CHAPTER 4

0 0 0
                                    

"Ms. Monteverde." professor Almerez called me. Tumayo ako at tiningnan siya ng nagtataka dahil bigla niya akong tinawag. "Are you still with us? Your spacing out." Tanong niya pa.

Ah... "Yes sir. I'm sorry." I said in response.

Kanina pa kasi siya nagsasalita sa unahan pero hindi ko naman maintindihan. Magaling siyang magturo pero hindi sa mga oras na ito. Nalalamangan kasi ng sobra kong pag-iisip ang matuto sa kanya.

I keep on thinking what happened last night. The agreement between me and James. His condition. Ugh!

Iniisip ko kung bakit nga ba ako pumayag. I keep blaming myself for saying 'yes' to a stranger dahil sa kagagahan ko. This is the second time for God's sake! Ni hindi ko pa nga nakikita o nakikilala man lang yung tao aside sa fact na bestfriend siya nung gagong Ryden na yun!

I went to the front and solved the equation written on the board. I frowned when I realize what is it. Asymptote! Lakas makatadhana ah.

Bumalik din agad ako sa seat after mag explain sa unahan. It was smooth. Mabuti na lang dahil mahilig akong mag advance study, dahil kung hindi ay baka nakatanggap na ko ng samu't-saring sermon dahil sa pagiging inattentive.

Natapos ang klase ko sa hapon na kulang sa input. Napapakamot akong nagligpit ng gamit. Gusto ko sanang tanungin uli si Sir Almerez kung pinano yung example na nasa board kaya lang kanina pa siya nakalabas.

Nakakaimbyerna lang dahil naghahalo-halo ang natututunan ko sa mga major subjects. Palibhasa apat na branch ng mathematics ang tinetake namin ngayong sem.

Pagkalabas ko ng room ay dumeretso agad ako sa practice room. Medyo malayo pero kere lang basta ba makakapagrelax ako. Kailangan ko ng comfort ngayon. Maya na ang numero!

"Hi Ayel!" Anton greeted me. He was the drummer in our group.

"Hello din. Kamusta?" bati ko pabalik. Tinapik ko pa ang balikat niya.

"Still handsome, haha."

Ang hangin! Ngumiti na lang ako saka pumasok na sa loob.

Nakita kong naroon na rin iyong iba. Pumuwesto na rin ako sa gitna with my group na nag-aayos ng mga instruments. And minutes later, the background starts to play.

I really love music. I enjoy every bit of it. Sometimes, songs can melt our hearts. Dinadala tayo sa sitwasyon kung saan pakiramdam natin ay tayo ang gumawa ng liriko nito. We put our foot in the shoe of others just to know what they feel, for who they are.

In my case, siguro yung taong handang kilalanin ako yung taong gagawa noon para sa akin. Someone who will be there, never left me, if ever, will find ways just to understand me despite of many complications. If there's someone, I will embrace him with the same intensity, too.

"And baby... I'm walking in the rain." kanta ko sa huling lyrics ng kantang Walking in the rain. I paused ng maramdaman ang hapdi sa dibdib. Heartache again!

"Ayel, are you okey?" tanong ni Brandy na nasa gilid ko.

Siya ang leader namin and well-known for playing different instruments.

"Oo naman. Next song tayo?" sagot ko trying to hide the ache.

Nagpatuloy ang ensayo namin. Wala naman kaming event na dadaluhan ngayon kaya mild lang ang ginagawa naming practice. At puro random songs lang din ang tinutugtog namin.

Kadalasan kasi ay todo practice kami at inuulit-ulit namin ang piyesa kung may mga imbitasyon samin. Kumikita kami sa pagbabanda but much more likely sa university matters.

Alas-syete na ng matapos ang ensayo namin. Ewan ko ba, sa tuwing nagkakasama-sama ang grupo ay hindi na namin namamalayan ang oras. Ganun nga talaga siguro pag masaya ka sa ginagawa mo. Pag mahal mo ang isang bagay. Mas gugustuhin mong huwag matapos ang oras. To prolong the time and treasure every seconds of it.

SynesthesiaWhere stories live. Discover now