tahimik hanggang sa narinig ko siyang nagsalita."Were here."
Napatigil ako at napatingin sa harapan ko.Tanging mataas na gate lang ang nakikita ko.
Pero nang buksan yon ng guard at tuluyan na kaming makapasok sa loob ay nalula ako sa sobrang laki ng bahay.
Mas malaki pa to sa bahay namin.Ang mga dingding ay glass wall na natatakpan ng malalaking kurtina.Hanggang third floor din ito at may rooftop sa taas.
Sa labas naman ng bahay ay agad mong matatanaw ang mga magagandang halaman na nakatanim.Halo halo yon at mukhang alagang alaga sa may gitna naman ay kitang-kita mo ang malaking fountain na hugis dolphin.Sa bandang dulo naman ay tanaw na tanaw mo ang isang malaking parking lot at nakahilera don ng iba't ibang uri ng sasakyan.
Damn...Bigla akong nanliit habang pinagmamasdan ang bahay ni Mr.Vitti.
Hindi naman sa pagmamalaki ay kahit papaano naman ay mayaman ang pamilya namin.May sarili din kaming kompanya,ngunit hindi ako don nagtrabaho.
Mas gusto ko kasing pinagpapaguran ko ang mga bagay na gusto ko.Mas masarap kasi sa feeling ang ganon.Kaya mas pinili kong magtrabaho sa ibang kompanya at hindi samin dahil gusto kong maranasan kung ano ba ang pakiramdam ng ganon.
Pero ngayon hindi ko alam kung anong sasabihin ko habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harapan ko.
Kung maganda na ito sa labas pano pa kaya sa loob diba?
Napabaling ang tingin ko kay Mr.vitti nang lumabas ito ng sasakyan.
Ngumusi naman ako at mabilis din lumabas at napangiti ng sumalubong skain ang sariwang hangin."Do you like it?"nawala ang ngiti ko ng marinig ako ang boses ni Mr.vitti.Seryoso itong nakatingin sakin at iniintay ang reaksyon ko.
"Tss,wag mo kong kausapin,hindi tayo close."mataray kong saad pero nagulat ako ng mabilis itong lumapit sakin.Halos hindi ako nakahinga ng maramdaman kong gahibla na lang ng sinulid ang pagitan ng aming mga labi.
"Close na ba tayo ngayon?Pwede mo na ba kong kausapin?"nakangising anito.
Napalunok naman ako ng maamoy ko ang mabangong hininga nito.Jusmee hininga pa lang panalo na,pano pa Kya kung katawan na labanan?
"M-move.."utal kong saad at mabilis na umatras upang makatakas sa kanya.Ngumisi naman ito ng makita ang reaksyon ko kaya sinamaan ko ng tingin.
"You're blushing honey..Did I make you blush?"anito
Nanlaki naman ang mata ko at nasapo ko ang dalawa king pisngi."H-hoy hindi ahh..W-wag kang assuming dyan,nakakamatay ang pagiging assuming."
Napahinto ako ng tumawa ito sa harapan ko."You're so adorable honey."anito.Ngumuso naman ako para itago ang pamumula ng pisngi ko."Tss,Tara na sa loob..Gusto kong makita yung bahay.."
"Sure..."saad nito at ngumisi sakin.Napasimangot naman ako at nauna nang naglakad,upang hindi nito madinig ang malakas na kalabog ng puso ko.
Damn..heart what happened to you?Bakit ang bilis ng tibok mo?
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay napaawang lang ang labi ko sa ganda.
Maaliwalas sa loob nito at maganda ang mga ayos ng mga furniture.May malaki ding chandelier na nakasabit sa itaas at hagdan papunta sa second floor ay gawa din sa salamin.Nawala lang ang atensyon ko sa loob ng bahay ng may madinig akong nagsalita.
"Welcome home ma'am."tumingin ako don at laglag ang panga ko ng makita ang nakahilerang mga maid don sa tapat nila ay mga lalaki namang nakaitim na sa tingin ko ay mga bodyguard.
Nag aalangan man ay yumuko ako at bumati din.Nakakahiya naman kung hindi ako babati pabalik diba?
"Pwede na kayong umalis,magpapahinga na kami."malamig na saad ni Mr.vitti sa mga taong nasa harapan namin.
Nang umalis sila at tumingin ako sa lalaking katabi ko at bahagyang siyang siniko.
"Bakit ginawa mo yon?Natakot yata sila dahil sa sinabi mo."sada ko sa kanya.
"I don't care..This is my house,so I have the right to tell whatever I'll want."anito habang malamig ang tingin sakin.
Wala na ang lagi nito nakangising mga labi.Napailing na lang ako dahil dito,mukhang moody itong napangasawa ko.
"This is you're room,and that white door is my room.Just knock if you want something."saad nito at basta na lang ako iniwan sa tapat ng kwarto ko.
Tingnan mo yung lalaking yon kanina kung makapag-asar sakin tapos ngayon naman ay basta basta na alang ako iiwan dito.
Ito ba ang sinasabi nila mom na mabait?
Tss,napailing na lang ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko.Napangiti na lang ako ng tipid ng makita ang kulay ng buong kwarto.
Pinaghalong violet at pink ang kulay non.Nakaayos din lahat ng gamit,sa may gilid ay may maliit na bookshelves.Sa may bandang unahan naman nakalagay ang mini sala.
Sa bandang dulo naman ay may maliit na table na may nakadikit na salamin sa dingding.Puno din yon ng mga make up at kung ano ano pang nilalagay sa mukha.
Sa gilid nito ay nakapwesto ang malaking cabinet.Sa tabi non ay isnag pinto nasa tingin ko ay cr.May maliit din akong study table dito sa loob ng kwarto,at isang malaking kama na sa tingin ko ay kasya ang tatlong katao.
Napangiti na lang ako at binagsak ang gamit ko sa lapag bago nahiga sa kama.Sinong mag-aakalang ganito ang mangyayari sakin?
Parang kelan lang naghahanap ako ng mapapangasawa sa bar tapos ngayon nandito na.
Pero hindi ko parin alam kung paano ang gagawin ko.Ito ang unang pagkakataon na titira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki.
Kaya kailangan ko ng matinding adjust para masanay.At bukod don mukhang kailangan ko din aralin ang ugali ng lalaking yon.
Hindi ko alam kung anong meron pero pakiramdam ko ay mali sa kanya.Napabuntong hininga ako ng maalala ko kung pano siya magsalita sa harap ng mga maids kanina.
Malamig yon at blangko ang kanyang mga mata.Hindi kagaya ng pag-uusap namin non sa opisina at sa kotse niya na makikita mo talaga ang emosyon niya.
Pero kanina iba..Sobrang lamig ng mga titig niya at napansin ko din ang pag-iwas niya sa mga maid at guard niya kanina.
At kung ano man ang dahilan niya ay kailangan ko yun alamin.Hindi lang dahil makakasama ko siya sa bahay na to,kundi dahil siya na ang asawa ko.
Naks..naman Hari asawa pa nga.Parang nung isang araw lang inaayawan mo tapos ngayon asawa na.Moody ka din teh?
BINABASA MO ANG
My Husband Is Mr.Gay?![Big Bird Series 1]
Kort verhaal"Gusto mo bang maging asawa ko?"wala sa wisyo kong saad,Akala ko ay hindi nito seseryosohin ang sinabi ko dahil mas lalo pang kumunot ang noo nito,kaya nagulat ako ng sumagot ito. "Sure..Be my wife."walang preno nitong saad."I have a marriage contra...