Hari POV
"Gusto ko niyan."Ani mr.vitti habang nakanguso sa Shanghai na nasa plato ko.
"No,sa akin to.Kainin mo yang sayo."saad ko dito habang nakaturo sa gulay na inorder ko sa kanya.
"I don't want this,I'll what yours."anito at nakanguso sakin.Parang batang nagpapaawa.
"Naubos mo na yung sayo,kainin mo na lang yang gulay."saad ko dito parehas kasi ang inorder kong pagkain,ang kasi naubos na niya ang shanghai niya at natira na lang ay ang gulay na inorder ko.
Ang lokong to kay laking tao ayaw kumain ng gulay.
"Ayoko nga nito,kadiri kaya Hari.Syaka sino bang may gusto ng kulay green na to?napakapait daig mo pa ang kumain ng apdo."reklamo nito habang masama ang tingin sa amplaya na nasa plato niya.
"Masustansya yan kaya kainin mo.At talagang mapait yan,juskoo kahit bata alam na mapait yan kasi ampalaya yan."aniko.
Mas sumambakol ang pagmumukha nito at nilayo sa kanya ang plato na puno ng gulay.
"Di na ko kakain."parang batang saad nito at nakasimangot akong hinarap."I won't eat that.Hindi masarap."
Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa plato nito.Halos wala pang bawas ang kanin nito,tapos ayaw na niyang kumain?
Kaya nga inorder ko ay gulay para kahit papaano may masustansya siyang makain.Tapos hindi naman niya kakainin.
Hay..Nakakastress ang lalaking to.Akala ko pa naman sobrang seryoso nito sa buhay,pero ngayon hindi ko na alam kung kasing edad ko ba talaga ito.
"Fine..bibigay ko sayo yung shanghai."aniko nakita ko kung paano lumiwanag ang mukha nito dahil don."Pero sa isang kondisyon."
Gusto kong matawa ng bumalik ang pagsimangot nito sa mukha ng dugtungan ko ang sinabi ko.
"What condition?"anito.
Ngumisi ako at nilapit ang plato niya sa kanya."Kakainin mo yang ampalaya,bago ko ibigay ang shanghai na gusto mo."
Kala ko hindi ito papayag kaya nagulat ako ng tumango ito."Fine..Kakainin ko yan basta ba susubuan mo ko e."anito at ngumisi sakin.
Abah!ang hinayupak!
"Sa pag kakaalam ko kumpeto ang braso at daliri mo,hindi ka pilay kaya bakit kita susubuan?"taas kilay kong saad.
"Why?Sino bang gustong magpakain sakin ng mapait na pagkain na yan diba ikaw?"anito.
Grrr..ang lalaking to!pasalamat siya at asawa ko siya,kung hindi kanina pa siya nasa hospital.
"Fine,upo dito!"inis kong saad at tinapik ko ang upuan sa tabi ko.Ngiting ngiti naman ang loko na mabilis na naupo sa tabi ko.
Nahigit ko ang hininga ko ng umupi ito sa tabi ko.Sa luwag ng sofang inuupuan namin ay halos siksikin na niya ko.
Dahilan para maamoy ko ang pabango nito.Napakagat ako ng labi ng maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Damn..kapit ka lang heart wag kang bibitaw..
Tumikhim ako at pilit na inayos ang sarili."L-layo ka nga ng konti."napapikit ako ng hindi ko maiwasang mautal sa harap niya.
"Uh-huh..why are you blushing honey?"nakangising saad nang loko.Sumimangot ako at pilit na inayos ang mukha ko.
"Namumula ako sa galit.At konti na lang mawawalan na ng CEO ang kompanyang to,kaya kung ayaw mong mangyari yon umusog ka at ng matapos na tong kalokohan mo."aniko.
Pinagpapasalamat ko na lang talaga na hindi ako nautal habang nagsasalita,dahil kung hindi ay bwebwesitin lang ako ng lokong to.
Nang tumingin ako sa kanya ay nakita kong nakangiti ito habang pinagmamasdan ako.
BINABASA MO ANG
My Husband Is Mr.Gay?![Big Bird Series 1]
Historia Corta"Gusto mo bang maging asawa ko?"wala sa wisyo kong saad,Akala ko ay hindi nito seseryosohin ang sinabi ko dahil mas lalo pang kumunot ang noo nito,kaya nagulat ako ng sumagot ito. "Sure..Be my wife."walang preno nitong saad."I have a marriage contra...