Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin iyong nangyari noong isang araw. Hindi talaga ako makapaniwalang nasa harapan ko ang lalaking binubugaw sa akin. Masyado bang maliit ang mundo? Mas nauna ko pa siyang nakilala kesa kay James!
"Coincidence lang yun!" Sambit ko habang pinapaikot sa daliri ang ballpen. Nagsusulat ako ng schedule pero hindi ko matapos-tapos dahil sumasagi sa isipan ko ang bagay na yun.
Paulit-ulit ko ring kinukumbinsi ang sarili ko na ang nangyaring pagkikita namin noong nagpakilalang... Ano nga name nun? Ryder ata? Ay ewan! Wag na nga. Is just a pure coincidence at hindi na mauulit pa. Malaki ang Maynila, we are miles distant from each other by now.
Pero syempre hindi ko pa rin maiwasang maalala ang insidenteng iyon sa tuwing napapadaan ako sa coffee shop. Grabe naman kasi talaga. Mala-fictional stories ang dating!
Nagsimula ang second semester. Third-year ako sa taong ito kaya naman kailangan ang magfocus sa pag-aaral, bagay na hindi ko ginawa noong unang semestre ko. Sayang! Pero wala na kong magagawa. Kasalanan ko naman lahat kaya gusto kong bumawi ngayon. Naniniwala akong hindi pa huli ang lahat!
I was at the library. Inaaral ko iyong mga subjects ko sa previous semester na hindi ko naintindihan. Free time ko ngayon kaya naisisingit ko sa schedule. Mahirap pero gusto ko talagang bumawi. Good thing dahil kahit isang linggo ko na itong ginagawa ay nagagawa ko pa ring magfocus sa mga current subjects ko this sem.
I don't know but I have this eagerness na maintindihan pa rin iyong mga lesson na tapos na. Ganito lang talaga siguro kalaki ang pagsisisi ko para pahirapan ang sarili sa pag-aaral. I regret the days na mas pinili kong magmukmok at umiyak sa kwarto kesa ang pahalagahan ang bagay na meron ako. And that's my career.
Im searching for some reference book. I prefer reading books than searching online. Time consuming but worth it naman dahil walang social distractions. Stress free and comfort din ang pagbabasa ng libro.
Nasa section ako ng history-related book ng mapansin ang isang lalaki na kasalukuyang kumukuha ng libro sa kabilang section ng shelves. Nanlaki ang mata ko ng mapamilyaran siya. Palapit siya sa akin habang abala sa ginagawang paghahanap kaya nataranta ako. Sa takot na makita ay agad akong kumuha ng libro at itinakip sa tagiliran ng mukha, and slowly walking away from him.
Bakit siya nandito? Hindi naman ako namamalikmata dahil parehong-pareho sila ng kulay at ayos ng buhok. May konting shade ng green na nakahalo sa maitim niyang buhok, nakagel, at nasa ayos na patayo. Meron din siyang piercing sa kaliwang tainga. Maging ang paraan ng pananamit niya ay katulad noong sa lalaki sa cafe. Badboy ang datingan!
"Miss!" I heard him calling, hindi ko nga lang alam kung ako talaga. Pero mas pinili ko paring magtago.
Suddenly, a ringtone for a call echoed on the library. Sinilip ko siya at nakita kong taranta niyang kinukuha ang cellphone na naroon sa pocket ng pants niya. Panay ang lingon niya sa paligid habang sinasagot ang linya.
'nakilala kaya niya 'ko?'
Tumalikod na ko para bumalik sa mesa. Mamaya na lang ako maghahanap ng libro pag wala na siya sa paligid. Kinailangan ko pang mag ninja turtle sa pagtatago para hindi niya makita. Mahirap na, dadaanan ko pa naman iyong section kung nasaan siya. Nakahinga lang ako ng maluwag ng lumiko siya sa kabila. Great!
"Aray!"
Reklamo ko ng mabunggo. Paatras kasi ang lakad ko dahil sinisilip ko pa rin kung nasaan na ba iyong lalaki. Mamaya niyan biglang sumulpot sa harap ko at sabihing 'Its you!' Letche!
"Gotcha." Panggugulat sa akin.
Bago pa man ako makalingon ay nasa likod ko na nga ang iniiwasan kung tao. I slowly face him at napabusangot ang mukha matapos ko siyang makita sa 'huli ka position'.

YOU ARE READING
Synesthesia
General FictionJames Eros Del Fueca, a man of his words, is besotted with his childhood best friend, Nayeli. They close the ties of forever when they we're young but due to unexpected tragedy they separated. Couple of years had passed and their path cross again fo...