Hari POV
"Baliw ka!bakit hindi mo sinagot. Sinayang mo ang fafa mo inday!"gigil na saad sakin ni pechie.
Nginusuan ko naman ito."Kasalanan ko ba nagulat ako e."Syaka kasalanan niya yon umalis siya agad e."
Napa-irap naman ito."Malamang aalis yon malay ba niya kung gusto mo din siya.Nakakahiya kayang umamin noh kailangan mo ng tapang at matindig lakas ng loob."
Napapout na lang ako.Nandito kami ngayon sa cafeteria at saktong break time naming parehas.Wala din naman si gay sa opisina dahil nagkaroon to ng lunch meeting sa isang restaurant.At hindi na ko nito sinama dahil mabilis lang naman daw matatapos ang meeting nito.
Kaya ang tanging kasama ko lang ngayong break time ay si pechie.At dahil ngayon lang pumasok ang bruha ay ngayon ko lang nasabi dito ang nangyari sa pagitan namin ni gay.
Syempre hindi ko sinabi dito ang nangyari kissing scene namin ni gay sa kwarto.Baka sabunutan pa ko ng lokang yon.Gusto na nga ako nitong sabunutan kanina dahil daw hindi ko sinagot ang pagtatapat ni gay sakin.Pinakawalan ko pa daw ang biyaya na kasing gwapo ni gay.
Kung makapag react ang bruha akala mo binasted ko si gay."Anong gagawin ko?"tumingin ito sakin at inirapan ako."Gaga tinatanong pa ba yan?Abay lumapit ka sa fafa mo tapos sabihin mo'Hi fafa I'm inlove with you,pwede pa isa?"
"PECHIE!"sigaw ko at sinabunutan ang bruha.Tuwang tuwa naman ang loka sa kalokohan niya.Samantalang ako ay namumula na sa kahihiyan dahil sa pinagsasabi niya.
"Bruha ka ang bibig mo wala talagang awa.Seriously?!sinong matinong magsasabi ng ganon."aniko
"Well,Malay mo naman magustuhan ng fafa mo diba.O edi after nine months..hello baby."anito at nginisihan ako.
Napailing na lang ako.Wala na talagang pag-asa ang babaeng to.Hindi na lang ako sumagot ng may maalala akong itanong dito.
"Bat di ka pumasok nung nakaraan?" Nawala ang ngiti sa labi nito sumeryoso ang mukha nito na kinataka ko."I don't want to talk about it."malamig nitong saad.
"Why? Something happened?"Hindi ko maiwasang mag-alala para dito.Hindi kasi ko sanay na ganito si pechie.Masayahin kasi siyang tao kahit na nga wala na itong pamilya.
Bata pa lang daw kasi siya ay pinaampon na siya ng magulang niya sa bahay ampunan.Dun ito lumaki at nagkaisip.Hindi nga nito nakilala man lang ang mga magulang niya,pero kahit ganon ay lumaki siyang masayahin.Kaya nakakapanibagong makita siyang ganito,walang emosyon na para bang tinatago ang nararamdaman nito.
"It's just about me and Troy.You know I hate liars right?"anito at tumingin skin.Tumango naman ako dito."Nagsinungaling ba sayo si troy?"
"Akala ko kilala ko na talaga siya.But I'll think I'm wrong."saad nito kita ko ang sakit sa mata nito.
"Gusto mo bang kausapin ko si troy?"aniko.
Tumingin ito sakin at tipid akong nginitian."Ayos lang beshy.Syaka malalagpasan din namin to."saad nito at ngumiti muli sakin pero alam kong pilit yon.
Napabuntong hininga na lang ako at hindi na siya pinilit pang sabihin ang nangyari.Sa halip ay niyakap ko na lang ito at tinapik ang likod nito.
"I'm just here..you know that right?"saad ko.Yumakap ito sakin at naramdaman ko ng pagtango nito sa balikat ko."I know...don't worry about me.Ang isipin mo ay kung paano ka aamin sa fafa mo."
Natawa na lang ko ng mahina at humiwalay dito."Ako nang bahala don.May tamang panahon para don."
"Ayy ano ka bagets pa?Baka nakakalimutan mo malapit nang mawala sa kalendaryo yang edad mo."saad nito.
"Ayy ako lang ba?Ako lang ng tumatanda ahh?Hiyang hiya naman ako sayo."sarkastikong saad ko.
Akala mo naman kasi kay bata bata niya e samantalang matanda lang naman ako sa kanya ng isang taon.
"Ang akin lang naman asawa mo naman na yon."saad nito.Napapout na lang ako dahil naiintindihan ko naman ang punto nito.
Pero para namang kasi napakadaling gumawa ng bata.
"Hay bahala na.Keri ko na to,ako pa ba.Si Hari Adela yata to!"saad ko dito at napangiti ako ng tumawa ito sa tabi ko.
"Yan ang fighting spirit beshy.Tatagan mo hah,dahil pag nakita mo na si gay sigurado akong tanggal yang fighting spirit mo."anito.
Hindi ko alam na may lahi pa lang manghuhula si pechie.Dahil ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay gay ang tungkol sa nangyari kahapon.
Gusto ko na ding umamin dito dahil nahihirapan na rin akong magtago sa nararamdaman ko.At tama si pechie na hindi na kaming bumabatang dalawa.Maigsi lang din ang buhay kaya kailangan ay gawin na natin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa atin.
Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay gay.
"Hari."narinig kong tawag nito kaya wala sa sariling humarap ako dito."Huh?"
"Are you okay?Why are you blushing?Are you sick?"nakita ko ang pag-aalala sa mata niya na kinangiti ko ng tipid.
"Nah...Ayos lang ako may iniisip lang."saad ko pero mukhang hindi ito naniniwala dahil tumayo ito s kinauupuan nito at lumapit sakin.
Napaigtad pa ko ng hipuin nito ang leeg at noo ko para siguro icheck kung maiinit ako.
"Wala ka namang lagnat,pero bakit ka namumula?"saad nito.Nakakunot ang noo nito at nagtatakang nakatingin sakin.
Kasalanan mo yan...
"I'm not sick.Im fine."saad ko para mabawasan ang pag-aalala nitong nararamdaman para sakin.
Ngumuso naman ito pero tumango din kinalaunan at nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko.
"Are you busy?"tanong nito ang mata ay nangungusap habang nakatingin sakin.Nagtataka man ay sumagot parin ako."Hindi..Bakit?May papagawa ka ba?"
"No..I'm just..ahm..."napataas ang kilay ko ng hindi ito makasagot sakin."Ano ba yon?Bat namumula yang tenga mo?"
Natawa ako ng mahina ng mas lalong mamula ang tenga nito at mas lalong hindi makatingin sakin.
"Gay?"tawag ko dito ng kabod na lang itong sumiksik sa leeg ko.Ramdam ko ng hininga nito na tumatama sa aking leeg."Don't laugh at me."
Napangiti na lang ako at hinamplos ang buhok nito."Bakit ba kasi?Ano ba kasi ang sasabihin mo at namumula yang tenga mo?"
Napabuntong hininga ito at lumayo sakin.Nang magtama ng tingin namin ay seryoso ako nitong tiningnan.
"Let's date honey."saad nito.
Gulat naman akong tumingin dito."Date?as in date?"aniko at natawa ito ng makitang gulat na gulat ako."Yes baby.."
Napangiti naman ako at hindi mapigilang yakapin siya."Gusto ko yan date tayo,tapos mamunood tayo ng sine.Tapos punta tayo sa park o kaya dinner date."saad ko at humiwalay dito.
Nagtaka ko ng makitang nakangiti lang ito habang nakatingin sakin."Bakit nakatingin ka?"aniko."Nothing I'm just nervous earlier.I thought your going to say no."
Napakunot ang noo ko dahil don.Bakit naman ako mag n-no e yun nga ang isang gusto kong gawin oras na magkaroon ako ng kasintahan e.
Masyado nga yata akong lucky dahil hindi lang kasintahan ang meron ako kundi asawa pa diba.So bakit pa ko tatanggi?
"Tss,bakit naman ako tatanggi?First time kong makipag date tapos tatanggi pa ko?"aniko.
Napangiti naman ito at hinawakan ang kamay ko."Let's date later after work.It is okay with you?"saad nito habang hawak hawak parin ng kamay ko.
"Oo naman.Gusto ko dinner date."request ko pa kaya natawa ito at kitang kita ko ang saya sa mga mata nito."Dinner date then."
BINABASA MO ANG
My Husband Is Mr.Gay?![Big Bird Series 1]
Short Story"Gusto mo bang maging asawa ko?"wala sa wisyo kong saad,Akala ko ay hindi nito seseryosohin ang sinabi ko dahil mas lalo pang kumunot ang noo nito,kaya nagulat ako ng sumagot ito. "Sure..Be my wife."walang preno nitong saad."I have a marriage contra...