Hari POV
Tahimik lang ako habang nakaupo sa sofa sa harap ko ay si Mr.ceo na seryosong nakatingin sakin.Tanging maliit na lamesa lang ang nasa pagitan namin.
Napalunok ako at iniiwasang mapatingin sa harap ko.Kahit na nga ramdam ko ang tingin nito sakin.
Ano ba naman itong pinasok mong gulo Hari?Pano mo to lulusutan? Tapos ang masama pa don boss po pa ang ginawa mong asawa.
"Hindi ko alam na tahimik pala ang napangasawa ko."saad nito at tumitig sakin.
Napaiwas naman ako ng tingin at napatikhim,pilit na kinakalma ang sarili."Tahimik lang po talaga ko sir."
"Hmm,I don't think so."saad nito at ngumisi sakin."Ibang Hari yata ang nakita ko sa bar non."
Hindi na lang ako kumibo at yumuko na lang,sa takot na makasalubong ko ang abohing mga mata nito.
"So,tatahimik ka na lang ba honey?"napalingon ako dito ng marinig yon,nakita ko ang naglalarong ngisi sa mga labi nito.
"What are you doing?Baka may makarinig sayo sa labas."saad ko at napalingon sa labas ng opisina nito.
Mahirap na ayokong maging topic ng mga tao dito.
"Ano naman kung may makarinig?I'm just saying the truth."balewalang saad nito.
"Are you serious?Gusto mo bang mapag-usapan ng mga empleyado mo?"aniko
"Ano naman kung ganun?"anito at ngumisi sakin,naningkit naman ang mata ko sa inis dahil don.
Kitang kita kasi sa mata nito na nang-aasar na lang.At mukhang nag-eenjoy ang walanghiya bwesitin ako.
Gosh!Kalma lang Hari..tandaan mo bawal kang magka wrinkles dahil sa stress.
"Mr.Ceo kung wala na po kayong sasabihin sakin,aalis na po ako.Madami pa po kasi akong trabaho na kailangan yariin."seryoso kong sabi.
Aba!dapat hindi tayo nag-papastress kakasabi ko lang kanina na kung sakaling magkikita kaming dalawa magpapanggap akong wala maalala.
Pero dahil hindi umobra ang naisip ko,edi mas mabuti pang mag go with the flow ka na lang.
Akmang lalabas na sana ko sa opisina niya ng marinig ko tong magsalita."Leave my office and I will tell to everyone that you're my wife."
Napahinto ako ng marinig yon at masama siyang tiningnan."Don't you dare!"inis kong saad pero ang loko ng ngumisi lang sakin.
"Try me honey."anito at itinaas pa ang dalawang braso sa sandalan ng sofa."I can do anything,since I'm the boss here."
Napakuyom ako ng kamao at naaasar na bumalik sa pag-kakaupo ko sa
sofa.Ano bang pumasok sa isipan ko at eto ang pinili kong mapapangasawa?"What do you want?"saad ko dito, nanggigigil na at konti na lang ay baka mapingot ko na ang tenga nito.
"Anong gusto ko?Tumira kana sa bahay ko,tutal asawa naman kita diba?"saad nito at ngumisi ito sakin.
Laglag naman ang panga kong napatingin dito.Mukhang may maluwag yatang torniryo sa utak nito.
Ako titira kasama siya?Sa isang bubong?
Ha.ha.ha. anong kalokohan ang nangyayari sa buhay mo Hari Adela?!
"Bat naman ako titira sa bahay mo?Una hindi naman kita kilala,pangalawa hindi tayo close,pangatlo kasal lang tayo sa papel."aniko dito.
Nawala naman ang ngisi sa labi nito at napalitan ng seryosong mukha.Pagkayari ay pinagkatitigan ako dahilan para manuyo ang lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
My Husband Is Mr.Gay?![Big Bird Series 1]
Cerita Pendek"Gusto mo bang maging asawa ko?"wala sa wisyo kong saad,Akala ko ay hindi nito seseryosohin ang sinabi ko dahil mas lalo pang kumunot ang noo nito,kaya nagulat ako ng sumagot ito. "Sure..Be my wife."walang preno nitong saad."I have a marriage contra...