CHAPTER 2

0 0 0
                                    

After an hour of agony, I crawled to my bed. Pinunasan ko ang luha ko at dinama ang pamamaga ng mata. Ang hapdi lalo na nang tumama sa mata ko ang brightness ng cellphone.

Simula ng dumating ako dito ay ngayon ko lang uli bubuksan ang social media ko. Hindi ko kasi kaya. Hindi ko kinaya na maging dito ay nakablock ako. Ganun nga siguro ako katoxic sa kanya.

Ilang minuto din akong nag-scroll sa newsfeed at nabored rin ako sa huli. Lahat ng post ng mga fb friends ko ay may kinalaman sa kanilang sembreak at christmas vacation.

Hindi ko naman sila masisisi. Bakasyon ngayon.. dapat magsaya, dapat magrelax, hindi tulad kong nagpapakastress sa pang-iiwan ng first boyfriend sa mismong anniversary namin! Bakit ba kasi? Naman, hyst!

Napatitig tuloy ako sa ceiling at nag-isip ng kung anu-ano. Bumalik lang ako sa reyalidad ng tumunog ang cellphone ko. Noong una ay hindi ko pinansin dahil baka update lang sa mga post pero naimbyerna ako sa inis ng sunod-sunod iyon. Ang ingay!

Isa-silent mode ko na sana ng makitang notification iyon para sa messages. There, I saw an unknown guy with his chat head and bombarding me with an annoying chats.

'hi babe...'

'babe?'

'henlu! reply please...'

Matapos mabasa ang mga clingy messages, probably, ang lalaking ito ay nangangailangan ng atensyon ng kanyang girlfriend na ngayon ay binabalewala din siya, ay binalik ko na mesa. Wrong send! Better to be rejected twice.

Tumagilid ako at binalak na matulog na. I need rest. Muntikan na kong mahulog sa malalim na pagtulog ng muling umalingawngaw ang cellphone ko. Damn! Hindi ko pala na-silent kanina. The unknown guy is making a video call!!!

And for the third time I rejected him, again. Peste! Sino ba 'to? Nakita kong nagmessage pa pala siya bago nagVC. Tumaas ang kilay ko habang binabasa ang nakakatindig balahibong sweet message niya!

'Hey babe. Can we talk? I never thought na darating tayo sa ganitong sitwasyon. Na magagawa mo kong tiisin. Ayaw mo na ba sa'kin? May gusto ka na bang iba? Are you happy now without me? Hindi mo na ba ko kailangan? Maiintindihan ko naman e, just tell me. Hindi mo ko kailangan iwasan. If I annoy you, I will stop. If you really need space, I will give it to you. Just talk to me. I love you:)'

Why so relatable? Grabe naman 'to si kuya! Na-wrong send na nga lang sakin pa talagang may pinagdadaanan, and worst iyong makakarelate pa talaga ko.

Nakakainis but at the same time, I couldn't help but to smile. Lalaki siya. Binaba niya ang pride para sa babaeng mahal niya, para intindihin ito. Sana lahat!

'X-send ka dude!'

That's what I said. Wala akong balak magdrama din kahit nakakarelate ako lalo na't hindi para sa akin ang mga mensahe niya. Mabuti na iyong sabihin kung nagkamali siya at baka kung ano pa ang malaman ko sa ka-chessyhan niya.

'Yown! Nagreply din.' Reply niya. Kumunot ang noo ko at napaisip.
Owshit! Sa una palang, alam niya ng ibang babae ako. Messenger to! I stalk his facebook account.

Ang kanyang profile ay nakatalikod and slightly side view like he was looking something from a distant. Ang cover photo naman ay isang babae na nakatalikod rin while watching sunset. Maybe his girl. Aside from that ay wala ng info. Private! Pa-showbiz masyado.

'Ano bang kailangan mo at chat ka ng chat?! Magkakilala ba tayo?' buwelta ko ng may mapagtanto.

'Ikaw. Kailangan kita.'

Kung may kaharap lang akong salamin sa malamang mukha na akong crumpled paper dahil sa reaksyon ko. Binabanatan yata ako ng gunggong na to! I know this move. Uso 'to e. Naghahanap ng instant majojowa.

SynesthesiaWhere stories live. Discover now