CHAPTER 1

3 0 0
                                        

"Ayos ka lang, deng?"

Nabalik ako mula sa malalim na pag-iisip ng magsalita si Mang Elvie, ang piloto ng bangkang sinasakyan ko. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa isla.

"Amo po." Sagot ko naman gamit ang lengguwahe nila.

Ngumiti ako ng tipid ng tumango lamang siya at hindi na nagtanong pa. Ibinaling ko na lang muli ang tingin ko sa malawak na karagatan na ngayon ay unti-unting kumikipot ang daan dahil sa papasukan naming kabakawan.

Nagmukha itong ilog dahil sa mga sanga-sangang daanan. Hindi ko alam kung ano ang dulo ng mga ito dahil hindi ko pa naman nalilibot ang lugar. Pero sana ay magkaroon ako ng pagkakataon na makarating sa mga iyon.

Tahimik kong pinagmamasdan ang galaw ng tubig na pinaghalong kulay asul at berde, nakakahilo pero hindi ko maiwasang mamangha sa loob-looban dahil sa maliliit na isda na nahahati sa dalawang grupo matapos madaanan ng bangka at muli ring mag-iisa.

Bagaman malinaw ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot dahil naiimagine kong may buwaya o pating sa ilalim nito. Ganoon kasi sa mga napapanood ko sa movie lalo na iyong sa anacondas.

"Harayo pa po?" Usisa ko kay Mang Elvie.

"Harani na deng, mga pirang minuto na sana." Sabi niya.

Hindi ko na kasi kabisado ang lugar na pupuntahan namin. Ilang taon na kasi ang nakalipas simula ng umalis ako. May nakasalubong pa kaming mas malaking bangka. Marami ang nakasakay roon at pawang magkakapamilya na mukhang nag-outing.

Dahil sa mas malakas ang hampas ng alon na nanggagaling sa kanilang sasakyan ay kinailangan naming gumilid at medyo dumikit sa bakawan para di mapasukan ng tubig ang bangka. Kinabahan pa ko ng halos lumapat na ang tubig sa kahoy. Panigurado, kaunting push lang noon ay pwede kaming tumaob.

"Thank you, Lord." Mahinang sambit ko. Muntikan na iyon.

"Gayon mo, Miss!"

Napakunot ang noo ko ng marinig ang sigaw noong isang lalaki sa kabilang bangka. Nakalampas na kami pero dahil sa lumingon ako ay nakita kong kumaway pa ito.

"Garu kursunada ka ni Openg." Sabi ni Mang Elvie saka tumawa. Umiling-iling pa ito. "Bihira kaya makahiling nin dayo pero maboot ito deng." Dagdag niya.

Ilang akong ngumiti dahil sa mga sinasabi ni manong. Para niya na rin kasing nireto iyong lalaki dahil sa papuring binigay rito.

Natawa ako ng maisip na iba nga pala sa probinsya pagdating sa oras. Napatunayan ko kasing ang malapit na at minuto na lang ay aabutin pa ng isang oras. Dalawang liko pa kasi ang ginawa namin bago bumungad muli ang papalawak na parte ng dagat. Sa dulo noon ay tanaw ko ang isang malaking bahay.

Habang papalapit kami ay naninikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Para akong tinutusok at nabibiyak sa hapdi. Napansin ko ang titig sa akin ni Mang Elvie pero ng makita niyang tiningnan ko siya ay agad siyang umiwas. Ano yun?!

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng dumaong ang bangka sa pangpang. Wala pa kami sa mismong baybayin pero nasa mababaw na parte na.

Hawak ni Mang Elvie ang dalawang bag na dala ko. Inalalayan niya pa kong bumaba bago iginiya palapit sa babaeng naghihintay sa amin.

"Aling Nati!" Pagbati ko sabay mano.

"Kaherakan ka kan Diyos! Kumusta byahe mo?" Sabi niya pa saka hinimas ang buhok ko. Medyo nagtaka ako dahil tumubig ang mata ni Aling Nati pero nawala din agad ng sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Nagagalak na makitang muli ako. "Daragahon ka na. May nobyo?" Pang-usisa niya pa.

Hilaw akong napangiti dahil sa tanong niya. Hindi ako nakasagot at iniba ang topic. "Kumusta man po kamo?" Pagbabalita ko.

"Marhay man kami uya."

SynesthesiaWhere stories live. Discover now