Chapter 6

3.6K 112 3
                                    

Hari POV

Ala singko pa lang dilat na dilat na ang mata ko.Tumayo ako at nagtungo sa salamin at muntik ng mapatalon sa gulat ng makakita ng multo.

Este mukha ko pala mukhang multo.

Damn..Hari nasan na ang fresh mong mukha?bakit sabog na sabog ang itsura mo ngayon?

Napakamot na lang ako sa ulo at nagtungo sa banyo upang makapaghilamos at sepilyo na rin.

Pagkayaring gawin ang morning routine ay nagtungo ako sa baba unang pumunta sa kusina.

Dahil buhay may Asawa na ko ngayon ay kailangan ko nang magluto sa umaga.Hindi naman kasi porket may katulong kami ay kailangan sa kanila na lang kami palaging umasa.

Katulad ng sabi ni mom.Ang mga katulong ay kaya natin kinukuha upang tulungan tayo sa mga gawaing bahay hindi para alilain.

Kadalasan kasi sa panahon ngayon ay kumukuha lng tayo ng katulong para alilain minsan naman ay para abusuhin.Kaya kung minsan ay nakakalungkot kapag may madidinig kang ganong mga balita,na nagpapakahirap silang maghanap buhay tapos ituturing lang sila ng ganon.

Pagbaba ko sa kusina ay agad kong nakita ang mga katulong namin na abalang abala sa pagluluto,Akala mo ay may handaan sa sobrang dami nilang ginagawa.

May bisita?O talagang ganito lang sila tuwing umaga?

Nagtataka man ay lumapit ako dun sa isang babae na sa tingin ko ay ang mayordoma dito,nakita ko itong abala sa gilid habang nag-aayos ng mga ulam.

Nahihiya man ay nagtanong ako dito."Excuse me."saad ko.Mabilis naman itong tumingin sakin at nakita ko ang gulat sa mukha nito."Ma'am Hari!."anito dahilan para mapatingin samin ang iba pang mga katulong.

Nang makita nila ko ay sunod sunod silang nagsiyuko at bumati sakin ng magandang umaga.

Napakagat naman ako ng labi dahil sa hiya.Lalo na ng hindi nila tinaas ang kanilang ulo at nanatiling nakayuko sakin,Dinaig ko pa yata ang mga royalty dahil dito.

Jusmeoo..

"Ma'am gusto niyo na po bang kumain?Naghanda na po kami ng pagkain niyo,maupo na po kayo sa lamesa."Saad ng mayordoma.

"Naghanda po kayo ng umagahan ko?"gulat kong saad,kahit naman sanay akong may naghahanda ng pagkain ko ay iba parin kapag sila.

I mean kahapon lang ako lumipat dito syempre hindi pa ko sanay na may iba ng naghahanda ng pagkain para sakin.

At isa pa ako dapat ang magluluto ng pagkain,Akala ko ay maaga na kong nagising,Yun pala ay mas maaga pa silang magising kumpara sakin.

"Opo ma'am naghanda na kami.Sabi kasi samin ni sir kumain muna kayo bago pumasok sa opisina."saad nito.

Kumunot naman ang noo ko."Pumasok na siya sa opisina?"tanong ko."Opo ma'am,maaga pong umalis si sir kanina para pumasok."saad nito.

Napasimangot naman ako dahil don.Hindi man lang akong hinintay magising bago umalis.

"Kumain na po ba siya ang umagahan?"aniko."Hindi pa po ma'am,nagmamadali po kasi siyang umalis kanina."anito.

Napabuntong hininga na lang ako at napailing."Ganun po ba?Pwede po bang magbaon na lang po ako ng pagkain tas sa opisina ko na lang po kakain?"saad ko.

Tumango naman ito."Sige po ma'am kayo po ang bahala."anito.Ngumiti naman ako at napatingin sa ibang mga katulong na hanggang ngayon ay mga nakayuko.

Napapout na lang ako at hinarap sila."Hindi niyo na po kailangang gawin yan,Simpleng good morning lang po ay ayos na sakin hindi niyo na kailangan yumuko ng ganyan."saad ko dahilan para matigilan sila.

My Husband Is Mr.Gay?![Big Bird Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon