Palabas na ko ng gate ng tumawag si Ryden. Maaga pa naman kaya hindi ako nagmamadaling makarating sa school."O, baket?" Masungit kong tanong.
Nilagay ko sa pagitan ng tenga at balikat ang cellphone dahil inaayos ko ang mga documents na nasa folder. Hawak ko pa ang dalawang libro na isasauli ko dahil tapos ko ng gamitin.
[I'm outside.]
Sabi niya. Nagsalubong agad ang kilay ko. Tapos? Tinatanong ko ba?
"Pake ko?" Pilosopo kong sagot.
Narinig ko pang nagmura siya sa kabilang linya at mukhang may sinabi na naman siyang panlalait sakin. Di ko lang naintindihan. Tsk!
[Hurry up! Kanina pa ko naghihintay dito sa labas ng bahay niyo.]
"Ano? Bahay nino?"
Ang gulo niya namang kausap! Tumingin pa ako sa labas para tingnan siya dahil iyon ang pagkakaintindi ko. Nasa labas daw e.
[Slow! Sugar daddy mo.]
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang sinabi niya. Napanganga pa ko sa gulat. S-sugar daddy?
"Wala naman akong---"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng maalala ang tinutukoy niyang sugar daddy. Yung sa white house!!!
"Anong ginagawa mo diyan?" Taranta kong tanong. Baka kasi may ginawa siya sa bahay na yun. Ang sungit pa naman ng may-ari noon.
Hindi agad siya nagsalita kaya tinawag ko pa.
[W-what do you mean?]
"'Di ko yan bahay uy!" Sabi ko. Agad akong lumabas ng gate at sinara ito. Dalawang street mula rito ang white house.
[WHAT?] Ang O.A. naman!
Napairap ako dahil mukha na siyang naghihisterya.
[You lied to me?] Dagdag niya pa. Obvious naman, nagtanong pa!
"Umalis ka na." Sabi ko.
Nasa dulo na ko ng street at kita ko na siya mula rito. Wala naman akong balak na magpakita sa kanya kaya nanatili ako dito habang kausap siya.
"May aso diyan!" Pananakot ko pa.
[I know and it is your fault if something happen to me.] Sabi niya.
Wag lang siya magkamaling tumakbo kung hindi lagot talaga siya sa aso. Rinig ko na kasi ang tahol ng aso.
"Ba't ka kasi nagpunta diyan?" Sumbat ko. Sakin pa isisisi kung may mangyari sa kanya. E hindi ko naman sinabing pumunta siya diyan.
[To fetch you, obviously!]
"Yun lang. School na me, e. Sorna! Bye!" Sabi ko at hindi na hinintay ang magiging reaksyon niya dahil pinatay ko na ang tawag.
Sa kabilang street ako dumaan para mag-abang ng tricycle. Hindi ito madadaanan ni Ryden kaya panatag akong hindi kami magkikita at hindi niya malalamang nagsinungaling ako.
Ayoko lang talaga siyang kasama, sa tuwing nandiyan siya ay walang katahimikan ang araw ko.
Dalawang magkasunod na prof. ed ang subject namin ngayon kaya more on words at hindi digits ang pinag-aaralan namin.
Pinag-aaralan namin ngayon ang Bloom's taxonomy na siyang kailangan naming maintindihan para sa paggawa ng questionaire. Ang hirap pala ng Educ at math... kala ko magcocompute lang!
"What is assessment?"
"Differentiate assessment from evaluation."
Ilan lang yan sa mga tanong sa quiz na essay ang sagot kaya naman panay ang reklamo ng iba kong kaklase. Hindi na ako nakisali sa kanila at sinagutan na lang ang quiz.
YOU ARE READING
Synesthesia
Ficción GeneralJames Eros Del Fueca, a man of his words, is besotted with his childhood best friend, Nayeli. They close the ties of forever when they we're young but due to unexpected tragedy they separated. Couple of years had passed and their path cross again fo...