A/N:Hi babies sorry kung medyo late update si author medyo busy lang po sa school.At sa mga nagtatanong po kung kelan ako mag u-update sa story ni shasha at bitter,Hindi po ako sure kung kelan.Nagfofocus po kasi ako sa dalawang story na sinusulat ko sana po ay maintindihan niyo.Thank you!
Hari POV
"Omggg..baka gusto ka na ng asawa mo beshyy!!"tili ni pechie matapos kong ikwento dito ang nangyari kahapon sa pagitan ni mr.vitti at mr.david.
Napanguso naman ako ng maramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko.
"Sus,isip mo pechie.."saad ko na lang at umiwas ng tingin dito.Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil break namin ngayon.
At kung tatanungin niyo kung nasan si Mr.vitti.Well,may meeting to ngayon at hindi ako sinama.nagpupumilit pa nga akong sumama dito kanina ngunit ayaw niya dahil puro lalaki daw ang kameeting niya.
"Naku beshy tama mga hinala ko sa ganyan.Alam mo yung mga ganyang galawan,lagi kong napanood sa tv."saad ni pechie kaya napaharap ako dito.
"Hindi mo sure.At syaka malay mo nainis lang siya kaya niya ginawa yon"aniko.
Sumimangot ito at bigla akong binatukan."Aray pechie,!bat ka nang babatok?"aniko.
Tinaasan naman ako ng kilay nito."Para magising ka sa imahinasyon mo.Bruhang to sa tingin mo ba gagawin yon ng asawa mo dahil naiinis lang?Hindi ko alam kung manhid ka o ayaw mo lang aminin sa sarili mo na may point ako."
Napabuntong hininga na lang ako ramdam ko parin ang mabilis na tibok ng puso ko.
Pwede kaya?Pwede kayang magustuhan din ako ni Mr.vitti?
Pero sobrang imposible kasi dahil ng umuwi kami sa bahay kahapon ay hindi na ko nito kinausap.
Tinatanong ko kung anong problema pero nagkulong lang ito sa kwarto at hindi na lumabas pa.
Tapos ngayong umaga naman ay hindi ako nito inantay na pumasok sa opisina.Hindi katulad dati na sabay kaming papasok kahit na nga mag kaiba kami ng sasakyang ginagamit.
Tas nung nandito na kami sa opisina ay halos hindi na ko nito pinapansin.Hindi din ako inuutusan nito katulad ng dati niyang ginagawa.
Bukod don hindi na ko nito pinasama sa mga meeting niya.Ayaw ako nitong pansinin kahit na nga ilang beses ko tong kinakausap.
"Hindi siguro pechie.Hindi nga ako nito pinansin sa bahay namin nung umuwi kaming dalawa--"
Napahinto ako ng matanto ko kung ano ang nasabi ko.Napalunok ako at natatakot na humarap kay pechie.
Matalim ang mga mata nitong nakatingin sakin habang salubong ang mga kilay.
Shit..I'm dead..
Nakalimutan kong di nga pala alam ni pechie na sa bahay na ko ni Mr.vitti nakatira.
"Bahay?Niyo?Nakatira na kayo sa isang bubong huh?"saad nito at ngumiti.
Yung ngiting nakakatakot at madalas ko lang makita sa mga horror movie.
"M-magpapaliwanag ako."saad ko at unti-unting umatras palayo dito."Papaliwanag?Bakit?May ginawa kang kasalanan?"anito at ngumisi sakin.
"Hehe..Ano kasi beshy..Ano ahmm.. Nakalimutan kong sabihin sayo..You know..Medyo busy ako hehe.."saad ko.
Nanginig ang tuhod ko ng magdilim ang mukha nito.Dahan-dahan akong tumayo at lumayo dito,pero lumapit ito sakin habang masama ang tingin sakin.
1...2...3...4...5...Takbo!!
"Bruha ka!!Wag kang papahuli sakin,kung hindi manghihiram ka ng mukha sa aso."malakas nitong sigaw.
Naramdaman ko ang pagtingin sa amin ng mga empleyado ngunit hindi ko na to binigyan pa ng pansin.
BINABASA MO ANG
My Husband Is Mr.Gay?![Big Bird Series 1]
Short Story"Gusto mo bang maging asawa ko?"wala sa wisyo kong saad,Akala ko ay hindi nito seseryosohin ang sinabi ko dahil mas lalo pang kumunot ang noo nito,kaya nagulat ako ng sumagot ito. "Sure..Be my wife."walang preno nitong saad."I have a marriage contra...