Hari POV
Tahimik lang ako habang kumakain ng pagkain.Nandito ako ngayon sa bahay nila mom,dito kasi ako umuwi kagabi dahil balak kong sabihin ang kagagahang ginawa ko.
Hindi naman pwedeng itago ko yon sa kanila.Hindi ko kasi ugaling magtago ng sekreto sa kanila lalo na kung patungkol yon sakin.
At mukhang napansin naman ng mga magulang ko ang pananahimik ko kaya hindi na nila ko tinatanong o kinukulit.
Habang kumakain kami ay napansin ko ang mga katulong namin na pumanik sa second floor ng bahay namin.
Maya maya pa ay nakita ko ulit ang mga itong bumababa at may mga hawak nang maleta.
Teka..
Bakit parang pamilyar yung mga maletang dala-dala nila?
Bakit kamukha ng maleta ko yung hawak-hawak nila at dinadala nila sa labas?
Gusto ko man silang pumahin ngunit hindi ko magawa dahil may kailangan pa kong sabihin kila mom.
Kaya sa halip na pansinin ang pinaggagawa nila ay tinuloy ko na lang ang pagkain ko.
Nang mayari kaming kumain ay ramdam ko ang tingin sakin ng magulang ko.Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kanila.
"Mom,Dad I have something to tell you."seryoso kong saad.Pero sa kaloob looban ko ay parang gusto ko na lang tumakas sa mga mapanuring mata ng magulang ko.
Huhu..Lord help me...
"Ano yon anak?Kanina ka pa tahimik may nangyari ba sa trabaho?"tanong sakin ni mom,ramdam ko ang pag-aalala sa boses nito.
Ngumuso naman ako at napailing.Huhu..pano ko ba sasabihin sa kanila?
"Natanggal kaba sa trabaho anak?"saad naman ni dad.Napanguso ulit ako at umiling sa kanila."Hindi po."
"Eh ano ang problema kung hindi ang trabaho?"Ani mom.
"May Asawa na po ako."mabilis kong sabi at mariin kong pinikit ang mga mata ko at inaantay ang mga sasabihin nila sakin.
Ngunit dumaan ang isang minuto at wala akong narinig sa kanilang dalawa.Nagtatakang dinilat ko ang mga mata at tiningnan silang parehas.
Kumunot ang noo ko ng makitang nagpipigil sila ng tawa habang nakatingin sakin.
Wait--
What?Akala ba nila nagbibiro ako?
"Mom,dad totoo po ang sinasabi ko.May asawa na po talaga ko,tingnan niyo po may singsing na po ako."saad ko dito at pinakita ang necklace ko kung nasan ang singsing na ginawa kong pendant.
Pero nalaglag lang ang panga ko ng mas lalo lang sila natawang dalawa na parang mga baliw.
Teka..akala ba talaga nila nag jojoke lang ako?Mukha ba kong clown para gumawa ng joke?
"Mom I'm serious-"nabitin sa ere ang sasabihin ko nang may magsalita sa likod ko.
"Yeah,she's not joking."mabilis akong tumingin sa likod ko.Pero natulala lang ng makita kung sino yon.
Anong ginawa ng lalaking to dito?Pano niya nalaman ang bahay ko?Syaka bakit siya pinapasok ng guard e hindi naman siya kilala nila mom.
"Oh,nandito kana pala iho.Kanina ka pa namin iniintay."Saad ni dad sabay tayo at akbay kay Mr.Vitti.
"Pasensya na po at na late ako.Pinaayos ko pa po kasi yung bahay."Ani ni Mr.Vitti."Naku napakasweet mo namang bata."Saad naman ni mom.
Teka..bakit pakiramdam ko umiikot ang mundo ko.
BINABASA MO ANG
My Husband Is Mr.Gay?![Big Bird Series 1]
Kurzgeschichten"Gusto mo bang maging asawa ko?"wala sa wisyo kong saad,Akala ko ay hindi nito seseryosohin ang sinabi ko dahil mas lalo pang kumunot ang noo nito,kaya nagulat ako ng sumagot ito. "Sure..Be my wife."walang preno nitong saad."I have a marriage contra...